"Iresssshhhhhh! Ano ba anak! Tanghali na at bakit naka hilata ka pa sa kama?! Mag aalas seyte na at unang araw mo pa sa trabaho!" sigaw ng ina ni Iresh na noo'y ginigising nito ang anak na dalaga.
Nag iinat-inat pa ang dalaga habang nagkakamot ng ulo sa inis.
"Ma naman, aabot na sa kabilang bahay iyang bunganga niyo. Aba eh, ako lang naman itong inyong ginigising at hindi ang boung baranggay ano?" inis pa nitong sagot sa ina.
"Kung hindi ako sisigaw, wala rin naman sayo. Maghanda ka na," utos pa nito.
Iyon na nga ang ginawa ni Iresh kahit na tinatamad pa siya. Kailangan niyang pumasok ng maaga dahil unang araw pa niya sa kompanyang kaniyang inapplyan.
Nang matapos at naka office attire na siya ay umupo na ito sa hapag kainan.
"Aba naman anak. Ang lupit mo naman. Binilhan kita ng make up kahapon sa palengke para magamit mo sa trabaho. Naghilamos ka lang ata at naligo. Tiningnan mo na ba ang itsura mo sa salamin? Aba e, para kang matanda sa pormahan mong yan! Pinabayaan na nga kita sa gusto mong hindi mag ayos sa college e pati ba naman sa trabaho ay di ka na natuto! " bulyaw pa nito sa anak na noo'y kumakain na.
Wala kasi itong ka make up make up at naka bungkos pa ang mahaba nitong buhok at sout nito ang makapal niyang eye glass. Para siyang mula sa sinaunang panahon. Ngunit wala siyang pakialam. Mag tatrabaho siya at hindi lalandi.
"Anak naman. Bumalik ka na sa kuwarto at ayusin mo ulit ang iyong itsura," pakiusap pa ng ina. Ngunit pasok sa tainga at tagos lang sa kabila ang bawat sinasabi ng ina.
"Ma, trabaho ang pupuntahan ko doon. Tinanggap nila ako dahil sa skills ko at hindi dahil sa itsura ko. Maayos naman akong tingnan at hindi madumi," sagot nito sabay tayo saka humalik at nagpaalam sa kaniyang ina.
Hahabulin pa sana siya ng kaniyang ina subalit, mabilis ng nakalabas ang dalaga.
"Pati yang paglalakad mo! Ayusin mo dahil para kang siga sa kanto!" habol pang sigaw ni Aling Rose.
Pero kinampay lang ng dalaga ang kamay na tila nagpapaalam na.
Sa Lucenas Corporation Company ang pasok ng dalaga. Maaga siyang pumasok subalit dahil sa trapiko ay ma la-late na siya.
Nagtatakbo siya ng makababa siya sa jeep na kaniyang sinakyan. Muntik pa siyang hindi papasukin ng guard dahil sa nakaligtaan pa niyang isout ang name plate. Natanggap siya bilang secretary ng CEO ng kompanya dahil sa excellent record nito.
Papasara na ang elevator, pero tumakbo siya at pinigilan ang nag babadyang pagsara nito. Halos mag overload na ang loob subalit nakapasok pa rin siya.
Medyo naiinis pa ang mga kasama niya sa loob dahil siksikan na sila. Pinindot niya ang close botton. Di siya mapakali sa kaniyang palda. Pakiramdam niya ay maiksi ito kahit hindi naman. Inayos niya ito. Para na nga silang sardinas sa loob subalit naglilikot pa siya
Nang hahawiin na niya ang likod ng palda niya upang tuluyan ng maayos ay bigla siyang may nasagi. Tumikhim ang lalaking nasa likuran niya. Napatigil siya nang biglang bumukas ang elevetor. Nagsilabasan ang iba.
Di naglaon ay siya nalang ang natira at ang isa pang lalaki na may katangkaran mula sa kaniyang likod. Umabanti ito at nasa left side siya ni Iresh. May katangkaran ang lalaki, iyon ang pagpagkaka tantiya niya dahil sa nakikita niya ito sa kaniyang perepheral vision. Ayaw niya itong harapin. Baka punahin pa nito ang ginawa niya. Gusto niyang normal kumilos na para bang walang nangyari.
Pagkatapos, bumukas na ang elevator. Tumindig siya ng maayos. Saka matuling lumabas nang biglang magsalita ang lalaki.
"Miss, mag-iingat ka sa mga galaw mo. Di kung anu-ano nasasagi mo," sabi ng lalaki na kasabay niya sa elevator.
Nainis si Iresh dahil mala-late na nga siya tapos nakikiabala pa ang lalaki. Humarap ang dalaga sa lalaki ng taas noo.
Nakataas pa ang kabila nitong kilay. Pagbaling niya dito ay saka niya tinarayan ang lalaki na nasa loob pa ng elevator.
"So? Bat di ka kasi umusog. Pakalat kalat ka kasi!" sabi ni Iresh sa lalaking walang ekspresyon ang mukha.
Tila nanlalamig ito. Saka tinalikuran ang lalaki. At mabilis na naglakad. Dinig pa ang takong ng kaniyang heels na parang siga kung maglakad. Umupos siya sa desk at ipinatong ang bag sa lamesa na nakalaan sa kaniya sa labas ng office ng kaniyang boss.
Napaisip siya tungkol sa lalaki. Na realize niya na may pagka-hot siya kaso, wala siyang tipo sa lalaki. Umiling iling siya upang mag concentrate nang may lalaking dumaan sa harap niya at bahagya siyang linampasan.
Pagkatapos ay humarap sa pintuan ng office ng boss niya.
"E ready mo bawat schedule ko okay?" sagot ng pamilyar na boses na ikinalingon niya. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla.
Tulad ng dati. Wala pa ring ekspresyon ang lalaki na pumasok sa office. Doon na lamang nag sink in sa utak niya na iyon pala ang Boss niya!
( IRESH POV )
Tinampal tampal ko pa ang noo ko matapos malaman na siya pala si Mr. Delfuega. Nagulat pa ako ng biglang mag ring ang aking telepono. Muntik pa akong mapatalon matapos marinig iyon.
"Hellow," sagot ko mula sa kabilang linya.
"Ms. Dimatibag. Will you please come in to my office right now?" sagot ni boss.
"Patay, ito na nga ba ang sinasabi ko," mahina kong sabi.
"What did you say?" mukhang narinig ata ni Boss.
"Ahhh Sir, coming na po," sagot ko saka marahang ibinaba ang telepono.
Inayos ko ang sarili ko saka pina seryuso ang mukha. Pumasok na ako sa office saka ngumiti ng marahan kay boss. Naka de kuatro pa ang pagkakaupo nito at medyo pinapaikot ikot nito ang kaniyang swivel chair. Habang nilalaro laro ang ballpen sa kaniyang daliri.
"Did the orientator missed to tell you that you should make a black coffee every morning and even lunch?" seryusong tanong nito sa akin.
"Well Sir, as far as I remember, ikaw na daw po ang mag uutos nun sa akin. May dalawa ka daw po kasing gusto so, tell me first before I do," magalang kong sabi.
Tiningnan niya ako sa malamlam na paraan.
"Black coffee. Mas matapang pa sayo. Within 3 mins. kailangan andito na," utos niya sa akin. Agad akong tumalima dahil boss na talaga ang kaharap ko. Sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko ng mag apologize.
Lumabas ako at nagtimpla ng coffee. Sabi niya matapang. Mas matapang pa sa akin. Kung kaya't di ko na nilagyan ng asukal. Bitter din kasi ako.
Nang magbalik ako ay inilapag ko na sa harapan niya ang kape niya. Nakatingin ito sa hawak niyang paper saka dinampot ang cup. Nang inumin niya ito ay walang anu ano'y naibuga niya.
"What the hell is this? Ang pait sobra!" reklamo nito sa akin na nagsalubong na ang kaniyang kilay.
"Sabi mo, mas matapang pa sa akin. Well di lang matapang, bitter pa! Next time kasi Sir, wag niyong ikumpara sa tao ang pinapagawa ninyo," sagot ko sa kaniya.
Natahimik siya at halatang pigil na pigil siyang bulyawan ako.
"Magtimpla ka ulit ng black coffee. Tapos linisan mo ito, maliwanag? !" mariin niyang utos.
Infairness, ang cool ni Sir. Kahit na galit, nakukuha pa niyang kontrolin ang sarili.
"Opo Sir," saka ulit ako umalis. Inayos ko ang pagtitimpla ko. Tinikman ko pa ito. Nang okay na ang lahat ay bumalik ako. Pagpasok ko ay kunot ang noo niya.
"Ate, punasan niyo po iyang lamesa ni Sir," utos ko sa janitress na kasama ko saka inilapag ang kape niya. Bumaling ako kay Sir.
"Sir, iusog po muna ninyo iyang upuan ninyo, nang malinis ni ate itong desk ninyo,"pakiusap ko kay boss.
Napamaang lang si Sir saka tumayo. Inantay muna niya na matapos ang janitress bago ako hinarap.
"Ms. Dimatibag, I told you to clean up on your own. At nagdala ka pa talaga ng janitress na maglilinis dito! ," sabi niya sa akin na mariing nakatitig sa mga mata ko.
"Well Sir, I'm here as your secretary and not as your personal maid. And of course, I made you coffee. Do I need to cut my body in order to do a multi task? Multi task at one at a time in a different place?" taas noo kong sagot.
"And by the way Sir. Sorry nga pala sa nangyari sa elevator," dagdag ko pa saka kinuha ang kape at iniabot sa kaniya.
"Here, inumin niyo muna po ito. That will turn you negative vibes into positive vibes. Kung wala na po kayong ipag uutos ay maaari na po ba akong umalis?"
Kinampay nalang niya ang kaniyang kamay hudyat na lumabas na ako. Bumuntong hininga siya saka tumalikod at ininom ang kape.
Napangiti ako," Have a nice day Sir."
( FRANK POV )
That girl is so mean. Napailing ako habang hinihigop ang kapeng timpla niya. For the first time in my life na may sumagot sagot sa akin na empleyado. Hindi man lang niya na acknowledge kung sino ang kausap niya. Now I know why her last name is DIMATIBAG.
Humigop pa ako ng kape. Maayos naman ang pagkakatimpla, di gaya kanina. Ugaling ugali niya ang naibuga ko.
"Well, lets see what can you do...." nasabi ko nalang sa aking isipan
Bumalik ako sa desk . I open my laptop and so far, ang bilis niyang mag sumeti ng kailangan ko. Nandoon na lahat ng schedule ko. Tumawag ako ulit sa babaeng yun kahit ayaw ko pang marinig ang boses niya.
"Hellow Ms. Dimatibag, kindly don't let anybody enter in my office kung may maghanap sa akin. I have some important matter needed to be done here," pormal kung utos sa kaniya. Ayoko namang magmukhang tanga kong iisipin ko pa ang mga nangyari kanina. Nag focus lang ako sa ginagawa kong work.
After a few hours...
May kanina pa tumatawag sa personal phone ko. It was grandma.
"Yes grandma," sagot ko sa cellphone.
"My grandson. Who's that woman, blocking your door? Hindi niya pinapapasok si Patricia," galit na sabi ni Lola.
"Grandma, she's my new secretary."
"I don't care. Fire her. How dare she is. Kilala ba niya iyang hinaharangan niya?" muli pa nitong bulyaw.
"Okay okay, lalabas na ako,"di ko na inantay sumagot si Lola dahil ibinaba ko na ang telepono.
Nainis ako. Andito na naman ang babaeng yun. Ang babaeng ipinipilit sa akin ni Lola. And this woman is aggressive also. That's why ipinag utos kong walang papapasukin kahit sino dahil alam kong iisturbuhin na naman ako nun. Di ko inakala na magsusumbong pala siya kay Lola.
Pagkalabas ko ay isang mainit na tagpo ang nabungaran ko.
"Lumayas ka sa kompanyang ito!" sigaw ni Patricia kay Ms. Dimatibag.
"Kayo po ang lumayas. Sinusunod ko lang ho ang utos ni Sir," sagot ni Iresh dito na seryuso pa ring nakatayo na animo'y di natatakot.
"Fiancee niya ako kaya I have rights to come here anytime!" Duro pa niya kay Iresh.
"Patricia!" tawag ko rito.
Nang lumingon siya sa akin ay nag puppy face siya saka umiyak na parang bata na patungo sa akin upang yakapain ako. Pero umiwas ako.
"Well you please, stop acting like immature! Ako ang nagsabi na walang papapasukin dito. Kaya don't blame her! Umuwi ka na," pakiusap ko sa kaniya.
"Yang matandang yan! Look how she looks like?! Nag hire ka pa, matanda naman," panlalait ni Patricia.
"Secretary po ako dito, hindi model. And look how you look like?"
Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Patricia na wari'y nang aasar.
Naka off shoulder kasi ito at napaka ikli ng short. Saka umupo si Iresh sa upuan niya at humarap sa computer na parang walang nangyari.
" Aba tingnan mo nga?! At napaka bastos niya hon. Tinalikuran niya tayo."
"So nag eexpect ka pala ng respect were in fact, you didn't even respect yours," matapang niyang sabi.
Nakatingin lang ako sa kanila. Napangiti ako subalit samantala, nakuyom ni Patricia ang kaniyang kamay at akma sana niyang aatakihin si Iresh pero inakay ko na siya paalis. Nakakasira ng araw ang nangyari.
While inihahatid ko si Patricia sa elevator ay nagsalita pa ito.
"Hon, fire her," utos nito. Nang makapasok na siya sa elevator ay agad ko siyang iniwa.
"No. At wag mo na akong pakialaman sa trabaho ko okay?"
Nagpunta na ako sa office. Napangiti ako sa inasta ni Iresh Dimatibag. Mukhang matapang talaga siya. Well, may atraso pa siya sa akin. Mukhang kakayanin naman niya ang mga task na ipapagawa ko. Humanda siya! Saka sumilay ang ngiti sa isang sulok ng aking labi.
TO BE CONTINUE ....