"Nay!!! Andito na po ako," sigaw ni Iresh pagkarating sa kanilang bahay.
Habang ang itim na sasakyan na kanina pa nakasunod ay nakatanaw sa kaniya. Nakaparada lang ito na medyo malayo sa bahay nila Iresh.
Tumango tango ang sakay nun. Tila, masayang nalaman kung saan nakatira ang dalaga.
"David, palargahin muna," utos nito sa kaniyang driver.
Nagtungo ang sasakyan sa isang exclusive na bar. Dito muna ito magre-relax. Matagal tagal na rin kasi itong hindi na nakakapunta rito dahil panay siyang nag tatrabaho.
"Uyyyyy Mr. Baygon! How was your day? Been a long time huh," bati ng mga kaibigan nito na inabutan niya. May kaniya kaniya pang kanlung na mga babae at tila lasing na rin ang mga ito.
"Alam niyo naman ang trabaho, kabilaan ang mga appointment na di pwedeng balewalain."
"Magrelax ka na, bago ka bumalik sa misis mong masungit. Oo nga pala, patay na siya. Sorry Pare," ani ng isa nitong kaibigan.
"Sino ba ang bagong pasok ngayon?" turan ni Mr. Baigon na ang tinutukoy ay ang mga babaeng pwede nilang e-table.
"Si Hazel. Ayun! Katabi ni Madame Z. Fresh na fresh pa yun. Batang bata." turo nito sa dalagang nanginginig pa. Halatang probinsiyana dahil, halata rito ang panginginig.
Napangisi naman ang matandang panot sa nakita.
"Pakisabi na ilalabas ko ang isang yan," utos nito sa mga kaibigan na nagkatinginan pa saka ngumisi na animo'y mga asong ulol na uhaw na uhaw.
( IRESH POV )
Pagkaligo ay nagtungo na ako sa kusina.
" Kumusta ang trabaho anak? "
"May pagkain ho ba?" tanong ko na di man lang sinagot ang tanong ni mama.
"Aba eh akala ko ba ay kumain kayo sa labas. Nagtext ka pa sa akin kanina."
" Ahh yung mga pagkain ng mayayaman? Eh isang plato doon, di pa ata mabubusog ang pusa nun. Tas pang groceries natin yun ng isang buwan ang presyo." sarkastikong paliwanang ko.
"Aba! kanin lang ang nariyan. Di na ako nagtira ng ulam kasi akala ko di ka kakain," wika ni inay sabay turo nito sa rice cooker.
"Oks na 'to ma. Noodles nalang ang ipapang poreber ko dito."
" Ewan ko sayo.Matulog ka ng maaga huh? " sabi nalang ni mama saka tinalikuran ako.
"Opo," maikli kong sagot kahit hindi naman talaga ako matutulog kaagad. Marami pa akong paper works na kailangan tapusin.
Kaya alam kong kailangan kong mag handa ng kape.
Wala naman talaga akong reklamo sa work. Kung tutuusin, dedicated talaga ako when it comes to work.
Pagkatapos maluto ng noodles ay inilagay ko sa isang lunchbox ang kanin saka ibinudbod rito ang noodles. Tinakpan ko ito saka ko shinake shake.
Kumuha ako ng kutsara saka nagtungo sa kuwarto. Umupo na ako sa aking desk saka kumuha ng isa pang lamesa upang ipatong ang heater para magpainit ng kape.
Inihanda ko ang aking laptop pati ang mga folder saka binuklat ito upang basahin habang kumakain. Easy to eat kahit parang suka kung titingnan dahil sa pinaghalong kanin at noodles. Pero kahit ganun, mas masarap pa rin ito kaysa sa kinain namin sa labas.
"Mukhang marami rami ata to. Tsk," nasambit ko sa aking sarili saka tiningnan ang wall clock. Alas 3 na ata ako nito matutulog. Gigising ako ng 4:30 pm.
"Hmmm dalhin ko nalang ang mio ko bukas. Para may service ako sa pagpunta ko roon. Para di na hassle sa traffic bukas."
Kahit kaunti lang ang magiging tulog ko, at least matapos ko na ang lahat ng 'to. Baka ano pa sabihin ng demonyong boss ko pag di ito natapos. Nakakainis pero BOSS IS BOSS.
( FRANK POV )
"Boss, andito na po ang mga paper works," sabi sa akin ni Iresh na kakapasok lang sa office. Ipinatong niya ito sa lamesa saka nagtanong.
"Boss, may kailangan po ba kayo?" tanong nito sa akin pero sa malambing na paraan. Nakakapanglambot.
"Wala, you can go now Ms. Dimatibag," utos ko rito dahil iba na ito kung makatingin sa akin. Palapit siya ng palapit habang nag a unbutton ng kaniyang suit.
"I SAID YOU CAN LEAVE NOW!" Nagtaas na ako ng boses ngunit mas naging agresibo ang mga tingin niya. Ang creepy--
"Boss lage nalang mainit ang ulo ninyo, hayaan mong pakalmahin ko yan," napakalambot ng tinig niya na wari'y inaakit ako.
Umupo siya sa kandungan ko. Di ako makagalaw. Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin habang hawak ang necktie ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa takot nang ngumisi siya sabay naging halimaw ang mukha niya!
"HUUUUUUWWWWWWWWAAAAGGGGG AAHHHHHHHHHHH!!!!--"
Napabalikwas ako ng bangon. Hinawakan ko ang leeg ko at niluwagan ang aking necktie saka tumingin sa aking paligid. Nasa mansion pa rin pala ako. Habol nan hininga ko dahil para akong malalagutan ng hininga.
"Damn that woman! Kahit sa panaginip, nambubulabog," nasambit ko nalang. Tumayo ako para magtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Tiningnan ko ang aking wrist watch. Alas 9 pa lang pala ang oras. Bagsak na ako sa higaan ng makauwi ako.
" Hey! My grandson! "tawag sa akin ni Lola na andito pala sa mansion.
" Hi grandma,"sagot ko na ikinabigla ko dahil malapad ang ngiti nito sa akin. Saka ako nagmano.
" You attend at the meeting. Good job my grandson. Sabi ko nga ba at magbabago ka rin at seneseryuso mo na rin ang family business natin. This is the first time na you made an agreement to our investor. Success din daw yung usapan ninyo," paliwanag niya na halatang, masayang masaya.
" Keep it up grandson, "sabi pa nito sabay tapik sa aking balikat. Ito ang kauna unahang, pinuri ako ng aking Lola since mamatay si mom at at ang daddy ay busy sa ibang bansa.
" I will, "maikli kong sagot.
Umupo ako while drinking water. Napangiti ako. Sa kakaparusa ko sa sekretarya ko, hindi ko namalayan na marami akong natapos na project ngayong araw.
" Matatapos niya kaya ang sandamakmak na trabaho sa bahay nila? For sure, tulog na yun ngayon," mahina kong sabi na noo'y nilagok ko na ang natitirang tubig saka nagpalit ng damit upang makatulog na ng maayos.
Habang nasa shower ako ay naalala ko yung nangyari sa elevator kasama si Ms. Dimatibag.
Napatawa ako habang binabasa ng katubigan ng shower ang boung katawan ko.
"I find her cute despite sa mas mukha pa siyang manang sa porma niya."
***
3 AM na ng matapos ni Iresh ang lahat. Pinaganda at inayos na niya ang lahat ng folder. Kaya, inilagay na niya sa kaniyang drawer ang lahat. Pagkatapos ay tumayo na ito saka humilata sa kaniyang kama.
Senet-up na niya ang kaniyang alarm clock ng alas 4:30 AM.
Kringggg...
Kringggg...
Kringggg...
Naalimpungatan ang dalaga pagkarinig sa kaniyang alarm clock. Parang kakapikit pa lang niya ay nagising na ito.
Kahit ayaw pa niya ay mas mahalaga pa rin ang trabaho niya. Pagkabangon ay nagtungo na ito sa banyo upang mag tootbrush at hilamos.
Pagkalabas ay nagsaing na ito at nagluto ng simpleng ulam. Pinakbet. Magkakahalo na ito at malinis na nakalagay sa isang plastic sa ref nila. Iluluto nalang. Magbabaon kasi siya.
Pagkatapos ay nagmadali na itong naligo. Nang matapos ay kung anu-ano na ang pinaghahalughog niya sa kaniyang cabinet.
Tinitingnan ang sarili kung ano ang babagay sa kaniya. Well, pareparehas lang naman pang office attire niya kaso ang pinagkaiba nga lang ay ang mga kulay nito.
Sukat dito, sukat doon. Pinaghahandaan niya ang araw na ito sa di niya malamang dahilan. Napili niyang magsout ng light pink. Pero hindi siya nag make up. Hindi naman siya oily face or dry kaya okay lang. Natural kasi ang beauty niya.
Ala sais na siya ng matapos. Tamang tama dahil kagigising lang din ng nanay nito.
"Magandang umaga. Mabuti at nagising ka ng maaga," bati ng nanay ni Iresh.
"Magandang umaga rin ho Nay. Kailangan kong pumasok ng maaga kasi alam niyo na, traffic," ani 'to sa mama.
"By the way, inihanda ko na rin pati almusal niyo," sabi pa nito na kakatatapos lang kumain. Tumayo ito at aalis na sana.
"Hay naku anak, mag make up ka nga," inis nitong wika sa dalaga ngunit pasok sa tenga labas sa kabila.
Napailing ang nanay niya.
"See you Nay," sabi ng dalaga saka umalis bitbit ang sandamakmak na papelis. May hawak pa itong susi kaya sigurado siyang mag momotor ito.
Nang maalala niyang naka pink ang anak na usually di niya isinusuot. Agad agad itong nagtungo sa kaniyang kuwarto at binuksan iyon.
"Irrrrrreeeeeeeesssssssssssshhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!" nanggagalaiti nitong sigaw na halos ikayanig ng bahay nila.
Nagkalat ang mga papel, ang lalagyang pagkain na lunch box ay sa sahig nakalapag. Ang mga damit na ay kung saan saan. Di na alam kung asan doon ang lalabhan at hindi. Di pa inayos ang higaan.
Paano na naman niya ito aayusin.
( IRESH POV )
Dumating na ako sa office dala ang mga folder. Walang traffic, no hassle sa kalsada. Ganun talaga pag maaga. Hindi rin siksikan sa elevator. Agad akong pumasok sa office ni boss saka ipinatong ang mga folder.
Lumabas ako at ipinasok sa drawer ang bag ko saka nagtungo sa coffee machine.
Nang marinig ko ang mga yabag. Tumigil iyon sa kung saan ang desk ko pero di ko pinansin.
"Haayssss mukhang late ata si Ms. Dimatibag at di nagawa ang ipinapagawa ko," tinig ni boss.
Napangiti ako ng sarkastiko. Gumawa na rin ako ng para sa kaniya. Dinala ko iyun sa office niya na nadatnan kong nagbubuklat ng folder at tila nabigla pa sa pagpasok ko.
" Good morning Sir, " seryuso akong bumati rito.
"Good morning. You did a great job!"puri nito sa akin.
" Thank you, "maikli kong sagot saka lalabas na.
Napapangiti pa itong hinihigop ang kape na tila nasisiyahan. Napailing nalang ako.
Mabilis ang oras na gumapang. Alas onse na at malapit na ang luch at marami rami na rin nagpasang empleyado na isisumiti kay Sir Frank para magka signature for approval.
Pumasok ako sa office.
"You always enter without knocking," ika niya na nakapatong pa ang mga paa sa lamesa habang naglalaro sa mobile phone niya.
"I'm sorry," pagpapakumbaba ko since inaantok pa ako. Ayoko naman makipag argumento dito. Wala pa talaga kasi akong tulog.
Inilapag ko ang mga papers saka sinabi kung ano ang gagawin niya.
"Sit down," utos niya sa akin.
"Turn on the papers and read it to me," nakatoun pa rin ang mga mata sa nilalaro.
My ghadddd! Boss ba talaga 'to?
"Sir, its not my job to see all the documents lalo na ang basahin ito."
"I will allow you. Sit down,"
Gago talaga' to. Ka demonyuhan na naman iniisip nito. Napakatamaddddddd!! Nakakapanggalaiti !!! Nakakahilo makakita ng mg words.
"I refuse Sir. This is too much! I did all my works even at home. Ngayon naman, itong trabaho mo, ako pa ang pinapasalo mo!" di ko na napigilan mag reklamo.
"Its your job to do all the things I say," walang pakialam niyang sabi.
"Ganern?! Sige ito nalang, total, diyan ka nalang magaling edi maglaro nalang tayo, kung sino matatalo, siya ang gagawa niyan"
Lumuwang ang labi nito na tila nang-uuyam.
"Are you serious? Sige, GAME! Pero I'll remind you na pro ako sa kahit anong laro," pagmamalaki pa nito.
"MOBILE LEGEND?" —Ako
"MOBILE LEGEND," — Siya
So nagsimula na nga kaming maglaro 1on1. Si Guinevere ang ginamit ko samantalang siya ay si Hayabusa.
Habang naglalaro kami, nangingiwi ako sa paulit ulit na pagkamatay ng hero ko.
Natatawa tawa naman si Boss.
"Ang boring. Di ka man lang nakatira. 2 turrets of yours are all gone"
Malapit na niyang maubos ang tore ko. Pa chill chill nalang siya habang panay husga sa hero ko. Tumingin siya sa akin. Ganun din ako saka ngumuti ng malapad.
Sunod-sunod kong inatake ang mga minions niya. Ganun din siya. Fully item na ako kaya napakalakas ko. Nabigla siya ng unti unti ko siyang natatalo. Well, he don't know na pro din ako sa larangan ng mga laro.
"HEY!" napalakas na boses niya sa nakikita.
Di naglaon ay natalo ko siya.
"How's your day Mr. Delfuega? Masarap pala sa pakiramdam na matalo ang isang pro," pang-aasar ko pa dito.
" Hey! Well ahhhh wait," tawag nito sa akin na tila nagdadalawang isip pa.
"Umupo ka. Read this to me,"muli pa niyang utos na ikinagalit ko. Sarap talaga niyang balatan ng buhay.
" I'll treat you later. C'mon, " ngayon nanunuyo na ito.
Napaisip ako kaya ginawa ko nalang ay padabog akong umupo at kinuha ang mga papers.
TO BE CONTINUE ...