Manghang-mangha akong naglalakad papasok sa isang napaka laking gate.
"Ito na po ba ang titirhan natin?" masayang tanong ko kay papa.
"Oo anak dito na tayo titira pero sana maging mabait kang bata para hindi nila tayo paalisin dito huh?"
"Opo! Mag papakabait po ako para hindi nila tayo paalisin dito,"
"Mabuti naman kung ganun anak."
Pumasok na kami sa loob ng malaking gate na ito at sa bungad pa lang ng gate ay may nakita na akong mga gwardiya.
"Ito na ba si Phia mo? Arnel?" tanong ng isang lalaki kay papa.
"Oo ito na ang inaanak mo Junior!" tumatawa niyang sambit nito.
"Aba! Ang laki na pala ni Ineng ano? Ilang taon ka na?" tanong niya sa akin.
"9 years old na po ako ninong!" masayang tugon ko sa kanya.
"Nako! Ang laki na pala ng utang ko sayo,"
"Ok lang po 'yun ninong hindi naman po ako mahilig sa mga regalo," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Nako! Matured na pala ang utak ng inaanak kong ito! Hayaan mo lagi naman na tayong magkakasama dito sa mansion kaya lagi muna akong mahihingian,"
"Nako maraming salamat na lang po ninong! Hindi naman po material ang kailangan ko kundi ang gabay niyo lang po."
Pakamot-kamot ng ulo si ninong Junior dahil sa akin kaya si papa na lang ang kinausap niya. Ibinaba ko na muna ang mga gamit ko sa sahig at naglakad-lakad ako papalayo sa kanila ng bigla akong sinigawan ni mama.
"Anak! Wag makulit baka pagalitan tayo!" Sigaw niya sa akin.
Agad akong lumapit sa kanya dahil sa sigaw niyang ito kaya hinintay ko na lang si papa at ninong Junior na matapos sa usapan nilang dalawa at para makapunta na kami sa magiging tahanan naming tatlo.
Matagal din ang usapan nilang dalawa kaya napapasalumbaba na lang ako habang nakaupo sa mabatong sahig na inuupuan ko.
"Anong ginagawa mo diyan Phia! Tumayo ka nga diyan!" galit na sambit ni mama sa akin.
"Eeh mama nangangawit na po ako," Angal ko sa kanya.
"Hayaan mo na sila papa at ninong mo na mag-usap,"
"Sige po."
Tumayo muli ako sa kinauupuan ko at nagpalakad-lakad na lang muli ako sa tabi ni mama ng may gumulong na bola sa amin banda.
Kinuha ko ito at tumingin ako sa direksyon kung nasaan ito nanggaling ng may batang lalaking papatakbong papalapit sa akin.
Nagkatinginan kaming dalawa at bigla ko na lang naalala ang batang ito.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanya.
Napatitig sa akin ang batang ito at utal na sumagot sa akin.
"Anong hoy ka diyan!" galit na tugon niya sa akin.
Inaambahan ko siya ng kaltok ng bigla akong hinila ni papa palayo sa kanya.
"Anak bakit mo inaaaway ang batang iyon!" Pamimigil ni papa sa akin.
"Hindi ko naman inaaway 'yun papa! Tinatakot ko lang siya." nakangisi kong tugon sa kanya.
Iniwan ako ni papa at alalang lumapit siya sa batang iyun.
"Nasaktan po ba kayo Sir?" alalang tanong ni papa sa kanya.
"H-hindi naman po." tugon ng batang ito sa kanya.
Napapailing akong nakatingin kay papa at sa batang iyon at kung bakit siya tinawag ni papa na Sir.
Inalalayan siya ni papa na pumasok sa loob ng bahay habang naglalakad sila papalayo sa amin ay hindi mawala ang tingin ko sa kanya at napapatingin din ang bata sa akin.
Lumipas ang ilang minuto ng pumasok si papa sa loob ng bahay ay patakbo siyang lumapit sa akin.
"Halika na kayo at mag-aayos pa tayo ng tutulugan nating tatlo at ikaw Sophia mag uusap tayo ng masinsinan sa bahay," galit na sambit niya sa akin.
"Sorry po papa." malungkot na tugon ko sa kanya.
Naglakad na kami nila mama at papa papunta sa likuran ng mansion at doon ay makikita ang aming tirahan. Ang isang maliit na kubo na kasya lang ang tatlong tao para manirahan habang ng aayos kami ng mga gamit sa loob ng kubo ay bigla akong kinausap ni papa ng masinsinan.
"Anak hindi ko nasabi sayo kung sino ang amo ko pero ngayon at nandito na tayo sa mansion ay gusto ko maging aware ka sa mga tao dito. Ang batang kausap ko kanina ay ang nag iisang anak nila Mayor Warren at Doktora Anjanette," sambit niya sa akin.
"Yung batang uhugin na 'yun papa ay anak ni mayor?" tanong ko sa kanya.
"Oo anak kaya tigilan mong tawagin siyang ganyan at baka paalisin nila tayo dito sa kubo. Gusto mo bang matulog sa kalye?"
"Ayoko po,"
"Kaya dapat magpakabait ka sa lahat huh? Kapag inaaway ka niya pag pasensyahan mo na lang kasi mahal na mahal 'yan ng magulang niya at kapag nag sumbong 'yan sa magulang niya pati sa school mo ngayon malilipat ka,"
"Kahit mali na po ang ginagawa niya? Ok pa rin po ba dapat ito sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Kapag sobra na siya sayo sabihin mo sa akin at aalis tayo dito,"
"Ito namang dalawa na 'to kakadating palang natin dito tapos ganyan na agad ang mga conclusion niyo," Singit ni mama sa amin.
"Yung bata kasi ang may kasalanan nito eeh!" Angal ko sa kanila.
"Ssshhh... Tumigil ka na Phia mamaya marinig ka pa sa labas!" galit na sambit ni mama sa akin.
"Sorry po mama."
Umupo ako sa tabi ni mama at tinulungan ko siyang mag tiklop ng mga damit namin.
Madilim na ang kapaligiran at hindi pa rin kami nag hahapunan kaya habang nag aayos sila mama at papa ay kinalabit ko na si mama.
"Mama nagugutom na po ako," malungkot na sambit ko sa kanya habang hinahawakan ang tiyan ko.
"Nako! Anong oras na ba?" gulat na tanong ni mama kay papa.
Tiningnan agad ni papa ang relo niyang basag-basag at tumingin sa amin.
"Alas otso na pala ng gabi," tumatawa niyang sambit sa amin.
"Hindi na ako nakaluto ng gabihan paano kaya ito Arnel?" tanong ni mama kay papa.
"Edi sa labas na tayo kakain! Anong gusto mong kainan Phia?" nakangiting tanong ni papa sa akin.
"Hmmm... Pwede po ba sa jollibee tayo kain?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Pwede naman," nakangiting tugon niya sa akin.
"Tara na!" masayang sambit ni papa sa akin.
Lumabas na kaming pamilya sa kubo at sinara na ni papa ang pinto at umalis na kami. Masaya ako ngayon kasi makakakain na naman ako ng masarap na pagkain.
Ang akala kong nasa masarap na kainan ako idadala ni papa ay parang biglang nagbago. Nakasimangot akong nakatingin kila mama at papa dahil sa ginawa nila sa akin.
"Anong sinisimangot mo diyan?" inis na tanong ni mama sa akin.
"Sabi kasi ni papa sa jollibee daw tayo kakain bakit nandito tayo sa lugawan?" maluha-luhang tanong ko sa kanya.
"Bakit? Fried chicken rin naman kinakain mo aah? May egg pa 'yan," tugon ni mama.
"Oo nga po fried chicken nga po ulam ko pero wala namang softdrinks,"
"Anong walang softdrinks?" nakangiting tanong ni papa.
Napangiti ako ng bahagya ngunit hindi pa rin ako ganun kasaya.
"Wala naman 'yung ice cream na gusto ko,"
"Anong wala? Heto ooh!" nakangiting sambit ni papa sa akin.
"Ok na pala eeh! May chicken na ako, may softdrinks at ice cream pa!" masayang sambit ko sa kanila.
"Sabi sayo eeh! Kaya wag ka na magsimangot diyan!" Pang aasar ni papa sa akin.
"Hayaan mo kapag nakapag simula na si mama mag trabaho kila mayor kakain na talaga tayo sa totoong jollibee pero pansamantala ay dito na muna tayo huh?"
"Opo mama. Maraming salamat po sa inyo ni papa dahil binili niyo pa rin po ang mga paborito kong pagkain,"
"Walang anuman mahal ko basta mag aral ka ng mabuti huh? Wag ka muna mag boyfriend," sambit ni mama sa akin.
"Ang bata-bata ko pa po mama at tsaka malapit na po akong grumaduate sa elementary kaya dapat mas pag igihan ko pa po ang pag aaral para makuha ko po ang pagiging valedictorian,"
"Oo anak! Taasan mo ang pangarap mo at mag focus ka lang sa goal mo para makamit mo ang mga dreams mo sa buhay,"
"Opo! Paglaki ko magkakaroon ako ng maganda at sobrang laking restaurant tapos lagi tayong kakain dun!"
"Wow! Excited na kami sa malaki at magandang restaurant mo anak!" masayang sambit ni mama sa akin habang hinahaplos-haplos ang aking buhok.
Ang lungkot na naramdaman ko kanina ay biglang naglaho dahil sa magulang ko na kumu-comfort sa akin.
Pagkalipas ng ilang oras namin sa labas ng mansyon ay bumalik na kami sa loob. Pagkauwi na pagkauwi pa lang namin ay natulog na kaming mag anak. Mabilis lang akong nakatulog sa bago naming bahay dahil sa pagod na rin.
Kinabukasan.
Katulad ng nakagisnan ko ay maaga akong gumigising para mag painit ng tubig at mag saing ng kanin.
Pagkatapos nito ay hinandaan ko na si papa ng kape niya at ginising ko na si mama.
"Ooh anak? Bakit lagi kang maaga gumising?" tanong ni mama sa akin habang pahikab-hikab sa harapan ko.
"Kasi mama kapag hindi ako gumising ng maaga baka ma-late ako sa school lalo na po mas malayo na ang lalakarin ko papunta ng school ngayon," tugon ko sa kanya.
"Ganun ba? Pasensya na anak at hindi na kita nahahatid sa school simula ng nag grade 5 ka aah? Pag pasensya mo na si mama at papa kasi kailangan naming kumayod para may mailagay tayo sa hapag kainan natin,"
"Ok lang po 'yun mama tsaka sinasanay ko na rin po ang sarili ko na maging independent,"
"Wow! Talaga gumaganyan ka Phia aah! Ke-aga aga may pa independent-independent ka pa," Pang aasar ni mama sa akin.
"Ma-ma kailangan kong maging independent sa buhay kasi kapag nag 18 na ako mag wo-work ako para makatulong ako agad sa inyo,"
"Nako Ineng maraming bigas pa ang kakainin mo bago ka maging labingwalong gulang," Sabat ni papa.
"Gawin mo namang kanin papa wag naman bigas hindi ako mabubusog 'nun!" Angal ko sa kanya.
"Hayy nako Phia umaandar na naman ang pagkapilosopo mo!"
"Hayy nako papa umandar na naman nga ang pagkapilosopo ko po. Paano saan po ako mag mamana edi sa inyo!" Pang aasar ko sa kanya.
"Aba talagang!" Asar na sambit ni papa sa akin habang kinukuha ang tsinelas niya. "Hala sige simulan mo ng tumakbo at tatama 'tong ilalim ng tsinelas sa mukha mo!"
"Papa maligo ka na kaya? Mamaya ma-late ka pa diyan sige ka baka paalisin tayo ni Mayor dito,"
"Aay talagang pinipikon mo ako huh!" sabay bato niya sa akin ng tsinelas.
Kamuntikan na akong matamaan ng tsinelas ni papa ngunit mas mabilis pa ako sa kuneho kaya nakalabas na ako ng bahay nito. Tumakbo ako ng mabilis baka kasi habulin ako ni papa ngunit napatingin ako sa likod ko at wala siya dito kaya huminto na ako sa pagtakbo at nagpalakad-lakad na lang ako sa labas.
"Ang ganda pala dito!" masayang sambit ko.
Nag lakad-lakad lang muna ako sa labas ng bigla kong matunton ang isang palaruan.
"Dito siguro naglalaro si labo?" tanong ko na lang sa sarili ko.
Papalapit na sana ako sa palaruan nito ng biglang bumukas ang pintuan. Nag tago ako sa isang mayabong na halaman habang sinisilip ang lumabas na ito at nakita ko nga si batang labo na naglalakad sa labas kaya umalis na ako sa halaman at naglakad na ako pabalik sa kubo ng bigla niya akong sinigawan.
"Hoy bata!" Sigaw niya sa akin.
Tumingin ako agad sa kanya at tinuro ang sarili ko.
"Ako?" tanong ko sa kanya.
"Oo! Bakit may ibang bata pa ba dito?" tanong niya pabalik sa akin.
"Hindi ko alam sayo kung may ibang bata ka pang nakikita paano kasi apat ang mata mo!" Sigaw ko sa kanya habang tumatawa.
Sumimangot siya bigla sa akin at malungkot na umupo na lang sa swing.
"Hala baka magsumbong siya sa mama niya. Paano na 'to!" kinakabahang sambit ko sa sarili ko.
Dahil sa kaba ko ay tinawag ko siya muli.
"Bata!" Sigaw ko.
Hindi niya ako pinansin at tumayo na lang siya sa swing sabay pasok muli sa loob ng mansyon. Kinakabahan ako nito dahil pinag tawanan ko siya kanina mamaya mag sumbong 'to sa nanay niya at palayasin na lang kami bigla dito sa mansyon nila.
Malungkot akong bumalik ng bahay dahil sa kapalpakan kong ginawa ngayong umaga lang. Una kay papa parang naging bastos ako kanya kahit pa pabiro lang ang mga tugon ko sa kanya tapos ngayon dito naman sa batang ito ako naging masama.
Habang naglalakad ako pabalik sa kubo ay nakita ko si mama na nagwawalis sa labas ng kubo namin.
"Ooh? Ang aga-aga Phia nakabusangot ka na naman?"
"Wala po mama,"
"Maligo ka na nga at pumasok ka na sa school,"
"Sige po."
Sa labas ng kubo ang aming banyo kaya pumasok muna ako sa bahay para kunin ang tuwalya ko at sabay pasok ko sa banyo para maligo.
Lumipas ang ilang minuto ay natapos na akong mag ayos ng sarili ko at nag paalam na rin ako kay mama na papasok na ako sa school.