Chapter 3

2079 Words
Patalon-talon akong naglakad palayo sa bahay at pa whistle-whistle pa. Panibagong sabak na naman sa aking pangarap. Maaga pa ang oras kaya hindi ko na muna binilisan ang paglalakad ko.  Medyo malayo-layo rin ang aking lalakarin ngunit yakang-yaka ko na ito dahil araw-araw naman akong naglalakad papasok sa school. Ako lang ata ang pumapasok na naglalakad lang at ang mga ka-klase at mga ka-schoolmate ko ay nakakotse lahat pero ok lang ito sa akin dahil hindi naman ako tumitingin sa kung anong meron sila kung hindi sa nilalaman ng puso nila.  Aminado naman ako na wala akong kaibigan sa school na pinapasukan ko dahil lahat sila pamangmata sa katulad kong dukha ngunit hindi ko sila pinapansin dahil hindi naman sila ang pinunta ko sa iskwelahan kung hindi ang matuto. Habang naglalakad ako papunta sa school ay biglang dumaan sa akin ang sasakyan nila mayor. Napatingin ako dito at nakita ko ang anak nila mayor na nakasilip sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya bigla ko siyang pinakitaan ng aking kamao kaya umupo na lang siya sa kinauupuan niya. Hindi ibig sabihin na mahirap lang ako ay pwede na nila akong tapak-tapakan hindi ako 'yung tipo na madaling matakot sa kanila kahit pa mga kilala at mayayaman ang kanilang pamilya o angkan ang akin ay kapag alam kong ako ang nasa tama ay ipaglalaban ko ito. Mabilis na nawala sa harapan ko ang kotse nila mayor at nagpatuloy na akong maglakad patungo sa school ng bigla kong nakita ang oras sa isang karinderyang dinaanan ko. "Alas syete diyes na!" Sigaw ko habang pinabasa ang relo na nakasabit sa dingding. Madali akong tumakbo patungo sa school dahil male-late na ako at masasarahan na ako ng gate nito. Takbo lang ako ng takbo nito at hingal na hingal akong nag papahinga sa harapan ng guard house sa school. "Ooh male-late ka na!" sambit ni mang Roger sa akin. "Kaya nga po," hingal na tugon ko sa kanya. "Sige na pasok na sa loob at papalabas na si Sir Ramon at baka makatikim ka pa ng galit 'nun," "Opo!" Pumasok na ako agad sa loob ng gate at nag simula na akong maglakad patungo sa aking silid aralan. Mula sa bukana ng malaking gate ay makikita mula rito ang oval ng aming school. Habang naglalakad ako ay nakita ko na naman si labo na nakaupo sa dulo ng mga upuan dito. "Anong ginagawa na naman niya doon?" tanong ko na lang sa sarili ko habang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko na pinansin pa si labo at naglakad na ako sa hallway ng biglang dumaan sa harapan ko 'yung tatlong bata na nanakit kay labo. "Sila 'yun 'di ba?" tanong ko na lang sa sarili ko habang tinitingnan 'yung tatlong bata na dumaan sa harapan ko. Marami pa naman ang oras bago dumating ang unang teacher namin kaya pinasok ko na lang muna sa room ko ang bag ko at agad akong lumabas ng room para silipin si labo sa oval. Nag lalakad ako nito pabalik sa labas ng nakita ko 'yung tatlong bata na papalapit kay labo kaya kumaripas ako ng takbo. Malapit na sila kay labo at medyo malayo-layo pa ako kaya gumawa na ako ng paraan para lubayan nila si labo. Habang tumatakbo ako papalapit sa kanila ay may nakita akong bola ng soccer sa gilid ng soccer goal. Dinampot ko ito agad at iniayos ko ang bola sa sahig at tumakbo ako ng mga isang metro papalayo sa bola para makakuha ako ng bwelo. Sinipa ko ito ng pagkalakas-lakas at matagumpay kong natamaan ang nambubully kay labo.  Nalaglag ang bata sa upuan at natukod nito ang kanyang braso sa sahig kaya napasigaw siya ng malakas. Napatingin sa akin ang mga kasama nito at tiningnan ako ng masama ngunit hindi ako nag padaig sa kanila dahil kumuha muli ako ng isa pang bola para isipa ito sa kanila ngunit nagtago na sila at tinulungan ang kaibigan nilang umiiyak. Umakyat ako sa upuan at agad kong hinila papalayo si labo. "Kumusta ka labo? Ayy sir?" nag aalalang tanong ko sa kanya. "Aahh O-ok l-lang ako," utal na tugon niya sa akin. "Mabuti naman kung ganun halika na at ilalayo kita sa kanila," sambit ko sa kanya sabay kawit ng kamay ko sa braso niya. "Yare tayo sa ginawa mo!" nanginginig na sambit niya sa akin. "Ok lang 'yan deserve niya 'yan kasi binubully ka niya." Mangiyak-ngiyak si labo ng inilalayo ko siya sa mga nang-aaway sa kanya. Malapit na ang oras ng klase ko ngunit kasama ko pa rin itong batang ito. "Sir anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Wag mo nga akong tawaging sir magka-edad lang naman tayong dalawa," "So bata ano ngang pangalan mo?" maangas na tanong ko sa kanya. "Zandro," tugon niya sa akin. "Sige Zandro mamaya na lang!" nakangiting sambit ko sa kanya. "S-sige." Patakbo akong umalis sa harapan ni Zandro sapagkat nagmamadali na ako na makabalik sa room dahil pasimula na nga ang klase ko. Lumipas ang mga oras ay recess na namin kaya nag paalam na muna ako sa guro ko na mag babanyo. Habang nag lalakad ako patungo sa banyo ng mga babae ay nakasalubong ko 'yung kaibigan nung batang bully. "Ikaw 'yung batang sumipa ng bola kanina noh?" tanong niya sa akin. "Oo bakit?" mataray na tanong ko sa kanya. "Yari ka! Isinugod sa ospital si Vincent sigurado ako na susugod ang mga magulang niya dito," Pananakot niya sa akin. "Ok lang! Alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginawang mali," "Hindi ka papanigan ng principal kahit anong paliwanag ang sabihin mo." Tinalikuran ko na siya at nag madali na akong pumasok sa loob ng banyo. Habang nasa loob ako ng cubicle ay may mga pumasok na babaeng istudyante sa loob at rinig na rinig ko na ako ang pinag-uusapan nila. "Alam mo ba na isinugod sa ospital si Vincent?" tanong ng isang babae sa kasama niya. "Oo sinabi ni Joshua sa akin. Galit na galit daw 'yung mga magulang ni Vincent kasi napilayan siya tapos sinusumbong nila 'yung babae sa section 1 na gumawa nun," "Yare talaga siya dun sa magulang ni Vincent sobrang mataray pa naman ng nanay nun tsaka major stock holder sila ng school na 'to," "Oo nga eeh! Kaya nga pinapabayaan ko na lang na ganun si Vincent kasi nakakatakot kalaban pamilya niya," "Ewan ko ba bakit ganun si Vincent pero kung sino man 'yung babae na 'yun idol ko na siya kasi ang tapang niyang banggain si Vincent," natatawang sambit nung isang babae. "Aaah basta! Kahit pa sino 'yung gumawa nun yare siya baka mapatalsik siya sa school na 'to." Nag flash na ako ng tubig sa cubicle at napansin kong tumigil sila sa usapan nilang magkakaibigan. Madali akong lumabas ng banyo at patakbo akong pumasok sa class room. Pag dating na pag dating ko palang dito ay rinig ko na agad ang chismisan ng mga ka-klase ko na nasagap nila sa ibang klase. "Alam niyo ba na nasa hospital si Vincent? At alam niyo rin ba na binully daw si Vincent ng taga section one?" Chismis ng isa kong ka-klase. "Dito sa atin ang nambully?" tanong ng isa. "Oo! Hindi ko nga lang alam kung sino sa atin dito ang nambully kay Vincent tapos ang balita ko namali daw ang braso niya," "Talaga ba?" "Oo! Kanina lang dinala si Vincent sa ospital," "Nako! Yare 'yung gumawa nun kay Vincent kilala mo naman magulang nun," "Ayun nga eeh! Sino kaya gumawa 'nun?"  "Hindi kaya si Michael?"  "Hala oo si Michael siguro kasi 'di ba binubully siya ni Vincent nung nakaraan?" tugon niya sa kausap niya. "Baka bumawi si Michael kay Vincent?" "Teka tanungin natin si Michael." Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa. Gumagawa na sila ng kanya-kanyang nilang kwento at iba-ibang tao na rin ang nadadamay. Habang nakikinig ako sa usapan nila sa loob ng classroom tungkol sa nangyari kay Vincent ay tinawag ako ni Binibining Perlas. "Sophia?" tawag niya sa akin. "Po?" tanong ko sa kanya. "Halika at sumama ka sa akin," "Sige po." malungkot na tugon ko sa kanya. Pinag tinginan ako ng mga ka-klase ko habang papalapit ako kay Binibining Perlas. "Nako! Nakuha na naman niya ang top 1!" galit na sambit ng isa kong ka-klase habang nakatingin sa akin. "Hayaan niyo na! Deserve naman niya 'yan!" sambit ng isa. Pag lapit na pag lapit ko palang kay Binibining Perlas ay agad na niya akong hinawakan sa aking kamay at idinala sa isang bakanteng silid sa school namin at kinausap ng masinsinan. "Sophia," seryosong sambit niya ng pangalan ko. "Po? Binibini?" tanong ko sa kanya. "Alam mo naman na ang gusto kong iparating hindi ba?" seryosong tanong niya sa akin. "Alam ko po Binibini. Tatanggapin ko po ang mga parusang igagawad sa akin ngunit malinis po ang kunsensya ko," "Kilala mo naman si Vincent hindi ba?" "Opo. P-pero Bi-," putol kong tugon sa kanya. "Ssshhh... Kahit pa Sophia paano mo maipapaliwanag ang bale niya sa braso ngayon? Hindi kita matatanggol Sophia kasi wala ako sa pinangyarihan at malakas ang kapit ng magulang ni Vincent sa principal natin dahil isa sila sa stock holder ng school," "Ano pong gagawin ko ngayon Binibini?" umiiyak kong tanong sa kanya. "Hindi ko alam Sophia pero sa ngayon tumahimik ka muna bago pa malaman ng lahat ang nangyari," "Masusunod po." Hinaplos-haplos ni Binibining Perlas ang aking buhok at pinatahan ako sa pag-iyak. "Ikaw pa naman ang napipisil ng mga teacher na maging valedictorian next year," "Alam ko po kung paano ko po malulusutan ito," bigla ko nasambit sa kanya. "Paano?" "Kailangan ko pong makausap ang witness sa nangyari kanina kung bakit ko ginawa kay Vincent 'yun. Sana tulungan niya ako," "Sino ang witness mo?" "Si Zandro po. Siya po 'yung laging binubully nila Vincent pati ng mga kaibigan niya," "Sinong Zandro?" tanong niya sa akin. "Ang anak po ni mayor," "Mayor Villafuentes?" "Opo," "Nako. Paano ba ito? Ang laking gulo nito," problemadong tugon niya sa akin. "Kakausapin ko na lang po muna si Zandro Binibini," "Sige-sige. Bumalik kana sa silid mo at mag sisimula na ang klase niyo," "Sige po." Pinunasan ko ang luha ko at pagkatapos ay lumabas na ako sa silid na ito at bumalik na ako sa class room. Lumipas ang mga oras ay natapos na ang klase at mag-uuwian na. Kinuha ko na agad ang bag ko at nag tatangka na akong umalis sa class room namin ng bigla akong sinugod ng maraming istudyante. "Siya po! Siya po!" Sigaw ng lalaki sa akin habang nakaturo. Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanila sabay hablot sa akin ng isang babae. Hinila niya ako patungo sa guidance office habang napapalakas ang pag pisil niya sa aking braso habang hinihila ito. "Bakit po?" mangiyak-ngiyak na tanong ko sa kanya. Hindi niya ako tinugon sa tanong ko. Pag dating namin sa labas ng guidance office ay mabilis niyang binuksan ang pintuan at ipinasok ako sa loob. Madami ng bata ang nakatingin sa amin at nakikiusyoso. Pag pasok namin sa loob ng guidance ay nakita ko si Vincent na nakaupo sa upuan at nakacast ang kanang braso niya. Sa gilid na ito ay may babaeng nakatingin sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Pinaupo ako ni Ms. Gina sa upuan ng bigla akong sinampal ng babaeng katabi ni Vincent. Nagulat ang lahat sa ginawa niya kaya agad siyang pinalayo sa akin. Namamasa na ang mga mata ko nito dahil sa lakas ng kanyang sampal sa akin ngunit pinipigilan ko pa ring maiyak ng sobra. "Sinong magulang mo? Ang lakas naman ng loob mong saktan ang anak!" Sigaw niya sa akin. Hindi ko siya tinugon sa tanong niya sa akin bagkus ay yumuko na lang ako. Nanliliit ako sa sarili ko dahil sa sampal na natamo ko sa kanya ngunit hindi lang dito nag tatapos ang lahat dahil pinag mumura niya rin ako at minaliit ang magulang ko ng malaman na scholar ako sa iskwelahan na ito. Pagkatapos ng sampal niya sa akin ay nakaramdam ako ng pangangapal sa aking pisngi kaya hinawakan ko ito. Para itong lumubo ng bahagha hanggang sa may nakita akong dugo sa kamay ko. Tiningnan ko ang kamay niya at may singsing ito na may malaking bato. Wala akong kakampi dito ngayon hanggang sa madaling pumasok sa loob ng guidance si Binibining Perlas. Kinipkip niya agad ako sa katawan niya at pinunasan ang dugo sa pisngi ko. Siya ang tumayong shining armour ko sa isang bruha na umaaway sa akin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD