Chapter 1

1920 Words
Zandro's POV Naglalakad ako nito sa oval para magkubli sa mga upuan dito ng bigla akong nilapitan ng mga nambubully sa akin. "Hoy Zandro!" sigaw ni Jonathan sa akin. Napatigil ako sa paglalakad habang kinukubli ang dala-dala kong pagkain. "Hoy Zandro!" Sigaw niya sa akin sabay tapik ng balikat ko. Napatingin ako sa kanila at utal na tumugon sa kanila habang nanginginig sa takot. "B-bakit J-o-jonath-an?" utal na tanong ko sa kanya. Tumawa ng malakas sa akin si Jonathan pati na rin ang kanyang mga kasama at pilit na hinablot ang aking mga dalang pagkain. "Wow! Ang sarap naman nito!" masayang sambit niya sa akin. "Akin 'yan!" Pang-aagaw ko sa kanya. "Anong iyo? Akin na 'to ngayon!" Pang aasar niya sa akin. "Ginawa sa akin ng mommy ko 'yan!" Sigaw ko sa kanya. "Wala akong pake kung gawa 'to ng mama mo o mommy mo basta ang alam ko akin na 'to ngayon!" tumatawa niyang sambit sabay kain ng sandwich na gawa ni mama. "Wow! Ang sarap naman nito! Pasabi sa mama mo na damihan niya ang gawa niya ng sandwich kung ayaw mong sapakin kita," "Kapal ng mukha mo Jonathan! Mag nanakaw ka!" Sigaw ko sa kanya. "Sinisigaan mo ba ako? Huh! Taba! Ang taba-taba mo na nga ang damot-damot mo pa!" Galit na sigaw niya sa akin. Itinulak ko si Jonathan kaya nalaglag ang sandwich sa sahig. "Tingnan mo! Kung hindi mo ako tinulak hindi sana malalaglag 'yung sandwich sa sahig!" Galit na sigaw niya sa akin sabay bawi nang tulak sa akin. Sinapak ako sa mukha ni Jonathan at sinabayan rin ng mga kasama niya. Wala na akong magawa pa sa pananakit nila sa akin dahil tinatakpan ko na lang ang mukha ko sa kanila para hindi ito masyadong magalusan. Habang tinatakpan ko ang mukha ko ay may biglang sumigaw sa amin boses ito ng isang babae. "Hoy!" Galit na sigaw niya. "Aray ko! Bakit mo ako binato!" Sigaw ni Jonathan. "Anong ginagawa niyo diyan! Nambubully na naman kayo ng mga bata! Kapag hindi niyo iniwan 'yang batang 'yan babatuhin ko kayo ulit!" Galit na sigaw niya.  "Ano naman kung bulihin namin 'tong matabang panget na 'to?" galit na tanong niya sa babae. "Aaah! Ayaw niyo siyang lubayan huh! Sige isusumbong ko kayo kay Ms. Belle!" Sigaw niya habang dumadampot ng bato sa gilid. "Babalikan kita tabachoy!" Sigaw niya sa akin. "Takbo na!" Sigaw ni Jonathan sa mga kasama niya sabay sipa muli sa akin.  Madaling tumakbo sila Jonathan at ang mga kasama niya palayo sa akin. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa aking mukha at napatingin ako sa babaeng tumulong sa akin. Habang nakatingin ako sa kanya ay parang nag iislow motion ang paligid. Ang mga buhok niya ay tinatangay ng hangin habang papalapit sa akin at ang kanyang mga pilik mata ay makakapal na mahahaba at ang labi niya ay mapula-pula. Napapanguso ako sa kanya ng hindi ko alam at parang lumilinaw ang aking mga mata. Hinawakan niya ako sa aking braso at tinulungan na tumayo kinakausap niya ako ngunit hindi ko marinig ang boses niya dahil para akong nabibingi sa kagandahan niya. "Hoy!" Sigaw niya sa akin sabay sampal sa aking pisngi. Napatingin ako sa kanya at bigla akong bumalik sa aking ulirat. Napasigaw ako ng malakas dahil sa sakit ng sampal niya sa akin. "Ang sakit naman 'nun!" galit na sambit ko sa kanya.  Aambahan niya ako ng sapak ngunit umiwas ako sa kanya sabay tawa niya sa akin ng malakas. "Kaya naman pala nabubully ka eeh! Ang hina mo!" Pang aasar niya sa akin. "Tinuruan kasi ako ng mama ko na maging mabuti sa mga bata," tugon ko sa kanya. "Halika na!" sambit niya sa akin sabay hablot ng braso ko. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. "Edi saan pa? Sa nurse room syempre!" "B-bakit?" utal na tanong ko sa kanya. "May mga galos ka sa siko mo tsaka sa tuhod ooh!" "Aaah ganun ba," "Oo!" Hinila niya ako papunta sa nurse room upang magamot ako doon habang naglalakad kaming dalawa patungo sa nurse room ay walang salita ang lumalabas sa akin dahil sa nahihiya ako na kinikilig ako sa kanya. Maganda na matapang pa siya. "A-anong pangalan mo?" nahihiyang tanong ko sa kanya. "Ako?" "Oo alangan naman na ako? Ikaw tinatanong ko 'di ba?" pilisopong tanong ko sa kanya. "Aaah inaangasan mo ako? Gusto mo bang pektusan kita?" maangas na tanong niya sa akin. "Biro lang!" Pamimigil ko sa kanya. Pumasok na kami sa loob ng nurse room at inihatid na niya ako mismo sa nurse. "Hello po nurse Ara," sambit niya kay nurse Ara. "Anong nangyari sayo S-?" nag aalalang tanong niya sa akin. "Nurse!" Sigaw ko sa kanya para maputol ang tawag niya sa akin. "Sige na po nurse Ara alis na po ako at hinatid ko lang naman po 'tong si Labo," sambit niya sabay labas ng kwarto. "Sige salamat!" tugon ni Nurse Ara sa kanya. "Hindi ko man lang nalaman pangalan niya," malungkot na sambit ko. "Hindi mo siya kilala? Ikaw na lang ata hindi nakakakilala sa kanya Sir Zandro," tumatawang sambit ni nurse Ara sa akin. "Bakit ano po bang pangalan niya nurse Ara?" "Si Sophia Almazan 'yun!" "Sophia Almazan," nakangiting sambit ko. "Bakit? Siguro crush mo siya noh?" Panunukso niya sa akin. "Hindi po aah! Tinanong ko lang po nurse Ara," nahihiyang sambit ko sa kanya. "Nako! Ang bata-bata mo pa may pa crush-crush ka na huh! Halika na dito at lilinisan ko na 'yang mga sugat mo," "Opo!" tugon ko. Lumapit na ako kay nurse Ara at nilinis na niya ang mga sugat ko at ginamot ito. Switching Scenes SOPHIA'S POV Pagkatapos kong ihatid sa nurse room ang batang iyon ay bumalik na ako sa silid ko para magbasa-basa ng mga susunod na topic sa klase. Hindi ako paladaldal sa mga kaklase ko pero aktibo ako kapag oras na ng klase. Ako kasi 'yung tipo ng tao na hindi nag sasayang ng oras dahil mahirap lang kami sa buhay at pinag aaral lang ako ng amo ng ama ko. Lumipas ang mga oras ay dumating na ang guro namin na si Bb. Perlas. "Kumusta mga bata?" Bati niya sa amin. "Magandang umaga po Binibining Perlas!" Bati namin sa kanya sabay tayo sa aming upuan. "Maupo na ang lahat at mag sisimula na ang ating pag-aaral," Utos niya sa amin. "Maraming salamat po." Umupo na kami sa aming mga upuan at nag simula na kami sa discussion namin. Nagbasa-basa ako ng advance sa libro namin kaya't nagulat na lang ako na ito pala ang topic namin ngayong araw. "Napakahusay!" Papuri ni Bb. Perlas sa akin. "Ikaw talaga ang pinaka magaling na mag aaral ngayong taon Sophia!" masayang sambit niya sa akin. "Hindi naman po Binibi nag advance lang po ako ng basa kanina at hindi ko po sinasadya na maaral ko ng maaga ang iyong ituturo ngayong araw," "Wala sa akin 'yun Sophia natutuwa ako dahil sa dedikasyon mo sa pag aaral sana marami pang batang katulad mo," nakangiting sambit niya. "Maraming salamat po." Puring-puri na naman ako ni Binibining Perlas kaya napapasimangot na naman ang mga kaklase ko. Ako na naman ang bida ng klase dahil sa ginawa kong pag aaral ng mabuti. Grade 5 na ako ngayon at malapit ko na makamit ang unang malaking karangalan na maiaabot ko sa magulang ko. Ang pangarap kong maging Valedictorian. Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso ako sa library upang doon ay gumawa at mag research ng aking takdang aralin. Wala kasi kaming internet at mas lalong wala kaming magandang cellphone para magamit ko sa pag aaral ko kaya dito ako sa library nakikigamit ng computer. Habang abala akong nag re-research sa computer dito sa library ay dumating ang mangilan-ngilan kong ka-klase. "Nandito pala si basahan," natatawang sambit ni Mildred sa mga kaibigan niya. "Oo nga!" tugon naman ng mga kaibigan niya. Hindi ko sila pinansin sapagkat abala ako sa ginagawa kong takdang aralin ngunit hindi nila ako tinantanan at hinawak-hawakan pa ako ni Mildred at inamoy ang buhok ko. "Urgh! Eww!" Pandidiri ni Mildred sa akin. "B-bakit?" gulat na tanong ko sa kanya. "Ang baho ng buhok mo! Tapos ang dumi ng damit mo parang limang libong tao na ang gumamit!" Sigaw sa akin ni Mildred. Inamoy ko ang damit at buhok ko sabay angal sa kanya. "Hindi naman eeh!" Nakataray na angal ko sa kanya. "Paano ka kaya nakapasok sa eskwelahan na 'to? Like duh? School 'to ng mga mayayaman na katulad ko pero bakit may basahan na nakapasok?" galit na tanong niya sa akin. Hindi na ako tumugon pa kay Mildred at nagpatuloy na lang akong mag sulat ng takdang aralin ko. Wala akong oras na makipagtalo sa lata na katulad ni Mildred nakapasok lang sa top section dahil mayaman ang pamilya niya. Actually ang top section ay hindi section ng mga matatalino bagkus ay mga mayayaman na tao.  Itong iskwelahan na pinapasukan ko ay mayayaman ang mga nag aaral dito sampid lang naman ako dito dahil scholar ako ng amo ni papa. Patuloy sa pang aasar sila Mildred sa akin ngunit nakatuon ang atensyon ko sa aking takdang aralin kaya pagkatapos na pagkatapos kong gawin ito ay binalik ko na ang libro na hiniram ko at pinatay ko na ang computer. Umuwi na ako agad sa bahay pagkatapos kong gawin ang takdang aralin ko. Pagkauwi na pagkauwi ko pa lang ay nakita ko ang mga bag namin sa labas ng bahay namin kaya agad akong pumasok sa loob ng kubo namin at hinanap si mama. "Ma! Mama!" Tarantang sigaw ko. Sinuyod ko ang buong kubo ngunit hindi ko makita si mama hanggang sa umupo na lang ako sa hagdanan ng aming kubo at hinintay na bumalik si mama. Nakasalumbaba ako at nakabusangot ng makita ko sa di kalayuan si mama at papa na seryosong nag uusap na dalawa. "Ma! Pa!" Sigaw ko sabay takbo sa kanilang dalawa. "Ano pong nangyari bakit po nasa labas ang mga gamit natin?" tanong ko agad sa kanilang dalawa. "A-ano k-kasi anak," utal na tugon ni mama sa akin. "Ano pong nangyari mama?" malungkot na tanong ko sa kanya. "Pinapalayas na tayo ni Kaka," malungkot na tugon niya sa akin. "Po?" gulat na tanong ko sa kanya. "Saan na po tayo titira ngayon mama?" umiiyak na tanong ko sa kanya. "Nakiusap na si papa mo sa amo niya at pumayag ito na tumira tayo sa kanila," "Talaga po?" masayang tanong ko. "Edi hindi po tayo sa kalye mag papalipas ng gabi ngayon?" "Hindi anak. Lilipat din tayo ngayon sa bahay nila mayor," nakangiting tugon niya sa akin. "Wow! Kila mayor tayo titira!" "Kaso anak wag kang mag expect na doon tayo mismo sa bahay nila huh. Doon tayo titira sa maliit na kubo sa likuran ng bahay nila kasi pumasok si mama na kasambahay sa kanila," "Aaah ok lang po sa akin 'yun basta po may matitirahan tayong tatlo!" "Oo anak! Kaya mag aral ka ng mabuti para pag laki mo bibili tayo ng bahay na matitirahan natin," "Opo papa! Mag aaral po ako ng mabuti para bibili ako ng bahay nating tatlo tapos may swimming pool sa labas para lagi tayong mag su-swimming!" "Oo naman anak!" "Tapos bibili ako helicopter tapos submarine!" "Oo anak bibili tayo ng mga ganun kapag may trabaho ka na." nakangiting tugon ni papa sa akin. Niyakap ko ng mahigpit sila mama at papa at pagkatapos nito ay isa-isa ng binuhat ni papa ang mga bag namin at sumakay na kami sa tricycle para pumunta sa bahay ng amo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD