Chapter 1 - Unseen
" Are you done packing your things, abuela? " - tanong ko sa kaniya habang inaayos rin ang gamit ni luna
" yes , we're gonna miss you " - nakangiting sabi nito at kinuha sa akin si luna tsaka niya nilagay sa bag nito para hindi makatakas.
Ngumiti naman ako at niyakap siya.
" Mag ingat kayo doon abuela, tumawag kayo sakin kung may kailangan kayo "
Napahinto ang aming usapan ng dumating na ang sundo nila abuela.
" Tumawag ka sakin pag kailangan mo ng kausap apo " - sabi nito at pumasok na sa sasakyan kasabay ni luna.
Hinintay ko na makaalis na at pumasok na ng bahay
I opened my messenger account and message vern but he's not responding in every message that I sent to him.
Mag tatatlong araw na hindi kami nag-uusap, at wala akong magawa kundi mag antay lang dahil malayo kami sa isa't - isa , huling pag-uusap namin ay tungkol sa away na ayaw niyang pagtalunan namin kaya hindi na siya nag-rereply nun , ngunit hindi ko akalain na kakayanin niyang hindi talaga ako maka-usap.
Tawag at text ang ginagawa ko pero wala talaga , para akong tanga na naghihintay sa kaniya , sa ngayon hindi muna ako nag-isip ng todo pero ng dumating sa point na , naisip ko na baka ayaw niya na , alam kong hindi siya magsasabi dahil nangako siya sa akin , ilang linggo na pero wala pa rin wala akong magawa kundi mag antay nang mag antay.
Hanggang sa hindi ko na napigilan na itigil na ang relasyon namin at sa mga oras na yun, doon niya napansin ang mga messages ko sa kaniya kaya hindi ko mapigilan matawa , inaantay niya lang ba talaga magsabi ako.
Wala na siyang sinabi pa at alam ko na sang-ayon rin siya sa gusto ko, hindi ko alam sa bawat paglaban na ginagawa ko sa relasyon namin ay ang pagsuko niya na hindi niya masabi.
Ng maghiwalay kami hindi ko ito sinabi sa lola ko dahil alam kong masasaktan rin ito sa nangyari sa akin.
Hindi ko alam kung paano ako uusad lalo na kung wala na ang pahinga ko.
Hindi ko alam na magiging mahirap ito para sakin siguro dahil sa wala man lang closure ang nangyari para lang siyang naglaho bigla na animo'y walang sinasaktan.
Hindi ko napansin na naka-ilang bote na ako ng alak ngunit isinawalang-bahala ko lang yun at uminom ng uminom ilang beses na akong tinanong ng bartender kung kaya ko pa puro oo naman ako kaya wala itong nagawa at binigyan lang ako nang binigyan.
Ng alam kong hindi na kaya ng sikmura ko agad akong nagbayad at tumayo na, pagewang gewang man akong maglakad alam ko sa sarili ko na kaya kong makauwi ng ligtas.
Napatigil naman ako sa paglalakad ng may bumangga sa akin kaya naman napaupo ako
" I'm sorry miss , are you okay? " - tanong sakin kaya naman napaangat ako ng tingin hindi ko mapigilan mapaiyak ng makita ko si vern sa harap
"Bakit? Bakit ka sumuko vern ng ganon ganon na lang? " - umiiyak na sabi ko habang nakaupo pa rin
" I'm sorry, I don't know what you're talking about, I just bumped at you a while ago " - paliwanag ni vern sakin ngunit hindi ko yun inintindi dahil ramdam ko pa rin ang sakit hanggang sa namalayan ko na lang na nahihirapan ako huminga
" Are you okay? Hey! " - rinig kong sabi sa akin ngunit hindi ko na iyon mabigyan ng pansin dahil sa unti unting bumibigat ang talukap ko.
" CALL AN AMBULANCE "
" Third's POV "
Hindi maiwasan na magkagulo sa bar , ng dumating ang ambulance mabilis na dinala ng lalaki si kalea agad sa loob nito.
Ng madala ito ay hindi pa rin umaalis ang lalaki at inaantay na lumabas ang doctor para maka-usap niya , ng makita niya ito na lumabas dali dali siyang lumapit dito
" Doc , is she okay? "- tanong nito
" Good thing na nadala siya agad dito , sa ngayon stable na ang Lagay niya but you need to check her every day because the reason of her out of breath is anxiety and depression and I think you know that it's a serious illness "
Marami pang sinabi ang doctor sa lalaki at lahat yun ay pinakinggan niya, ng makaalis na ang doctor, pumasok siya sa room ni kalea pagtingin niya dito kitang kita ang pamamaga ng kaniyang mata , at mga sugat nito sa braso at pulso , nakita niya naman na may tumulong luha dito kaya agad niya itong pinunasan.
Lumabas na siya at binayaran lahat ng hospital bill ni kalea at umalis na at tsaka naman nagising si kalea.
Kalea's POV
Nagtaka ako ng makitang puro puti sa kwarto ko, dahan dahan akong umupo hanggang sa ma-realized ko na nasa hospital ako, hindi ko naman maiwasan na mapahinga ng malalim dahil wala man lang akong maalala kagabi , nakita ko naman na may papel sa side table ng higaan kaya naman tiningnan ko iyon at binasa.
" Hey! kalea, I just wanted to say that I'm not vern , I'm just a random guy that bump into you and you mistakenly thought that I'm vern , I think that you don't remember what happened in the bar at all , You passed out because of crying and you're talking to me like I'm the one who hurt you that's why it lead to your out of breath , if you want to cry , cry all you want . Hindi ko alam kung anong matinding nangyari sayo pero kailangan mo pa rin magpatuloy hindi lang para sa sarili mo kundi para rin sa mga taong mahalaga sayo , hindi mo kailangan mag-focus sa mga tao na wala ng pake sayo , step by step you're going to be okay and love yourself " A.W
Hindi ko maiwasan maiyak ng mabasa ito pagtanggal ko naman sa papel ay may panyong puti na nakalapag kaya naman kinuha ko na iyon at pinunas sa mga luha ko na hindi ko maihinto
Ilang minuto lang ay nag-ayos na ako at lumabas na ng room para magbayad ng hospital bill ko pero sinabi nila sakin na binayaran na raw ito tinanong ko naman kung sino ang nagbayad ngunit sinasabi lang nila na yung lalaking tumulong sakin at walang pangalan na sinasabi , wala naman akong nagawa kundi dumiretso na lang ng bahay.
Chineck ko naman ang notif ko at nakita ko naman na puro messages ni abuela at call niya, agad ko naman itong tinawagan
" Hello la "
" Where are you? "
" Home, why? "
" Kagabi pa kita tinatawagan hija "
" I'm sorry abuela, nakatulog ako agad "
" Are you okay? "- Nag-aalalang tanong nito, ngumiti naman ako kahit hindi niya nakikita
" I'm fine la, I'm just tired reviewing my notes , that's all " - sabi ko dito naniwala naman siya at nag-kwento tungkol sa lugar kung nasaan siya ngayon.
Ilang minuto lang ay binaba na ni abuela dahil inaantok na raw siya, hindi siguro iyon nakatulog ng maayos dahil sa kakaantay sakin.
Naglinis na lang ako at ng matapos ay kumain at nagbasa simula ng makipag-hiwalay ako kay vern halos lahat na ng mga ginagawa ko ay parang paulit ulit na lang , nasanay ako na sa bawat kilos ko ay lagi akong may pinagsasabihan.
Ngayon konting galaw ko lang ay nanghihina na ako , kung pwede nga lang sana matulog na lang ako at ng matagal at gigising lang paggusto ko.
Hindi na ako tumunganga ng matagal at nag-ayos na para lumabas pumunta ako sa isang cafe para doon mag-review , naka-ilan kape rin ako habang nag-rereview, nakakahiya naman na bibili ka lang ng isang kape tapos ilang oras kang nakaupo.
" One Caramel Macchiato, Sir. Aiden "
" Thank you " napatingin naman ako sa tinawag ngunit tanging likod na lang ang nakita ko at lumabas na ito, hindi ko na ito pinansin pa at nagtuloy sa ginagawa ko , parang familiar ito sa akin ngunit hindi ko alam kung saan ko ito nakita
Ilang oras lang ay lumabas na ako at dumiretso sa grocery , kumuha lang ako ng mga cup noodles , chocolate, chips , soft drinks , kumuha na rin ako ng mga school supplies at dumiretso na sa cashier.
Walang gana naman akong tumingin ng mga pajama sa boutique at ng matapos ay naglakad na ako pauwi dahil malapit lang naman ang bahay ko dito
" Meow! Meow! Meow ! " - napatingin naman ako kung saan ko naririnig umiiyak ang pusa nakita ko naman na may gumagalaw sa nakataling sako kaya dali dali kong nilabas ang blade ko at hiniwa ang ibabaw ng sako, nakita ko naman ang nanay na pusa na hinihingal ganoon rin ang tatlong maliliit na pusa na nagbreast feed sa kaniya hindi ko mapigilan umiyak sa nakita ko , paano nila nasisikmura na patayin ang mga hayop na ito maraming pwedeng gawin para hindi na nila ito maalagaan pero hindi sapat na dahilan na kailangan nila itong patayin, naghahanap ako ng pwedeng malagyan nila pero wala kaya naman kinuha ko ang pajama ko at nilagay doon ang maliliit sumunod naman ang nanay na pusa sakin kaya naman dahan dahan akong naglakad papunta sa bahay ng makarating ako binaba ko muna ang mga maliliit na pusa at unang pinasok ang nanay nila sunod ang mga kuting.
Dinala ko sila kung saan dati natutulog si luna, pinagbuksan ko rin ng pagkain ito na agad naman niyang kinain , ng matapos siya ay agad niyang brinest-feed ang mga anak niya , hinayaan ko na lang sila at nilagay ko sa labahan ang pajama ko tsaka inayos ang mga pinamili ko.
Humiga naman ako sa kama at umidlip saglit nagising naman ako sa tunog ng cellphone ko kaya naman sinagot ko ito
" Kamusta ang unang pasok mo? " - napatayo naman ako sa tanong ni abuela at chineck ang calendar, hindi ko napansin na ngayon pala ang unang pasok ko , pero nag-advance study naman na ako kaya walang problema
" Ayos naman la, may nakuha pala ako kaninang pusa "
" Really? Akala ko hindi ka na mag aampon " takang tanong nito
" Kaysa naman la hayaa ko sila na mamatay " - maiiyak na sabi ko
" Bakit? Ano ba nangyari sa inampon mo ? " - tanong nito sakin
" Naglalakad ako la pauwi tapos narinig ko na may umiiyak , hinanap ko yun pagtingin ko nandoon sila sa sako na nakatali pagbukas ko la halos lahat sila hinihingal na " - umiiyak na sabi ko , kaya ayaw kong mag-kwento abuela dahil alam kong iiyak ako.
" Dios mio! " - rinig kong sabi nito
" Ilan ang na sayo? "
" Apat lahat sila la kasama na ang nanay " ilang minuto lang ay pinatay ko na ang tawag tiningnan ko ang oras at gabi na pala kaya nag-advance study ako ulit at inayos ang mga gagamitin ko bukas , ng matapos ako ay tinabi ko ang mga pusa sa kama at hindi naman ito umangal , bago ako matulog ay hindi ko talaga maiiwasan na mag-isip at umiyak ng todo hanggang sa makatulog ako.