Ilang minuto ang byahe bago kami huminto sa labas ng venue. Isa itong hotel na ilang floor rin ang taas at isa sa pinakamahal rito sa bansa. Sa pagkaka-alam ko ay kadalasan nababalandra ang pangalan ng hotel sa Television at article.
Nakadungaw ako sa labas ng bintana at iginala ang mata hanggang sa makita ang marami-raming tao sa entrance. Halos lahat ay naka formal attire at may ilang paparazzi rin ang nakatayo lang roon sa labas.
Gusto kong malaman ang detalye ng pinasukan kong event or tamang sabihin ay nagpasok sa akin ngunit wala namang masabi si Shena dito. Normal event lang daw 'yon at kahit nag alinlangan ay pumunta parin ako dahil matunog naman ang pangalan nito kaya lang ay doon lang. Walang ibang detalye na mas nagpacurious sa isip ko.
The driver opened the car door, and at the same time, I felt a rush of anxiety. Parang hindi ako mapakali hanggang matapos ang event. Bakit nga ba ako pumunta? I've probably regretted my decision many times. Like, maybe a hundred times.
"Thank you Mr." Pasalamat ko sa lalaking sumundo sa akin nang pinagbuksan niya ako ng pinto.
Pormal siyang ngumiti at bahagyang yumuko bago ulit pumasok sa magarang kotse. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit kailangan pang sunduin ako lalo na't sa pagkaka-alam ko ay kadalasan na umatend sa event ay halos mayaman. Wala ring binanggit si Shena pero alam niyang may susundo raw sa akin. Nawala sa isip kong magtanong kanina.
Huminga muna ako ng malalim nang umakyat na naman ang kaba sa systema ko lalo na at may halo itong hiya. Nahihiya ako dahil ang raming tao.
Nagsimula na akong maglakad papalapit at unti-unti naman akong nilingon ng mga tao lalo na ang mga nakahawak na camera. Gabi na ngayon kaya ay malalaman talaga kung saan nag fa-flash ang camera at alam kong nasa akin ang ibang atensiyon nila na mas lalong nagparamdam sa akin ng hiya.
Huminto lang ang aking sapatos nang mapansin ko ang pulang carpet.
"Excuse me, nakaharang ka."
Kusang tumagilid ang katawan ko at nilingon ang taong nagsabi no'n sa likod ko. Kumikinang ang fitted gown niyang pula at kita talagang mayaman sa dibdib dahil tube type. Tiningnan ko ang mukha niya at tumaas na pala ang kilay nitong nakatingin sa akin. Nasa pulso nakakabit ang maliit niyang pulang bag habang ang isang kamay naman ay nasa baywang.
"Tsk, first time," May bahid na inis niyang sabi at nagsimula ng maglakad sa pulang carpet. Umismid ako at pinagmamasdan siyang confident na rumampa. Napakamot nalang ako ng pisngi bago ko tinahak ang loob ng hotel.
Habang naglalakad ako sa red carpet, kada hakbang siguro tumatambol ang puso ko sa kaba. Iyong takong pa ng sapatos ko ay mataas. Dinahan dahan ko nalang ang pagtapak ng paa ko kahit na para akong pagong kung makagalaw ngayon.
"Nyeta ng sapatos. Bakit kasi ito ang ipinasuot ni Shena? Kung alam ko lang na ang taas ng lalakarin ko, sana nag paa nalang ako." Bulong kong reklamo.
Pero dahil kahit anong dahan-dahan ang ginawa ko, natapilok pa rin ako. Namilog ang mata ko at habang pabagsak na ako, naramdaman ko ang isang malakas ngunit maingat na pagkakahawak sa braso ko. Sa isang iglap, nakatayo na ulit ako, at tumingala para makita kung sino ang tumulong sa akin.
Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harap ko, suot ang itim na tuxedo na tila sadyang sukat na sukat para sa kanya. Nakasuklay pabalik ang kanyang buhok, at ang kanyang mga mata ay nagningning sa ilalim ng mga ilaw ng hotel.
"Are you alright?" tanong niya, may halong pag-aalala sa kanyang tinig.
Para akong nawala sa sarili ko sa ilang sandali. Napakaganda ng kanyang mukha na parang galing sa isang magazine cover. Matalas ang kanyang mga features, at ang kanyang mga mata ay malalim at mapanukso. Hindi ko maiwasang titigan siya.
"A-Ah, oo, salamat," sagot ko, nararamdaman ang pag-init ng aking mukha sa hiya. "Hindi ko namalayan na natapilok na pala ako."
Ngumiti siya, at doon ko napansin ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi. "It's a good thing I caught you. You might have gotten hurt."
"Maraming salamat ulit," sabi ko, pilit na binabawi ang composure ko. "Mukhang kailangan kong maging mas maingat."
"That's better," he said and nodding slightly. "With so many people here, it's really easy to trip."
Nilingon ko ang paligid, at napansin kong marami pa rin ang nakatingin sa amin, lalo na ang mga camera na nagfa-flash. Mas lalong tumindi ang hiya ko. Napagtanto ko na nakakaagaw kami ng pansin.
"Pasensya na kung naging sanhi ako ng eksena," sabi ko nang pa-haplos sa buhok ko at pilit na ngumingiti.
"Don't worry about it," sabi niya. "Hindi mo kasalanan iyon," Inilahad niya ang kanyang kamay. "If you don't mind, I can be your partner tonight."
Tiningnan ko ang kamay niya at sumilip pa ako sa paligid dahil kanina pa ako nakaramdam ng mga matang nakatingin sa amin. Bakit ba sila nakatingin rito? Hindi naman kami nag sho-shooting.
"A-ah.. sige.. okay lang." Nauutal kong sagot. Natawa siya nang mahina bago niya kinuha bigla ang kamay ko at pinakapit sa braso niya.
"You're nervous, just relax. Let's go inside." He whispered to my ears. Napakagat labi ako dahil totoo naman sinabi niya. Sino ba namang hindi kung parang buntot ang mga mata ng tao kakatingin sa amin?
Nang makarating kami sa loob ng hotel, ang mga magagarang dekorasyon at ilaw ay mas lalo pang nagpaganda sa ambiance. Ramdam na ramdam ang yaman at kasosyalan ng lugar.
"So, where do you want to go?" tanong ng kasama kong lalaki, habang patuloy na nakangiti. Wait, hindi pa kami nagbibigayan ng pangalan. Ano naman itatawag ko sa kanya?
"A, hindi ko pa alam. Kuya. Hindi kasi ako sanay sa ganitong event," sagot ko, pilit na iniisip kung ano ang susunod na gagawin.
Narinig ko ang pagtawa niya. Napatingin tuloy ako sa mukha niya. Ano naman ang nakakatawa?
"Kuya, huh?" Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya pero may expresyon doon na hindi ko mawari. "What do I call you then? Little sis?"
Umismid ang labi ko. "Ayaw mo sa kuya? e'di, Daddy nalang."
Pero doon ko na narealize ang sinabi ko nang hindi na siya umimik. Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya.
Nanatili siyang tahimik habang tinititigan ako, at doon ko naramdaman ang pagtaas ng init sa pisngi ko. "Ah, I mean, joke lang," sabi ko, pilit na pinapalitan ang awkward na moment ng tawa.
Ngumiti ulit siya, pero sa pagkakataong ito ay may kakaibang kislap sa kanyang mga mata. "Alexander," sabi niya, "You can call me Alexander."
Ngumiti ako bilang pasasalamat. "Isabella," sabi ko, "Sorry about that."
"Nice to meet you, Isabella. So, saan mo gustong pumunta?" tanong niya muli, tila sinasadyang ibalik ang usapan sa mas komportableng direksyon.
Nag-isip ako saglit, iniisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin sa event na ito. Wala kasing masabi si Shena maliban sa dapat akong pumunta. "Sa totoo lang, wala akong idea. Wala kasi akong masyadong alam tungkol sa event na ito. Ang kunting alam ko lang ay matchmaking event 'to ng mga single."
Natawa siya nang mahina. "It's not exactly matchmaking for single people, Isabella. This is more of a game planned by some members of the elite group," he explained. "Most of the rich people here are invited for business purposes, but not all of them are here just for business."
"What do you mean?" tanong ko.
"There's something called a match partner," sabi niya, siniseryoso ang tono ng boses. "Basically, a higher or richer person can pay the organization to match them with people they want for different reasons. Some want business alliances, others are looking for personal connections or even potential relationships."
"That's...interesting," sabi ko, habang iniisip kung bakit ako nandito at kung sino ang nagpasok sa akin sa ganitong event. "So, paano mo nalaman ang lahat ng ito?"
"I was part of the planning," sabi ni Alexander, "But I'm just here as a guest tonight, not a participant."
Bago pa ako makapagtanong ulit, may isang babaeng lumapit sa amin. Mataas ang kanyang postura, at halatang sanay siya sa mga ganitong events. "Excuse me, Alexander," sabi niya at tinapik ang balikat ni Alexande. "I believe I already paid to match with you tonight."
Nabigla ako sa sinabi ng babae at napatingin kay Alexander. Tumigil siya saglit, parang nag-iisip ng sasabihin.
"Ah, Miss, I think there's a misunderstanding," sabi niya nang mahinahon. "I'm just a guest for the night, not a participant."
Ngumiti ang babae, pero halatang hindi siya nasisiyahan sa sagot ni Alexander. "But I specifically requested for you," sagot niya na may konting bahid ng inis. "I paid a lot of money for this."
Huminga nang malalim si Alexander, pero bago pa siya makasagot, nagsalita na ako. "Pasensya na, pero mukhang kailangan niyong pag-usapan ito ng organizers," sabi ko. "Si Alexander ay hindi available ngayon."
Tumingin ang babae sa akin, at pagkatapos ay kay Alexander. Pero imbis na maiintindihan niya ang sitwasyon, mas lalo yata siyang nainis. "And you are? Did you pay to be with Alexander too?"
Namilog ang mata ko at napailing. "H-hindi.. wala akong pera sa gan'on."
Tumaas ang kilay niya. "So, you're poor? Why are you even here anyway?"
"Hey, Miss. You're crossing the line. If you're that eager to be with me, let's talk to the director first. I bet you didn't know me." sabat ni Alexander.
"I know you!" Pilit ng babae. "You're a regular participant here two years ago at alam kong naghahanap ka na naman ng ima-match mo! Kaya, ako na mismo ang nagbayad para sa set up natin."
Pagod na bumuntong hininga si Alexander. Bumalik ang tingin niya sa akin at pilit na ngumiti. "I'll come back, Isabella. I need to fix this thing."
Tumango lamang ako. Nagsimula na rin silang maglakad palayo. Todo habol nga ang babae dahil parang kakapit pa sana siya sa braso ni Alexander pero hindi na niya nagawa dahil mabilis ang hakbang ni Alexander.
Namataan ko ang waiter na papalapit sa direksiyon ko at may dalang mga basong may laman ng wine kaya kinuha ko ito at nilagok agad. Bahala na silang tumingin, wala akong oras magpaka elegante.
Bigla na lamang lumipat ang ilaw sa isang malalaking entablado. Tahimik ang buong silid, at may isang tao na lumakad patungo rito. I tried to see through the crowd, feeling curious. I placed my glasses of wine on the table and focused my gaze on the stage.
"Hello, ladies and gentlemen. Are you ready to meet your destined partner tonight?"
Umugong ang palakpakan ng lahat. Tiningnan ko ang paligid at halos lahat ay nakangiti pero hindi iyong ngiti na parang masaya talaga sila, kundi isang ngiti na parang nanalo sila sa isang laro.
"Okay! So, please riches people, find your partner based on the color of your pin. Use your phone to detect your partner easily!"
Habang nagtatagal ang palakpakan at ang excitement ng mga tao sa paligid, napansin kong may ilang may suot na mga pin sa kanilang mga damit. Iba't ibang kulay ang mga ito-may pula, asul, berde, at iba pa. Nagtataka akong tinignan ang sarili kong damit, ngunit wala akong pin na suot.
Nagulat ako nang may isang babae na lumapit sa akin na may hawak na isang maliit na box. Nakangiti siya habang iniaabot ito sa akin. "Miss, ito po para sa inyo," sabi niya.
Kinuha ko ang box at binuksan. Sa loob, may isang maliit na pin na kulay pilak. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito, pero inipit ko na rin ito sa damit ko.
Habang ginagawa ko ito, narinig kong muling nagsalita ang emcee sa entablado. "Please use the app we provided on your phones to find your matching partner. The app will guide you based on the color of your pins."
Napatingin ako sa paligid at nakita kong halos lahat ay nagsisimula nang mag-check ng kanilang mga phone. Wala akong alam tungkol sa app na iyon, kaya nagdesisyon akong magtanong sa unang taong makita ko.
Bumalik ako sa table at kumuha ulit ng wine, pero bago pa ako makainom ay may naramdaman akong tapik sa balikat. Napalingon ako at nakita ang isang babae, na may hawak ding phone at may suot na pin na kulay ginto.
"Are you new here?" sabi niya. "Alam mo ba kung paano gamitin ang app na 'to?"
Umiling ako. "Wala akong ideya. Ano ba itong pin na suot ko?" tanong ko, sabay turo sa pin ko.
"Ah, silver! Interesting," sabi ng babae, habang tinitingnan ang phone niya. "Mukhang isa ka sa mga special guests. Madalas kasi, gold, red, or blue lang ang pin na binibigay. Silver is quite rare."
"Special guest? Bakit naman ako?" tanong ko, nagtataka.
"Di ko rin alam. Pero tara, tulungan kita. Baka makatulong ako sa app na ito," sabi nito at sinimulan niyang i-explain kung paano gamitin ang app. "By the way, I'm Glennon. Bago lang rin ako pero may kaunting alam naman."
"Hello, Glennon. Call me Isabella. Bago lang rin ako." Sagot ko nalang.
Nang maset-up na namin ang app, tinignan ko ito at nagulat ako sa nakita ko. "Match Found" ang nakalagay sa screen, at may arrow na nagtuturo sa direksyon kung saan ko dapat hanapin ang match ko. Tumango si Glennon at hinikayat akong sundan ang direksyon.
Sumunod ako sa arrow, naglalakad ng dahan-dahan. Habang naglalakad, napansin ko na parang may mga matang nakatingin sa akin, tulad ng kanina. Sinubukan kong huwag pansinin ito at mag-concentrate sa app.
Nakarating ako sa isang malaking pinto na may mga bantay sa labas. Nang makita nila ang pin ko, agad silang nagbukas ng pinto at pinapasok ako.
Pagpasok ko sa loob, may lalaking nakaupo roon. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa ilaw na hindi masyadong maliwanag.
"Welcome, Ms Heyes. Nice to finally meet you." Isang boses lalaki ang nagsalita.
Bago pa ako makasagot, gumalaw ang lalaking nakaupo. Naaninag ko ang mukha niya sa wakas dahil biglang lumiwanag sa buong paligid. Napapikit ako dahil sa biglaang liwanag. Ilang segundo lang, binuksan ko ang mata ko at dumiretso ang tingin ko sa babaeng nakatayo nang ilang pulgada sa akin.
"G-glennon?" Hindi sigurado kong tawag. Ngumiti si Glennon pero bigla siyang sumeryoso nang tumikhim ang lalaki sa harap.
Pagharap ko sa lalaki, bigla akong napakurap. Ngumiti ito at doon na ako napangiwi. Jusko, ang weird ng ngipin ng lalaki. Puro gold! Akala ko naman ay hindi siya nag to-toothbrush!
"Sino ka?" Bigla kong tanong.
Nawala ang ngiti ng lalaki at umismid. "Hindi ko inaasahan na bastos pala ang anak niya."
Anak niya? Sino naman tinutukoy ng matandang 'to?
"Anong anak at sino ka ba?" Walang preno kong tanong.
Sumenyas siya sa lalaki sa likod ko. Nagulat pa ako dahil bigla akong hinatak nito at pilit na pinapaupo sa upuan.
The old man leaned in, at flinex niya pa ang ngipin niyang gold. "I'm Marco Alatorre. I'm your father's friend. And I paid you to become my match partner."
Naging seryoso bigla ang mukha ko. "Father's friend? Gago ka ba?" Nabigla siya sa pagmura ko. "Sorry to disappoint you pero ayokong ipartner sayo. Ampangit mo. Pedophile ang gago!"
Lumitid ang ugat niya sa noo dahil sa galit "How dare you! Disrespectful little brat!"
"Isabella, relax. Let's handle this calmly." Sabat ni Glennon.
"No way, Glennon! This guy is creepy and I don't know him!" Sagot ko na may gigil sa boses. "Sinong tanga naman ang magpapartner sa gurang na 'yan?"
Mas lalo yatang nag aapoy sa galit ang matanda. "You will regret this, young lady! Do you have any idea who I am?"
"Mr. Alatorre, let's talk this out outside. Isabella needs some space." Kalmang sabi ni Glennon. Teka nga, ano bang parte ng script rito si Glennon?
Pumalag ang matanda. "No! She owes me respect! I paid for this arrangement!"
Tinuro ko ang matanda. "Hoy, wala akong pakialam kung nagbayad ka na sa'kin! Tàngina mo ka, sipain kaya kita?"
Napasapo na lamang ng noo si Glennon sa nangyayari. Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at may tinawagan. Pagkatapos ng ilang mga salita, hinarap niya ang matanda.
"Mr. Alatorre. I'm sorry, but sir Montgomery is on his way." Anunsiyo ni Glennon rito.
Napatigil si Mr. Alatorre at pilit kinalma ang sarili. "What's the point of him being here?" Pigil ang inis niyang tanong.
Tiningnan muna ako ni Glennon bago ito sumagot. "You'll talk about this, Mr. Alatorre. Please, calm down before he gets here."
Mr. Alatorre suddenly calmed down, his anger fading as he seemed to understand how serious the situation was. He muttered something quietly, then turned and left the room without saying anything else. Napatanong ako sa isip, anong trip no'n?
Huminga ako nang malalim. Parang guminhawa ang lamang loob ko do'n. "Thanks for stepping in, Glennon. Hindi ko naman inaasahan na maging ganito. Sorry talaga."
Glennon smiled warmly. "Don't worry. I'm just happy it didn't get worse. Sorry about that whole ordeal."
Glennon suddenly stopped as another knock on the door caused the atmosphere in the room to change. It was the tall gentleman who had reopened the door and entered, making everyone pay attention to him; I immediately knew him-Alexander.
He looked around the room, his gaze landing on me. Nagulat yata siyang makita ako rito. "Isabella? What are you doing here?"
Bago ako makasagot, si Glennon na mismo ang sumagot sa tanong ni Alexander. "Mr. Montgomery, there was a misunderstanding with Mr. Alatorre. Isabella handled it well, but it got a bit tense."
Tinitigan lang niya ako at may pagtataka pa rin sa kanyang mukha. "He paid to match her?" He asked that to Glennon.
"Yes, sir." Matipid na sagot ni Glennon.
"Okay, can I talk to Isabella outside? I think.. she need an information about it."
Tumango lamang si Glennon at sumenyas sa akin na tumayo. Naglakad palabas si Alexander at sumunod na lamang ako sa kanya.