Naglakad na sila papalabas sa kompanya upang magpunta sa meeting place ng isa sa mahahalagang tao sa partnership nila.
Pagkarating nila ay saktong andoon na rin ang matandang kakausapin ni Frank. Inilapag na ni Iresh ang folder sa lamesa.
"Good afternoon Mr. Baigon," bati nito sa may katandaang lalaki na may pagkapanot pa ang buhok.
"Nice to meet you Mr. Delfuega. Kumusta?" bati nito kay Frank.
"I'm fine. Well, this is Ms. Dimatibag, my new secretary," pagpapakilala nito kay Iresh. Nginitian naman siya ng dalaga na bahagya pang yumuko upang magbigay respeto.
Nakapako ang tingin ng lalaki kay Iresh ngunit balewala iyon sa babae. Umupo ito at hinalungkat ang laman ng folder. Dahil iyon ang pag-uusapan nila ng kanilang Boss.
"Ahem, Mr. Baigon, about nga pala sa partnership ng ating kompanya sigurado na ho ba kayo doon?" panimula ni Frank na pumukaw sa kausap na kanina pa titig na titig kay Iresh.
"Oo. I'll give 5 billion as my share about the new medicine na e la-launch niyo this next month," sagot ng matanda na animo'y siguradong sigurado sa sinasabi nito na bumaling ulit ang paningin kay Iresh.
Tiningnan naman ito ni Iresh sa malamlam na paraan. Nang magtama ang kanilang paningin ay agad umiwas ang matanda.
Nagkapermahan na ng kontrata ang dalawa. Nasa private room sila exclusive for VIP. Isang hotel na pagmamay ari din ng Lucenas Corporation Company.
"Do you want to have a dinner with me Ms. Dimatibag and Mr. Delfuega," tanong ng matanda.
"Well Sir, we're glad that you're enviting us but I have another meeting so, we will pass on that."
"Ganun ba. Sige next time nalang."
Tumayo na si Frank at si Iresh saka nakipag shake hands. Pero parang nagdadalawang isip pa ang dalaga kung makikipag shakehands ba o hindi. Subalit sa huli ay iniabot na rin nito ang kamay kahit tila ba, kinikilabutan siya sa nangungusap na titig ng panot na matanda.
Pagkaraa'y umalis na sila. Mabilis ang bawat hakbang ni Frank. Pinaparusahan pa rin ang kaniyang secretary. Lihim siyang napapangiti sa paghabol nito sa kaniya.
"Boss, di ka ba nahihiya sa sarili ninyo!" reklamo ni Iresh ng maabutan niya si Frank saka inihampas sa dibdib nito ang mga folder.
"Uyyy ano ang ginagawa mo," mahinang sabi nito kay Iresh dahil malakas na ang boses nito.
"Abnormal ka ba? Hawakan mo nga itong mga papelis," mahina pa rin sabi nito dahil pinagtitinginan na silang tao.
"Sana all tanggap ang itsura. Ang sweet nilang mag jowa. Nag aaway sila. Kuya! Suyuin mo kasi si my loves mo!" Sabi ng isang babae na dumaan sa kanila.
"Uyyyyy susuyuin na yan. Grabe ate swerte mo kay kuya. Ang guwapo kaya wag ka ng mag inarte," kantiyaw pa ng iba.
Panay naman ang kampay ng kamay ni Frank na tila sinasabi nito na mali ang kanilang inaakala. Biglang kinuwelyuhan ni Iresh si Frank sabay sabing, " ITONG BEMAL NA TO! WAG NA! "
Sabay dampot sa mga folder saka pumasok sa Mercedez car ni Frank.
Padabog na pumasok si Frank sa driving seat.
"Nauubusan na ako ng pasensya sayo ha. Ano sa tingin mo ang inaakala mo ha? That folder contains all the important documents about the meeting! At ano ang tawag mo sa akin? BEMAL?! Who are you to call me that?!"
"Baka nakakalimutan mo, tinawag mo akong abnormal. Well at least ako, ABOVE NORMAL, eh ikaw? BELOW NORMAL. Kung ayaw mong tawagin ka sa ayaw mo, well wag ka din ganun. And Sir, babae ako. Naka heels pa ako! Can't you consider that. Masyado naman ho kayong obvious. Napaka childish! " bulyaw ni Iresh rito.
Natahimik naman si Frank sa mga narinig. Well, she's right. He's acting like an idiot. Huminga siya ng malalim saka nag drive.
Inabutan niya ng tubig si Iresh na noon ay nakatukod ang siko nito sa pintuan habang hawak ang noo. Nagpapakalma dahil sa intense na pangyayari kani kanina lamang.
Inabot ito ni Iresh saka tiningnan ang ekspresyon ni Frank. Bumalik na naman ito sa pagiging blangko.
Habang nag da-drive si Frank ay naalala nito bigla ang babaeng unang nagpatibok sa puso niya, si Samantha. Her previous secretary who got married to Mr. Uy. A half Filipino-Chinese multi billionaire old man. Mas napili ni Samantha si Mr. Uy dahil pinakasalan kaagad siya after magpakita ng motibo kay Samantha.
He's gonna propose to that woman without a formal label of there relationship kasi, mas gusto niya ang kasal muna. Akala niya kasi, okay lang sa babae na kahit wala silang relationship ay tatanggapin nito ang proposal niya, pero huli na. Ngunit mas okay na yun kahit sobra siyang nasaktan dahil mas nakita nito ang kulay ng babae. Sa kabila ng maamong mukha ay may nakatagong ahas.
From being graceful woman, with soft voice at sa mga ngiti nito ay tila ba nakapinta na sa kaniyang isipan, pero noon nalang yun. Para rin siya ng ama niya. He's gone after she runaway with his kalaguyo. That cause of there car accident also that leads them to death. Nakaka trauma ang magmahal ng totoo.
"Pareparehas lang ang mga babae," biglang naisambit ni Frank.
"Sir, wala naman siguro kayong third eye nuh?" natanong nalang ni Iresh dahil bigla itong nagsalita mag-isa.
"Shut up," maikli nitong sabi.
Nanahimik nalang si Iresh dahil mukha na nga talaga itong seryuso. Binuklat buklat nalang niya ang mga files.
Di naglaon ay Nakarating sila sa isang coffee shop where the meeting is held. His meeting with Mr. Uy. Ang asawa ni Samantha.
Isa itong maputing lalaki na may singkit na mga mata. May katabaan din ito. Walang wala sa kagwapuhan ni Frank. As they enter at the coffee shop, binati niya ito.
"Good afternoon Mr. Uy."
"Ohh Mr. Delfuega. I thought you'll gonna ignore me AGAIN," inimphasize pa nito ang huling salita na tila nang-uuyam.
"Of course not."
"Yeah. I prepared some special tea for this special meeting."
"Well, we'll explain this as fast as we can cause we still have meeting to another shareholders . So, can we start now," malamlam nitong sabi.
Ngiting tipid ang itinugon ni Mr. Uy.
"Mr. Uy, this is my new secretary. Ms. Iresh Dimatibag."
Iniabot naman ni Iresh ang kamay nito sa lalaki saka nag shakehands sabay bati rito.
"Good afternoon young lady. Its nice to see you. Time so fast. Parang kailan lang, ang asawa kong si Samantha ang secretary ni Mr. Delfuega. Since we get married, he need to hire a new one and luckily, ikaw ang natanggap," litanya pa nito na tila, pinaparinggan si Frank tungkol kay Samantha
" Can we start now? Ms. Dimatibag, explain to him the details,"utos ni Frank na tila iniiwasan ang mga pang iinsulto ng lalaki.
Dumating ang ipinahadang tsaa ni Mr. Uy.
" Lets have a tea while we're discussing about the medicine, " anyaya niya sa dalawa.
" I'm sorry Mr. Uy but can I have some coffee instead? " pagtanggi ni Iresh sa alok ni Mr. Uy.
Medyo napahiya ang lalaki subalit agad na rin tinawag ang waitress upang ipag utos na kumuha ng coffee.
Lihim naman natuwa si Frank sa ginawa ni Iresh. Nagsimula na ang pag-uusap at tulad ng una ay nagkapirmahan na rin. Ngunit di gaya ni Mr. Baygon, mas mababa ang share nito. Nasa 10 million lang naman ang kaya niya.
Tumango lang si Frank at di na kinumbunsi si Mr. Uy. Hindi naman ito kawalan kung tutuusin subalit parte pa rin ito ng kanilang kompaniya.
"Dumalaw ka naman minsan sa amin. Nang maipaghanda tayo ng misis ko. Masarap yun mag luto," muli pa nitong asar kay Frank.
Nakatalikod na sana si Frank upang sumakay sa kotse. Tiim bagang man at gusto man sabihing wala na siyang pakialam kay Samantha subalit nanahimik nalang ito upang di magmukhang naaapektuhan.
" Sure, " maikli nitong sagot sabay binuksan ang pintuan ng sasakyan para kay Iresh.
"Young lady, take good care of your boss," saka tumawa ng malakas.
Pilit na ngiti ang ipinukol ni Iresh dito. Bagaman, di alam ni Iresh ang nangyayari pero di naman ito manhid upang di maramdaman ang tensyon na nagaganap sa dalawa kanina.
Nakasakay na sila saka lumarga.
" Thank you, " sambit ni Frank.
"For what," nagtatakang tanong ni Iresh. Wala man lang mabasa sa mukha nito subalit alam niyang sensiro yun. Di na umimik si Frank. Mas pinaharurot pa nito ang sasakyan na tila, mala-late sa lugar kung saan dapat sila magtutungo.
Napabilis ang pagdating nila sa venue. Maaga man pero gabe na. Sa isang mamahaling restaurant sila nagtuloy na bahagi pa rin ng pag mamay-ari ng Lucenas Corporation Company .
Si Anton Reanilio, ang grandfather ni Patricia. For unexpected situation, kasama nito si Patricia.
"Honey," sabay tayo upang yakapin si Frank.
Gumanti naman ng yakap ang binata. Bagamat, itinuturing siyang Fiancee ng dalaga subalit, tingin ni Frank dito ay isang nakababatang kapatid.
Nang magtama ang tingin nila ni Iresh ay tila bang kuryente ang lumalabas sa kanilang mga mata. Nagrarambolan at gigil sa isa't isa.
Pagkatapos ay nagngitian dahil kaharap nila si Mr. Delfuega at Mr. Reanilio. Grandfather iyon ni Patrcia. Nasa ibang bansa na kasi ang mga magulang niya matagal na, kaya sa lolo niya siya lumaki. Hindi hilig ni Patrcia ang business world but the fact na si Frank ang makaka meeting ng kaniyang lolo ay sumama nalang siya.
"Mr. Reanilio, good evening. Oh by the way, this is my new secretary, Ms. Dimatibag," pagpapakilaka nito sa dalaga.
"Hellow Young lady. So you're Ms. Iresh. Nice to see you. Mag order na kayo ng main dish. Para pagkatapos ng meeting ay sakto naman ang labas ng pagkain," mungkahi ng matanda.
"Hon, nai order na kita. I know your favorate kasi," malanding sabi ni Patricia sa lalaki. Saka tiningnan ng masama si Iresh.
"Ms. Dimatibag, umorder ka na ng sayo," baling ni Frank sa sekretarya niya.
Binuklat naman ni Iresh ang menu. Halos malaglag ang mata niya ng makita ang mga dish. Ang kunti ng laman tapos pang isang buwan ng grocery nila ang isang plato nito. Ang mahal.
Kahit na nabigla ay di ito ipinahalata. Nag order siya. Yung marami ang laman kahit pare parehas lang naman.
Nang maka order ay nagsimula na ang discussion. And as usual, the agreement is success. Pagkatapos ay kumain na sila. Panay pulupot pa sa braso si Patricia kay Frank na ikinaiinis pa ng binata.
"Ms. Dimatibag, so where you come from?" tanong ni Mr. Reanilio.
"Sa squater area," walang kagatol gatol na sagot ni Iresh na tila naiinis sa pagkaing ang kunti na nga e wala pang lasa.
"WHAT!" malakas na sabi ni Patricia. Saka natutop ang bibig nito.
Muntik na rin masamid si Frank dahil sa deretsahang sagot ni Iresh. Ewan pero bilib siya rito. Tumango naman si Mr. Reanilio.
"So you mean, taga squater ka?" tila nanlalait na tanong ni Patricia.
"Napaka swerte mo pala at natanggap ka dito."
"Why not? When I'm capabale to do the job," seryusong sabi ni Iresh.
"Hmmmm so what's the occupation of your mom?"
"Labandera," muli pa nitong sinagot
"Ohhhhh labandera? What's that? Kawawa naman kayo. Patay gutom pag ganun diba?" lait ulit nito.
Natawa si Iresh, "Labandera, di mo alam yun? Basic livelihood yun. Di ko alam na may ignorant rich kid pala."
"WHAT!" mainit na ulong tiningnan si Iresh.
"Patricia! Watch your manner!" saway ni Mr. Reanilio.
Napatigil si Patricia. Habang si Frank, walang paki at kumakain pa rin. Nanlumo ang babae dahil di man lang niya pinagsabihan ang secretary niya.
Nang matapos si Iresh ay nagpaalam na rin ito.
" I think, the meeting is adjourned so can I go home now?"
"Ihahatid na kita," pag-aalok ng binata.
"No need, I can go home alone," tanggi ng dalaga.
"See? Kaya na niya ang sarili niya," ika ni Patricia na mas pumulupot pa sa braso ni Frank.
Umalis na si Iresh. Akma sanang lalabas na siya sa pinto subalit hinawakan siya ni Frank sa kamay. Humabol pala ito.
"I said, I can go home alone," inis nitong sabi sa binata.
Natawa naman si Frank, "And who's the hell said na ihahatid kita. Here's the folder. Make a report to me tomorrow. Lahat yan! Gusto ko umaga pa lang, nandon na ang organisang detalye tungkol sa meeting."
Mukhang, umandar na naman ang kademonyohan ng lalaking 'to. Pati ba naman sa bahay nila ay ihahabol ang trabaho.
Iniabot dito ang folder na padabog na kinuha ng dalaga. Napangiti si Patricia sa ginawa ni Frank. Na wari' y iniisip nito na pinaparusahan siya dahil sa pagsagot nito sa kaniya.
Nag-aantay ng masasakyan si Iresh. Wala siyang kaalam alam na may sasakyan na nagmamasid sa kanya sa di kalayuan. Isang itim na sasakyan na kanina pa nakasunod sa kanila.
TO BE CONTINUE ...