Nagngitngit ang dalaga. Di niya alam kung ano ang trip ni Jameson pero di siya papayag na magpakasira ito. Guwapo naman ito. Makukuha nito ang sinumang babaeng gusto. Bakit kailangan sa mga babaeng nagbebenta pa ng aliw at mga menor de edad pa? Paano na ang babaeng mahal nito? Nagbago na ba ito ng isip? “Manong, pakihintay po ako. May susunduin lang ako.” Dahil nakatigil naman ang sasakyan dahil sa traffic, binuksan ni Nadia ang pinto at bumaba. Malalaki ang hakbang niya,, parang susugod sa giyera. Nakatuon lang ang atensiyon niya kay Jameson. Sa kabila ng ugong ng sasakyan ay dinig niya ang masayang tawa nito. “Ako ang bahala sa inyo,” nagmamalaking sabi ni Jameson sa mga babae. “Mas maganda yata kung kami ang bahala sa pagpapaligaya sa iyo,” nang-aakit na sabi ng babaeng nakahawak

