CHAPTER 2. MAKE MY COFFEE AGAIN!

1812 Words
Nang makapasok si Frank sa kaniyang office ay saka nag-angat ng ulo si Iresh. Hinilot hilot pa nito ang kaniyang sintido. First day na first day, puro nalang trouble kaagad ang na-encounter niya. Tumayo siya saka pumunta sa coffee maker machine upang magkape. Ito nalang ang nagpapa-excite sa bawat umaga, hapon at gabe niya. Umupo siya sa kaniyang desk at saka nag browse sa cellphone dahil wala pa namang dumarating na trabaho at utos ni Mr. Delfuega. Speaking of Mr. Frank Delfuega, "Hmmmm I bet he's handsome but not that type of man who can keep a woman. He's too cold enough. Kung tumingin, parang bangkay na umahon mula sa hukay. Pero kahit na ganoon, ang pogi pa rin niya," sabay higop sa kape niya. "Ahmffff, may medical certificate ka ba?" tinig ng nasa likuran na muntik ikinasamid ni Iresh sa kapeng iniinom niya dahil sa gulat. "Oh sorry, nagulat ata kita," muling sabi ni Frank sa dalaga na tila nang-uuyam. "Sir, ano ba naman kayo! Kanina pa ba kayo diyan?" reklamo pa nito dahil muntikan na nga siyang mapaso. "I hear something awhile ago." Kinabahan si Iresh dahil baka narinig nito ang sinabi niya kanina. "Kako, mukhang oras na ata para ipagtimpla kita ulit ng coffee. Kasi mukhang nanlalamig ka na diyan sa loob ng office," baling ni Iresh kay Frank at seryuso ang mukha upang di mapaghalataan sa sinabi niyang pang-aalispusta sa binata. "Well, is that so. Good idea. Gawan mo ako ng coffee. Kagaya niyang sayo. But, you forgot to tell me about your medical certificate," muli pa nitong sabi. "Hmmmm, I'm physically fit. Isa pa, kaya ako natanggap dahil complete ang mga requirements ko,"pagtatakang paliwanag sa boss niya. "Yeah physically fit but I don't know kung mentally fit nga ba, sige gawan mo ako ng kape, " asar ni Frank kay Iresh ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang malamig na ekspresyon. "Aba, " titindig na sana si Iresh sa kinauupuan upang harapin si Frank subalit pinagsarhan na siya kaagad ng pinto. Naiinis man subalit, nagtimpla pa rin ito. Nang ibigay niya sa kaniyang boss at akma sana siyang tatalikod ay biglang nagsalita si Frank. "Ms. Dimatibag, this coffee is too hot. Palitan mo 'to," muli pa niyang utos na nasa laptop ang paningin. Nagsalubong ang kilay ni Iresh dahil sa pag-uutos nitong palitan ang kape. Padabog niyang dinampot ang kapeng tinimpla niya. Nang maka alis si Iresh ay saka lamang nag-angat ng ulo si Frank sabay ngiti. "Ganiyan nga, sundin mo lahat ng inuutos ko. Matigas ka pala," sabay baling ulit sa laptop niya. Sa kabilang banda ay inis na inis ang dalaga. Kinalmahan niya ang sarili saka maingat na ginawa ang pagtitimpla. Pagkatapos ay bumalik na ulit ito sa office ni Frank. " Sir, here's your coffee. Enjoy. " Maingat sana siyang pupuslit kaso, tinawag siya ulit ni Frank na inilalapag na ang tasang kapeng kagagawa niya. "Ms. Dimatibag. Parang maligamgam naman 'to. Kape pa ba ito?" reklamo niya ulit. "Ganun po ba? May problema ata Sir," sagot ni Iresh. " Oo, may problema nga. MAKE ANOTHER ONE, " diin ni Frank sa huli nitong sinabi. Di na dinampot ni Iresh ang tasa saka umalis na. Napangiti ulit si Frank. Natutuwa siya sa bago niyang secretary. Saka hinigop ulit ang kape. Wala naman problema sa lahat ng tinimpla niya. Katunayan nga, lahat masarap at pwede na ring magtayo ng coffee shop ang dalaga. Kaso pahihirapan niya muna ito dahil sa inaasta niya rito. "Well, pormal naman siya makitungo subalit, something about her presence. Na t-trigger ako," sabi ni Frank sa sarili. Nang bumalik na ang dalaga ay nagtaka si Frank. Wala itong dalang kape. "Ms. Dimatibag, where's my coffee?" "Wait Sir. Lets fix the problem first." Pagkatapos ay may dumating na ang Doctor sa loob. "Sino po ba ang ipapacheck up niyo Ma'am?" tanong ng doctor. "Si Mr. Delfuega po," baling nito kay Frank. "Wait! What is this?!" napatayo na si Frank mula sa pagkakaupo na mariing nakatitig sa dalaga. "I told you, we will fix the problem first. Unang una, nawawalan ka na ng panlasa dahil hindi mo malasahan ang una kong tinimpla. Gaya nga ng utos mo, kagaya ng kape ko ang iinumin mo. Then nagreklamo ka. So I prepare another one. That time, I make sure na everything is okay kaya ipinatikim ko muna sa ibat ibang employee and they said, masarap daw. So, mukhang nasasayo po ang problema," mahabang paliwanag ni Iresh. Lalapit na sana ang doctor ngunit pinigilan siya ni Frank. " No! Umalis ka na dito. I'm gonna talk to my secretary doc.," mautoridad na sabi ni Frank. At dahil CEO ang kaharap ay umalis na rin ang doktor. Pagkatapos ay hinarap si Iresh. "So what are you thinking about Ms. Dimatibag!" galit na sabi ni Frank. "How about you Mr. Delfuega?" seryusong ibinalik ang tanong kay Frank. "Me? Well, I'm the CEO of this company and you're acting like your the supreme one. Is that how you act in front of your BOSS?" "And is that how you give punishment to your secretary?" balik tanong ulit ni Iresh. Nahilot hilot ni Frank ang sintido dahil sa inaasta ng dalaga. Kinampay nito ang kamay. Hudyat na umalis na dapat ang dalaga bago pa magwala ang lion. Nakapikit si Frank habang nag eexhale inhale. Dinampot naman ng dalaga ang tasa. Nasa harap na ng pintuan si Iresh ng magsalita ito. "Sir. Mabuti naman at naubos niyo ang maligamgam niyong kape," saka lumabas ang dalaga. Napatingin si Frank sa pintuan subalit naisara na ni Iresh ang pintuan. Naalala niya, ininom niya ang kapeng ipinapaulit niya. Napahiya siya sa lagay na yun dahil nalaman ng sekretarya niya na ininom niya ang kape. Umupo na lang ito saka muling itinoun ang paningin sa laptop. Samantalang ang dalaga ay hagalpak ng tawa sa kaniyang kinauupuan. Habang naaalala niya ang reaksyon ng boss niya. Hindi niya maiwasan na matawa nalang. Ang lion, parang isang kuting. Biglang nag ring ang telepono ni Iresh. "Ms. Dimatibag, I have two meeting. Sa afternoon at sa evening. Be prepare also. You'll gonna come with me." Isinulat naman lahat iyon ni Iresh upang walang makalimutan. " Wait? Require ba talagang sumama ako?" tanong nito sa sarili saka nagkibit balikat. "Well, well, well. Tingnan natin kung hindi ka maninigas later. Matigas ka huh," sambit ni Frank sa sarili. "Ms. Dimatibag, are you ready?" tanong ni Frank na kakalabas lang sa office. Sakto namang, isusukbit na ni Iresh ang kaniyang shoulder bag upang e-remind sana sa kaniyang boss about sa meeting. "Yes Sir. Lets go?" sagot naman ng dalaga. Unang pagkakataon na ngumiti si Frank sa kaniya. "Well, bring all the folder at the top of my table okay? Then follow me at the elevator," utos niya sa babae. Tumalima naman ang dalaga. Pagkapasok niya sa office ay agad niyang nakita ang sandamakmak na folder. "Seriously?" Napatampal nalang siya sa kaniyang noo na tila ba, alam na niyang nananadiya ang boss niya. Kaya pala sa kauna unahang pagkakataon ay nagpakita ito ng ngiting tagumpay. Padabog na kinuha ni Iresh ang mga iyon. Puno ng papers ang bawat loob nun kaya, medyo nakakangalay pag nagtagal dahil makakapal din ang laman ng mga papel nun. "Bwesit talaga yun!" Samanatalang hinihintay ni Frank ang dalaga sa tapat ng elevetor na hindi pa nagbubukas. Natatawa tawa pa itong nakatingin sa kaniyang cellphone dahil naka attouch doon ang camera ng CCTV sa loob mismo ng office niya. Kaya kita niya ang reaksyon ng dalaga. "Well, magdusa ka!" asik pa nito sa mahinang tono. Di naglaon ay dumating na si Iresh. Nakatayo lang si Frank saka senenyasan ito na pindutin ang button ng elevetor. Nagsalubong ang kilay ni Iresh dahil hawak nito ang mga folder. Iniangat ni Iresh ang dala niyang folder upang ipakita rito na may dala dala siya. "Hindi naman yan mabibigat kaya kaya mo na yan. Secretary naman kita kaya sundin mo ako," mautoridad na utos ni Frank. Ngumiti ng nakakaloko si Iresh saka tumingin sa likuran ni Frank. "BOSS NAMAN! MAY HAWAK AKONG MGA FOLDER TAPOS SA AKIN NIYO PA IUUTOS NA PINDUTIN ANG BUTTON. CELLPHONE LANG ANG HAWAK NINYO DI NIYO PA MAGAWA!" malakas na reklamo ni Iresh. Nagsalubong ang kilay ni Frank ng -- "Ay anu ba yan si Sir. Napaka ungentleman naman owww." "Oo nga, simpleng pindot lang, sa panget pa niyang sekretarya ipinagagawa," bulong ng dalawang empleyado na di napansin ni Frank na napadaan. Nanlaki ang mga mata ni Frank dahil sa pagkapahiya. Agad niyang pinindot ang button saka pumasok na seryuso ang mukha. Tinitigan naman ni Iresh ang dalawang dumaan na nagbubulong bulongan pa rin. Nang sulyapan ng dalawa si Iresh ay nakita nilang masamang nakatitig ito sa kanila saka inirapan ang mga ito. Naiinis siya dahil ineexpect niya na pupunahin ang pagiging gentledog ng boss niya upang siya ang magmukhang kaawa-awa subalit nasali rin siya sa nalait. In short, nagisa sila sa sarili nilang mga mantika dahil sa kanilang pagmamatigas. Tiningnan ni Iresh ang repleksyon sa pintuan ng elevetor. Saka binaling baling ang mukha na tila tinitingnan ang side to side ng kaniyang mukha. "Narinig mo naman na panget ka diba? Kaya wag mo ng tingnan ang bawat anggulo ng mukha mo. Maguguluhan ka lang at mas masasaktan," seryusong sabi ni Frank. "Ikaw naman, napaka gentledog mo," simpleng sagot ni Iresh. Galit na ngayon ang ekspresyon ni Frank na humarap sa babae na hanggang balikat lang niya. "Ikaw ha. Di ka ba matigil tigil sa kakasagot mo?!" asik nito sa dalaga na nakataas ang kilay na tila nagbababala. Pero si Iresh, di natinag sa pakikipagtitigan dito nang biglang bumukas ang pintuan ng elevetor at nakita ng mga papasakay na empleyado ang eksena ng dalawa. Napaharap sila saka tumikhim si Frank. Samantalang si Iresh naman ay inayos ang tindig. "Good afternoon Sir," bati ng mga empleyado. Tumango lang si Frank bilang tugon. Lumabas sila at seryuso ang mga tingin. Halos magkasabay pa silang maglakad. "Grabe ang guwapo talaga ni Sir,"sabi ng ilang kababaihan na nag tatrabaho din doon. " Makalalaglag panty talaga siya, " sagot ng isa. " Please be mine Sir," mahinang sabi ng isang babae pero sapat na upang marinig ni Frank at Iresh ang mga tila nagpaparinig na kababaihan kay Frank. " Hey! Hey! Hey! Tawag ng isang lalaki na naka suit na rin gaya ni Frank," tumigil sila sa paglalakad saka hinarap ang tumawag. "Sandro," malamig na sambit ni Frank. "Para kayong terminitor na naglalakad. Yung astala bista baby," biro pa nito sa pinsan niya. "Kung wala kang importanteng sasabihin, aalis na kami. May meeting pa ako," malamig na sabi ni Frank. "Wala naman cous. Dinitract lang kita. Napaka seryuso niyo kasi, "sagot nito sabay baling kay Iresh. " Hi miss! Pagpasensyahan muna itong pinsan ko. Napaka harsh niya,"sabi niya sabay talikod upang umalis. " Istorbo, " tanging naisambit ni Frank. TO BE CONTINUE ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD