Matchmaking #2

2897 Words
THE loud sound of the alarm clock abruptly woke me up. Groggily, I reached out to turn it off and stretched my limbs to shake off the stiffness from sleep. Tumayo na rin ako sa higaan na may gulong buhok kaya sinuklay ko nalang iyon gamit ang aking daliri. Sorry, tamad lang kumuha ng suklay. Nakapamewang kong tiningnan ang nakanganga kong kaibigan na tulog na tulog na pa rin. Hindi siguro ito natulog agad at ayoko rin itong gisingin dahil tulog mantika pa naman. Nagtaka ako nang makita ang cellphone kong nasa labas na ng aking bag kaya kinuha ko ito binuksan. Bumungad sa akin ang pangalan ng isang apps. Matchmaker: Dating with a twist. Napataas ang aking kilay dahil wala akong naalala na nag download ako ng dating apps sa cellphone ko at hindi ko naman hilig ng mga ganito. I clicked on the application and began to explore. Wala itong profile picture at parang kakagawa lang pero nang makita ko ang message area ay may nakalagay roon. Phantompurse sent you a message ‘Hi! This is my first time to try this application. It's quite good. Are you there?’ Nag scroll ako pataas pero wala namang ibang message maliban sa kanya. Sino na naman kaya ang gumalaw sa phone ko? Si Shena? Pero, hindi naman niya alam ang password ng phone ko. A new message arrived kaya bumalik ako sa message area at nakita kong online pala ang mysteryosong nagchat sa account na hindi ko alam kung sino ang gumawa. Phantompurse sent you a message' ‘Hey, You're online but you didn't even reply to my last messages. Are you ghosting me?’ Mukha ba akong multo? Tangina nito. [Me] ‘Hello. Sorry but this is my first time using this app. It happened to download on my phone. I'm not really sure how to use this though.’ Agad kong pinindot ang send button at napakagat na lamang ng kuko. Mabilis itong nagseen at nakita ko ang type sign. Wala ba itong ginagawa? Ang bilis naman yata iseen? Phantompurse sent you a message' ‘Oh, are you trying to explain yourself so I'll conveniently forget what you did? You've practically flooded my messages with your nonsense.’ Hala ka, buang ba 'to? Imbis na pabayaan ko ay mas kumulo ang dugo ko. Langhiya kung sinong abnormal ‘to ah. Inis akong nagreply. [Me] ‘Nonsense? You're the one talking nonsense here, Mr. Kung sino ka man, mamatay ka na ng maaga! With emoji pa na angry, para dama niyang galit ako. Phantompurse sent you a message: ‘Wow, that's harsh. I don't even know you and you're already wishing me dead? Real classy.’ Buwisit talaga. Sino bang tao ‘to at ang kapal ng mukha? [Me] ‘Well, excuse me, Mr. I don't know you either, and you're accusing me of ghosting you. Ganon ka ba talaga ka assuming? And besides, bakit nandito itong app na ‘to sa phone ko, e hindi ko naman ni-download?’ Phantompurse sent you a message: ‘You expect me to believe that? Kung ayaw mong sumali sa dating app, then don't. Pero kung magsisinungaling ka, make it more believable next time.’ Napasimangot ako sa nabasa ko. Anong akala nito, madali akong paasahin? Buang ba siya? [Me] ‘Magsisinungaling? Hoy, for your information, wala akong time para sa mga ganitong drama. Kung ayaw mo maniwala, bahala ka. Pero hindi ko nga alam paano napunta ‘tong app na ‘to sa phone ko. Baka hacker ka pa nga e.’ Phantompurse sent you a message: ‘Hacker? Really? Ano naman ang makukuha ko sa pag-hack ng phone mo? Messages mo with your boyfriend? Oh wait, you probably don’t have one.’ Natawa ako sa inis. Napaka assuming talaga ng isang ito! [Me] ‘Wow, ang lakas ng loob mo magsalita na parang kilalang-kilala mo ako. Alam mo, hindi ko kailangan ng boyfriend para patunayan ang sarili ko. Unlike you na mukhang bitter lang.’ Phantompurse sent you a message: ‘Bitter? Sa tingin mo ba worth it maging bitter sa taong hindi ko kilala? Nakakatawa ka rin pala minsan.’ Napairap ako. Anong problema ng taong ito at bakit ba ako ang pinupuntirya niya? [Me] ‘Kung hindi ka bitter, e ano? Bakit ba ang bilis mong mag-assume at mag-accuse? Hindi mo nga ako kilala pero ganyan ka na makapag salita.’ Phantompurse sent you a message: ‘Simple lang. I'm just tired of people who waste my time. Kung hindi ka interesado, then just say so. Hindi na kailangang magdrama.’ Napahinga ako ng malalim para kumalma. Kakaumpisa pa lang ng araw ko, eto na agad ang problema ko. [Me] ‘Fine, let's get this straight. Hindi ko nga alam paano napunta itong app na ito sa phone ko. So, kung wala ka namang maayos na sasabihin, let's just end this conversation here.’ Phantompurse sent you a message: ‘Fair enough. Pero wag ka ng magalit, okay? Hindi ko naman intensyon na manggulo. Sige, enjoy your day na lang.’ Napasandal ako at napabuntong hininga. Ang aga-aga, ito agad ang nangyari. "Uy, Bella, gising ka na pala." Bumangon na rin si Shena, nakalugay pa ang buhok. "Oo, Shane. Ang aga-aga, may weirdong nagchat sa 'kin sa app na hindi ko naman alam paano napunta sa phone ko," sagot ko. "Baka may nag-prank lang sa 'yo," sabi niya habang nag-stretch. "Anyway, breakfast muna tayo tapos planuhin natin ang araw natin." "Sige, mag-aayos lang ako," sabi ko, sabay kuha ng tuwalya. "At wag ka ng mag-download ng kung ano-ano sa phone ko, ha." "Promise, hindi ako yun," sabi ni Shane, pero may maloko siyang ngiti. Napatakbo na lang ako sa banyo habang naririnig ang tawa ni Shena sa likod ko. Kung siya man ang may gawa nito, mapaghihiganti talaga ako. Buburahin ko nalang ang apps mamaya at magsesend ng feedbacks. Mga abnormal pala gumamit ng apps na ‘yon. Dahil malaki ang oras ko at mamaya pa ang klase, nagpasya nalang akong mamasyal sa kalapit na lumang park. Mas maaga kasi ang klase ni Shena kaya’t maaga nalang rin akong umuwi sa apartment. Naglalakad lang ako sa daan nang makakita ako ng limang piso sa semento. Dahil sayang naman, kinuha ko iyon ang kaso bago ko pa ito makuha, narinig ko ang sigaw ng kung sino at nang tumingin ako rito, isang malaking bike ang papunta sa gawi ko. Gumewang gewang ang nagpatakbo no’n at dumiretso ang takbo papunta sa akin. Napasigaw kaming dalawa. Mas malaki nga lang ang boses niya. Yumuko ako at hinintay na lamang na mabangga ako ng bike pero ilang segundo ng nakalipas ay walang tumama sa akin. Umangat ang tingin ko at nabreak pala ng gunggong ang bike. “Tarantado ka ba?!” Singhal ko dahil sa galit. “Muntik na ako do’n, punyeta ka!” “I-I'm sorry.. I didn't mean to–” “Ulol!” Sabat ko. “Next time, magpractice ka nang walang tao sa paligid mo! Kairita!” Hindi niya na ako napigilan pa nang lumakad na ako patungo sa apartment ko. Hindi ko kilala ang taong iyon dahil naka baseball cap siya at mukhang sa pananamit palang ay mayaman. Pero narealize ko ang resemblance ng lalaki sa bar kagabi. Tàngina, siya iyong customer na tahimik! Tiningnan ko pabalik ang lalaki at pinatakbo na niya ulit ang bike pero gumewang gewang pa rin. Hindi talaga siya marunong magbike. Aksidente akong napatingin sa billboard sa kalayuan at namilog ang aking mata nang makilala ito agad. Kaya pala pamilyar, siya pala iyong sikat na aktor na babaero. Tch, mabuti nalang at hindi ko siya naalala kagabi dahil kapag nabanggit ko kay Shena na nakita ko ang crush niya, baka ihahatid ko na siya sa mental hospital. Masyadong baliw sa babaerong iyon. Nagkibit balikat nalang ako at umuwi nalang ng apartment. Nakita ko pa si Nanay Nelya na nakaupo sa paborito niyang upuan. Kumaway ako kay Nanay nang makita niya ako bago ako dumiretso sa pintuan ng apartment ko. IPINILIG ko ang aking ulo dahil sa pagod. Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos mangyaring matanggal ako sa trabaho pero parang ilang buwan na akong nakatambay lang sa apartment. Tiningnan ko ang bilog na orasan sa pader malapit lamang sa study area ko. Alas singko na pala ng hapon kaya nag isip akong lumabas muna para bumili ng hapunan sa karenderya na malapit lang sa amin. My gaze landed on the mailbox in front of our gate. Perhaps there's another letter that arrived for Nanay Nelya. May unknown letter kasing natatanggap si Nanay pero hindi naman niya alam kung saan galing. Wala rin kasing anak si Nanay at nag iisa nalang rin siya sa buhay kaya kung may letter mang dumadating, iiniisip na lang niya na galing iyon sa kaibigan or mga kapatid niya. Nang nasa harap na ako rito ay bahagya na itong nakabukas. Hindi ko sana iyon gagalawin kaso ay kitang kita ko naman ang pangalan kung sino ang tatanggap. I wondered, who could be sending something to me? Mama usually calls me on my cellphone to check in. Baka scam na naman ‘to? Last time, may biglang dumating na parcel rito at pinangalan sa’kin. COD pa! Kaya ayon, pinagalitan ko ang seller. Parang mga tanga kasi. Kinuha ko ito at binasa ng maigi. Pangalan ko nga ang nakalagay pero hindi naman pamilyar kung saan ito galing. I turned it back and found a beautifully designed envelope with an elegant script that reads "Exclusive Invitation." “Wow ha? Pati scammer ang effort!” Puri ko sa design ng front. Pero sumalubong ang kilay ko nang mabuksan ang letter. “Congratulations! You're invited to be one of our matchmaking guests on October 20. See you and read below the theme of the event!” Ito lang ang nabasa ko. Tiningnan ko ang likod ng letter at may pamilyar na logo roon. Gusto ko nalang magmura nang malaman kung ano iyon. “Punyeta, sinong tao ang nag signed up sa pangalan ko?!” Reklamo ko at muntik ko pang masira ang envelope. Dalawa lang ang suspect na nasa utak ko ngayon. Si Shena at Janny na parehong may abnormal na utak. Akala siguro nila na maiisahan nila ako! Mag a-attorney ako kaya’t kailangan ko ng pruweba kung sino sa kanilang dalawa ang nag signed up sa pangalan ko! “Ineng, anong nangyayari?” Bumaling ang tingin ko sa harap. Halos lahat ng nakatira sa apartment ni Nanay Nelya ang humarap sa akin. Nagulat ako dahil parang susugod sila anytime. “Bakit sumigaw ka? May kidnaper ba? Saan?!” Sabi ng isa sa mga nakatira sa apartment. Agad namang gumulo sila at hinahanap ang invisible na kidnapper na sinasabi nila. "Sandali lang, sandali lang!" Agad kong itinataas ang kamay para pakalmahin sila. "Walang kidnaper! Pasensya na, nadala lang ako." Huminto sila sa pag-aalboroto at nagtitinginan sa isa't isa, tila nahihiya sa kanilang naging reaksyon. "Eh ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Nanay Nelya, lumapit siya sa akin at nag-aalala ang mukha. "Bakit ka sumigaw?" Pinakita ko ang letter na hawak ko. "May natanggap akong imbitasyon para sa isang matchmaking event. Pero hindi ko alam kung sino ang nag-sign up sa akin dito. Pakiramdam ko tuloy, may naglalaro sa akin." Natawa si Aling Cora, isa sa mga kapitbahay namin. "Naku, Ineng, baka naman may lihim na admirer ka? Hindi na uso ang mga love letter ngayon, kaya sa ganito na dumadaan." Napairap na lang ako. "Hindi naman siguro, Tita Cora. Mas mukhang kalokohan ito ng mga kaibigan ko." "Alam mo, Isabella," sabi ni Mang Kiko, ang lolo sa apartment, "mas mabuti pa siguro kung alamin mo muna kung saan galing yan bago ka magalit." "Sang-ayon ako kay Mang Kiko," sabi ni Tita Lorie, sabay akbay sa akin. "Investigahan mo muna, baka may makuha kang clue." Tumingin ako kay Nanay Nelya. "Nay, may natatanggap ba kayong katulad nito?" Umiling siya. "Wala naman, Ineng. Puro mga sulat lang galing sa mga dating kaibigan ko. Pero itong hawak mo, ngayon lang ako nakakita ng ganyan." Napabuntong-hininga ako. "Sige po, aalamin ko. Maraming salamat sa inyo." Huminga ako nang malalim at umakyat na sa unit ko, hawak-hawak ang invitation. Pagkapasok ko, agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Shena. "Hello, Bella! Bakit ka napatawag?" sagot niya na parang walang alam. "Ano na naman 'tong kalokohan mo? May natanggap akong invitation para sa matchmaking event. Ikaw ba 'tong nag-sign up sa akin?" tanong ko, puno ng suspetsa sa boses ko. Hindi agad ito sumagot sa tanong ko kaya nakaramdam ako ng inis. "Oh, Na-natanggap mo na pala bes, Hehehe." "Shena." Banta ko. "S-Sorry bes. Eh, kasi naman para may enjoyment naman life mo hindi ba? Like, come on! Wala ka namang trabaho na at saka baka opportunity mo na rin ito hehe." I taken aback. "You signed me up for this? Seriously? Alam mo namang wala akong time sa mga ganito. I have bills to pay and exams to study for!" Hindi ko maiwasang taasan ang boses ko. Wala akong panahon para dito. Tàngina naman! My bestfriend chuckles nervously. "Sus, bigyan mo nalang ng chance 'yan. At saka, bihira lang iyan sa talambuhay mo. Sa lahat ng babaeng gustong sumali sa ganiyan, ikaw ang na swertehan! Kaya, Gora na 'yan!" Wala na akong magawa pa sa huli. Baka kung hindi ako pupunta, may kakaladkad sa’kin palabas. Bahala na nga! NAPATINGIN ako sa malaking salamin sa loob ng Condo ni Shena. Suot ko ang isa mga gown niya. Dahil mas petite siya kaysa sa’kin, hapit ito sa buong katawan ko. Hindi ko tuloy maiwasang ma conscious lalo na’t nakikita ang cleavage ko! Hindi naman masyadong malaki ang dibdib ko pero meron pa rin namang laman kaya’t nakurba siya dahil sa gown kong suot. Kanina pa nga ako napabumuntong hininga dahil parang ipit na ipit ang katawan ko. Kulang nalang ay maiipit na ang lamang loob ko. Makati pa sa balat! "Ganda! No need to put heavy makeup, bes. Ganda mo pa rin," compliment ni Shena sa akin. “Sus, gusto mo lang malimutan ko ang ginawa mo, Shena. Huwag ako,” giit ko, nag peace sign lamang siya at kinuha ang pang kulot para ayusin ulit ang kinulot niya sa parte ng buhok ko. Ngayon lang ako nakasuot ng ganitong damit dahil kahit mga events o party sa skwelahan, hindi naman ako sumasali, kaya masasabi kong first time ko itong gagawin, at kinakabahan ako ng sobra. Hinawi ko ang buhok na kanina pa hawak ni Shena dahil kanina pa siya diyan. Naiirita na ako. “Tama na nga diyan. Hindi na babalik sa paging straight dahil binabalik-balikan mo ang parteng ‘yan!” Suway ko. “Eh, ang ganda kaya!” Protesta niya pa. “Natural straight ang buhok mo kaya nilalabanan nito ang pag curl ko ng buhok mo. Impossible na maging kulot iyan forever!” “Tch, tama na iyan.” Sagot ko nalang. “Galit ka pa bes?” Tanong niyang nakanguso at nilagay ang panga sa balikat ko. “Sorry na po. Promise, ngayon lang talaga ‘to. Ipapa erase ko name mo next time!” “Kailangan ang next time na ‘yan?” Taas kilay kong tanong. Bumusangot siya. “Hindi ko alam pero baka madelete di ba? Basta, unattend ka nalang.” Umikot ang mata ko kunwari. “Ngayon lang ‘to at kapag sinubukan mo ulit na walang approval sa akin, kalimutan mo ng nag exist ka pa dahil ibabalik talaga kita sa tiyan ni tita.” “Yey!” Tumayo siya at niyakap ako sa leeg. Hindi naman ito mahigpit kaya hindi ako nagreklamo. “Thank you, bes!” Nakarinig kami ng busina sa labas ng condo niya. Malapit lang kasi ang bintana niya sa entrance ng building kaya’t maririnig ang mga dumadaang sasakyan pati na rin ang tunog sa baba ng building. Sumilip si Shena sa bintana ng kanyang condo at agad rin namang lumingon sa direksiyon ko. "Bes, andito na ang sundo mo. Halika naaa!" Hinila niya ako nang marahan at siya na rin ang kumuha ng purse ko na nakalagay sa ibabaw ng upuan. "Kinabahan na tuloy ako sa trip mo, Shena!" Sambit ko. "Don't be so nervous, Bes. Kaya mo 'yan!" sabi ni Shena habang hinahatak ako palabas ng condo. "Kahit anong sabihin mo, kinakabahan pa rin ako, Shena," sabi ko, tumitigil ang puso ko sa bawat hakbang. Pagdating namin sa labas, isang itim na luxury car ang nakaparada sa harap. Lumabas ang driver at pinagbuksan ako ng pinto. "Good evening, Miss Isabella. I'm here to take you to the event." Tinapik ako ni Shena sa balikat. "Sige na, Bes. Enjoy the night. Text mo agad ako kapag nandun ka na, ha?" Tumango na lang ako at pumasok na sa sasakyan. Napabuntong-hininga ako nang magsara ang pinto at umandar ang kotse. "Ano bang pinasok ko?" bulong ko sa sarili. Habang nasa biyahe, tiningnan ko ang paligid ng sasakyan. Napaka-elegante ng loob, parang mayayamang tao lang ang sumasakay dito. Nagulat ako nang magsalita ang driver. "Miss, we will arrive at the venue in about 15 minutes. Would you like some water or anything to make you comfortable?" "Ah, no, I'm fine. Thank you," sagot ko, pilit na ngumingiti. Huminga ako nang napakalalim habang nakatingin ako sa labas ng bintana. "Panginoon, sana hindi ako magmukhang tanga roon," bulong ko sa sarili ko. Sana talaga, walang mangyayaring kahihiyan kapag nandoon ako. Gusto ko nalang talagang mawala sa earth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD