CHAPTER 5. IRESH WAS KIDNAPED

3425 Words
( IRESH POV ) I smirk while looking at Sir Frank. Hawak ko ang cellphone ko. "Oh why are you looking me like that? " walang pag aatubili niyang tanong. "Since, di ka naman tumupad sa usapan, I rather post my victory. Na SS ko kasi yung pagkapanalo ko at pagkatalo mo. Ano ang magandang caption dito Sir?" tanong ko na ikinalaki ng mata niya. "Hey! Don't do that. Pinagbigyan lang kita okay? Babawiin ko yung panlilibre ko sayo if you do that!" pagbabanta pa nito as if napaka big deal ng free lunch niya sa akin. Tinakot ko lang naman siya. Pero sa totoo lang, gusto ng umidlip ng mga mata ko. Binuklat ko ang bawat papelis saka binasahan ang may down syndrome na si Frank. Daig pa ang special child sa kakupadan nito. While Im reading the proposes of the documents ay inutusan niya akong i-separate ang pepermahan niya at ang hindi. Napapahikab na ako. Nagb-blur ang mata ko sa mga letra. "Are you sleepy?" tanong nito. "Hindi siguro," pang-uuyam ko pa. Its obviously na inaantok ako. Para naman marealize niya kung ano ba ang ipinapagawa niya sa akin "Ah ok," maikli niyang sagot. Grabe! Grabe! Wala talagang puso. Inignore lang ang puyat ko. Masama ang loob kong binabasa ang bawat pahina. Napansin ko, mas marami ang ni reject niya kesa ia-aprrove. "We're done. Don't go Ms. Dimatibag, Someone will arrive," sabi niya na ikinataka ko. Nang biglang may kumatok. "Pasok." Pumasok naman ang kumatok. "Sir, delivery po," isang delivery boy pala ang dumating. Nagpa deliver pala siya ng pang - lunch. Mukhang masarap ito kasi nasasamyo ko pa ang halimuyak nito. Bigla akong nagutom saka nahawakan ang tummy ko. Napalunok pa ako ng laway at tila ba'y nawala ang antok ko. Nang mailapag ng delivery boy ang pagkain ay umalis na ito. "Now lets eat," masaya pa nitong sabi. "Wait Sir, may kukunin muna ako. " A sige bilisan mo huh. " Agad akong lumabas at kinuha ang baunan ko. Pagkatapos ay bumalik ako. " What'a that? " " Obviously baunan. " " Ahhhh okay, so lets eat na, " anyaya ni Boss. Napapangiti ako. Bumabawi talaga. Ipinatong ko ang baunan ko sa lamesa niya saka binuksan. Pagkabukas ko ay sinusuri niya ito ng mata. "What kind of food is that? Its look like a dog food," direktang komento ni Sir. Wala talagang pakundangan. Kung sa bagay, hindi niya ito makikilala dahil na mixed ko na ang rice at pinakbet. "Ahhh hindi mo alam 'to? Its a classic food. Mayaman ka tapos di mo alam? Its a SMASHED SQUASH WITH THE BABY SHRIMP," pagsisinungaling ko. Para kasing ingot. "Really? Parang di naman yan classic." Walang anu ano'y isinubo ko sa kanya ang pagkain. Napanganga siya ng wala sa oras. Nang nginunguya na niya ito ng dahan dahan ay nagsasalubong pa ang kilay nito. "Its de—lecious," tanging naisagot niya. Nilagyan ko ang takip ng baunan ko ng pagkain ko. Kalahati iyon tas binigay kay Sir ang nasa baunan ko. Nagtaka siya but he didn't refuse. He order food. Burger yun at drinks. Mamahalin na naman yun from Simple Dynamite. Tahimik kaming kumakain and after that, ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Tumayo siya saka itinuro ang sofa. "Umupo ka na doon, lalabas lang ako. Dito ka nalang muna," utos niya. Tumango nalang ako saka sinunod ang sinabi niya. Di nagtagal ay napahikab ako at sumandal na. Di ko namalayan na sa sobrang antok ko ay nakatulog ako. ( FRANK POV ) Nadatnan ko si Dimatibag na natutulog na. I didn't wake her up. I know puyat siya. Sinadya ko talagang tulungan niya ako cause I need her to explain it to me. Nakakaantok kasi pag ako ang gumagawa. Sinadya kong magtagal para makatulog na rin siya. Di yun matutulog hanggat nasa loob ako. Lumapit ako sa kanya na nakahalukipkip pa sa kaniyang mga braso. Tila giniginaw sa aircon. Inihiga ko siya then I cover her body using my coat. As I'm doing that, napatitig ako sa kaniya. She's so simple but her beauty is hiding on her style. Style na nakasalamin at nakapulupot na buhok. Idagdag pa ang bangs nito at pormahan ng isang striktang magulang. Napangiti nalang ako. I go back to my chair and review about sa medicine na e la-launch namin. This time, aayusin ko na ang lahat. AFTER 4 hrs And 30 mins "Sir, sorry!" balikwas niya sabay paumanhin. "Hey! Bakit? Anong nangyari?" tanong ko. Natawa ako, nakalimutan na niya ang pagtataray niya sa akin. "Your tired that's why, hinayaan na lang kita diyan." Napayuko nalang ang ulo nito. "Anong oras na po ba?" "Its 4:30 pm,"maikli kong sagot. Nanlaki pa ang mata nito saka nagmadaling tumayo saka pinagkukuha ang bag at lumabas. " Tsk tsk tsk. Di man lang nagpaalam. " Napailing nalang ako sa inasta niya. Kinuha ko na ang coat ko ng bumalik siya ulit. This time nginitian ko na siya. "Sir, may invitation po para sa inyo." Abot niya sa akin ang isang invitation letter. Agad ko naman binuksan iyon. Pagkabukas ko ay isang celebration ng DIY Corporation na pagmamay ari ni Sir Rico Gali. Sa 6 pm na ito gaganapin. "After ng off duty ay pupunta na tayo doon," sabi ko. "Huh? Kailangan ba ako doon?" tanong niya. "Its okay at ako naman ang kasama mo saka ihahatid kita," tanging naisambit ko. After a half hour ay tiningnan ko ang wrist watch ko. Nagmadali akong tumayo at inakay si Ms. Dimatibag. Tumalima naman ito. Mabilis kaming naglalakad.Iniisip ko kung aabot pa kami sa shopping para makapagpalit man lang ng susoutin. Pagkarating namin sa parking lot ay napaisip ako. "s**t nanadya talaga ang matanda upang ma-late ako kaya ngayon na lang niya senend ang invitation. Akala niya di ko alam," nasambit ko na lamang. "Bakit Sir? Its a celebration lang naman. Kung di ka komportable edi pass muna tayo,"suhestyon nito. "No we can't, invited ang lahat ng mahahalagang magiging business partner natin," seryuso kong sabi. Di na 'to umimik after kong sabihin yun. Nang sumakay na kami sa sasakyan ko ay tinatantiya ko na ang oras. Kung saan kami mag sho-shop muna ng susoutin namin. Pero sa pagkamalas malas ay super traffic pa. Napalunok si Dimatibag. " Liliko ka ba?" tanong nito. "Yeah. We need to shop first. Di tayo pwedeng magpakita na ganito. Party ang pupuntahan natin," eksplinasyon ko. "But we're running out of time. Deretso mo nalang. Kasalanan din nila kasi late na nila ibinigay ang invitation," sabi niya sa akin. I think she's right so I decided to go straight forward. Bahala na. Sumakto naman ang pagdating namin. Lumabas na ako. Marami na ang dumating sa tinutukoy kong Resort ni Mr. Gali. Pinagbuksan ko ang sekretarya ko. " No, I won't go,"pagtanggi niya. " And why? " " Look at me? Its not suitabile for me na pumasok diyan. Ikaw nalang Sir," sabi niya. So aware pala siya sa kabaduyan ng sout niya. Napangiti ako saka binuhat siya papalabas. Hinawakan ko ang kamay niya saka pumasok. ( IRESH POV ) I didn't expect na gagawin sa akin yun ni Frank. I mean, natameme ako sa pagbuhat niya sa akin. Saka ako inakay sa loob. Seryuso siyang naglakad. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya nang nasa harapan na kami ng pintuan. May bodyguard doon sabay bati sa amin. "Chill ka lang okay?" sabi pa nito sa akin. Ang cool din pala niya. Nang pagkapasok namin ay binati siya nang isang may edad na lalaki na noo'y may mga kausap pa. Nakahawak ng kopita. "Hey Mr. Delfuega, come here," tawag niya rito. Lumapit naman kami. "Mr.Jackson, this is Frank Delfuega, the heir of Renato Delfuega from LUCENAS CORPORATION COMPANY." "And Frank, this is Gab Jackson, one of the successful business man in the US. Why don't you propose the incoming launch of the medicine na pina project mo," patawa tawa pa nitong sabi na tila nang iinsulto. Iyon pala si Mr. Rico Gali. Kausap sina Mr.Jackson at Mr. Uy. " Ohhh hindi ka na rin nagpalit. Hindi ka man lang nagbibigay respeto sa bisita, " segunda ni Mr. Uy sa mga pang-uuyam kay Sir Frank. Tila pinagkakaisahan siya. Yumuko at tumawa ng bahagya si boss. Magsasalita na sana ito kaso naunahan ko na. "Well, kahit ano naman isout niya ay bagay sa kaniya. Wearing a toxedo terno with his black blazer is suitable for him. It's either from work or other occasions. And late na po na received ni Sir ang inyong invitations so we have no time for that. That much respectful if you extract the situation. Masyado naman ho kayong napaghahalataan." Di ko napigilang sumagot. Naiinis ako sa lalaking 'to but he's still my boss. Ganito pala sa business world. Di maiiwasan ang pang-aasar. Nang may lumapit na napakagandang babae. Matangkad at may pagka morena ang kulay. Ngumiti ito saka nagsalita. " Maybe your Boss, but how 'bout you?" tila nanglalait sa boses nito. Napatikhim naman ang mga kalalakihan dahil sa umiinit na tagpo. "Oh Mrs. Samanta Uy, you become more stunning, by the way this is my new secretary, Ms. Iresh Dimatibag," pagpapakilala niya sa akin sa babae. "And Ms. Dimatibag, this is Mrs. Samanta Uy, my previous SECRETARY," diin pa nito sa huling salita na tila may kahulugan na di ko man lang mahulaan. "Nice meeting you, Mrs. Uy, I'm sorry for representing myself na ito ang itsura ko, Napasobra ata dedication namin sa work,"depensa ko. " Hon, don't be too harsh okay? " sabi ng matabang si Mr. Uy sa asawa na may pa akbay akbay pa ito sabay himas sa balikat na halatang nandidiri ang asawang babae. Lihim akong napapangiti. " Mr.Jacson, Mr. Frank is currently doing his best for his new project and I hope mag success na 'to di tulad ng mga napabayaan niya noon," sabi ni Mr. Gali. "I already knew that. Tapos na akong makipag transact sa kaniya so alam ko na yun," sagot ni Mr. Jackson. Napangiti ng sarkastiko si Frank. "Ikaw Mr. Gali, you should focus more on your own business lalo na't balita ko ay paunti unti na itong bumabagsak, by the way, its nice to see you all pero hindi kami magtatagal ng sekretarya ko," sagot ni Frank na tila binara ang bawat, binabatong panghuhusga rito. Hinawakan niya ulit ang kamay ko saka sila tinalikuran. " Good girl, "bulong niya sa akin. Ewan ko ba pero, pagdampi palang ng malamyos niyang hininga sa aking tenga ay iba ang naramdaman ko pero kinailangan kong ignorahin yun. Ayoko ng ganitong feelings. *** Habang sakay na ng sasakyan sila Iresh ay may biglang sasakyan ang humarang sa kanila. Isang di umano'y van na humarang kina Frank at Iresh sa kalsada. Nagsilabasan ang mga armadong lalaki na may malalaking pangangatawan, maitim na damit at lahat ay nakamask ng kulay itim na ang kita lamang ay ang paris na mga mata at bibig nila na parang yung mga nakikita sa telebesyon. Nasa limang katao ang lulan ng naturang sasakyan. Agad tinutukan ng baril ang sasakyan ni Mr. Delfuega na noo'y naka tigil. "f**k who's the hell are they!?" galit na sabi ni Frank na noo'y pasekretong tumatawag sa emergency call. Nang mabuksan ang sasakyan nila Frank ay hinablot ng mga kalalakihan ang dalawa upang mailabas. "Ms. Dimatibag!" Pilit na kumakawala ang binata upang daluhan si Iresh na noo'y kinabakasan na ang mukha nito ng takot. Gaya niya ay nagpupumilit din itong kumawala mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki na bagaman, 'di nakatutok ang baril nito sa kaniya ay, mahigpit naman ang pagkakahawak nila dito. "Sir! Sir!" Naiyak ng tawag ni Iresh sa amo. "Pakawalan niyo siya mga walang hiya!" galit nitong sigaw sa mga lalake. Kahit kinakabahan sa maaring mangyari sa kanila ay pilit pa rin siyang nagpapakapanatag dahil sa babaeng kasama niya. Ayaw niyang kakitaan siya ng kaduwagan. Iniuntog ni Frank ang kaniyang ulo sa isang lalake na nakahawak sa kaniya kaya nabuwal naman ang huli. Mabilis niyang sinuntok ang isa pang nakahawak sa kaniya bago pa ito maka buelo. Nang matumba ang isa ay akma sanang dadaluhan siya nung unang inuntugan niya ng ulo subalit nahablot na niya ang baril na naitapon ng kaniyang sinuntok dahilan upang maitutok sa lalakeng aatake rito subalit, hindi ito gumana. Ibig sabihin, walang bala pala ito. Hindi namalayan ni Frank ang paglapit ng isa sa nakahawak sa kaniya kanina at nasikmuran ito sabay suntok sa kanang pisngi dahilan upang mabuwal siya sa kalsada. Dali daling sumakay ang mga kalalakihan. Bago pa maisarado ang pintuan ng van ay nakita pa niya si Iresh na walang malay. Wala pa itong plate number. Kaya inalala niya ang kulay ng van. "Iresh!" sigaw pa niya saka pilit na tumayo upang sundan ang sasakyan ngunit nakalayo na ito. Kasabay nang paika ika niyang paglalakad patungo sa sasakyan ay ang pagdating ng mga pulis. Tumigil ito sa katapat niya sabay sabing habulin ang van na nakaalis. Pero huli na. Ayaw magpaawat ni Frank dahil nasa panganib ang sekretarya niya at responsibilidad nito ang kaniyang kaligtasan. Pilit nilang kinukumbinsi na dalhin siya sa ospital subalit, iniinsist pa rin nito na hanapin ang sekretarya kaya nagkaroon ng operation. Operation na hanapin ang dalaga. ( IRESH POV ) Naalimpungatan ako dahil sa haplos ng isang kamay sa aking mga pisngi. "Mr. B-baigon?" nauutal kong sabi. "Ms. Dimatibag," sambit nito sabay ngiti na may lungkot sa kaniyang mga mata. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Uuwi na po ako," sabi ko nalang. May narinig akong dalaga na umiiyak sa kabilang kuwarto. Nangunot ang noo ko kaya tumayo ako. Nagtungo ako sa lugar kung saan ko narinig ang boses. Nang madatnan ko ang may siwang na pinto ay sinilip ko iyon. May nakita akong dalaga na umiiyak. Maganda ito at halatang takot na takot. May babae sa tabi nito na nagpapakain sa kaniya. Batang bata pa na halatang, na trauma sa kung ano man ang nangyari sa kaniya. "Yan ang isa sa mga kinuha ko mula sa Bar. Biktima na naman ng mga taong hayok na hayok sa laman. Nanakawin ang ka inosentehan ng walang kalaban laban na biktima," sagot ni Mr. Baigon na di ko namalayan na nasa likuran ko na pala. Napangisi ako ng sarkastiko. " Good for you," ani ko na 'tila nagpapahiwatig na napaka banal naman niya. Umalis na ako sa kinatatayuan ko. "Uuwi na ho ako at wala naman siguro kayong karapatan na pwersahin akong sumama sa inyo." "Hindi kasi kita makakausap ng masinsinan kung hindi ko ito ginawa kung kaya, wala akong pagpipilian kung hindi ang kidnapin ka." "And how about my boss? Nadamay siya at baka siya pa ang mapagbintangan dahil aakalain nila na pinabayaan niya ako." "Ahhhh si Frank. He's okay. Hinahanap ka nila pero di rin naman 'to magtatagal." "Sabihin mo na kung ano ang nais mong sabihin." "It regarding about your father. We're in the verge of a huge problem. Kailangan niya ng magmamana dahil pumanaw na siya. I tried to reach you out but your mom refused to talk to us," malungkot na sabi nito. Nangunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Wala akong maramdaman na lungkot. Nakita ko siya sa picture and based on how nanay told me about my father, nakakagalit. " Ohhhh talaga? Sorry for your loss. Actually, I don't care. He's my father pero sperm lang ang nai-contribute niya sa mama ko. Pagkatapos, iniwan nalang kami ng basta basta!" di ko na napigilan ang sarili ko na makapag taas ng boses. " Ano ba sinabi sayo ng mama mo? " " Wala ka ng pakialam doon kaya paalisin mo na ako dito, " I trailed off. " Ganiyan mo na ba kinamumuhian ang kapatid ko? Ilang beses na niya kayong binalikan kaso, pinagtabuyan siya ng mama mo. He's a mafia leader kaya kinailangan niyang unahin ang mga yun. When he got an opportunity to love someone which is your mother, ay nangarap siyang magkaroon ng normal na pamilya." Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Isa lang ang na inject sa utak ko. At iyon ay ang mga ikinuwento sa akin ni nanay. At iyon din ang paniniwalaan ko. " Let me go home and I don't f*****g care about the heritage of my late father! " galit kong turan. Napabuntong hininga nalang siya. "Listen, your father has no choice. Madadamay kayo sa gulo kung nanatili siya sa inyo. Noong nagbubuntis ang mama mo ay ipinaliwanag niya rito ang sitwasyon ngunit dulot ng pagbubuntis ay mainit ang ulo ng mama mo at sinabi rito na dapat hindi na siya bumalik. Sayang at hindi mo pa siya nakikilala,"wika nito na animo'y nagpapaawa. Hindi ako nagpatinag. " Tapos ka na? Ibalik muna ako, " malamlam kong sabi. " Okay, I'll call the police tapos sila na bahala mag explain kay Frank without knowing na involved ako rito," sabi nalang nito " And by the way, if anytime that you change your mind, don't insist to call me okay? " dugtong pa nito. "I don't need his MONEY!" diin ko sa huling salita upang maibaon sa kukuti niya ang pahiwatig ko. Sa kabilang dako, ay nasa presinto na si Frank. Ipinapaalam ang bawat detalye about sa nagyari kanina. Hindi siya magkandamayaw sa pag aalala kay Iresh. Hindi rin niya maintindihan kasi kung ano ba ang motibo nila sa babae gayung, hindi naman mayaman si Iresh. At mas lalo siyang naguguluhan dahil sa isiping bakit walang bala ang mga baril? Kung susumahin ay, si Iresh lang talaga ang pakay ng mga iyon. Nang walang anu-ano'y nag ring ang kaniyang cellphone. Mula ito sa mga pulis na inutusan niya. "Sir nabawi na namin po si Ms. Dimatibag kaso nakatakas ang mga dumakip sa kaniya," pagsisinungaling ng pulis. Nakahinga ng maluwag si Frank saka pinatay ang telepono. Pagdakay nagtungo na siya sa kaniyang kotse. Nang marating na niya ang lugar na ibinigay ng pulis ay agad niyang nakita si Iresh na takip ng tuwalya. Dali dali siyang bumaba saka niyakap ang babae na noo'y takot na takot. Takot na takot pakunwari upang di mapaghalataan kung ano ba ang katotohanan. "Are you okay? Did they hurt you? May masakit ba sayo," nag aalalang sabi ni Frank. "Oo masakit," sagot ni Iresh na tila nahihirapan. "Anong masakit sayo?" "Masakit yung higpit ng yakap niyo Sir. Di na ko makahinga." Agad agad pinakawalan ng lalaki ang dalaga mula sa pagkakayakap bago napatikhim. Hinablot nalang nito ang kaniyang kamay saka inakay sa sasakyan. "We'll go to the hospital." "okay," maikling sagot ng dalaga na nangingiti pa sa reaksyon ng binata. Di niya inaakala na sa pagiging nakakainis nito ay may malambot din pala itong puso. Dahil sa pag aalala nito sa kaniya kanina bilang isang hamak lang niyang sekretarya ay napatunayan niyang mabait din pala ito. *** FLASH BACK OF IRESH "Nay? Nasaan po ba si Papa? Bakit po pala niya tayo iniwan?" tanong ko mula sa aking ina. "Iniwan na niya tayo dahil mas importante sa kaniya ang trabaho niya kaysa sa sarili niyang pamilya." "Di po ba niya tayo love?" "Hindi dahil kung mahal niya tayo, di sana, bou tayo ngayon." "Baka naman po naghahanap siya ng pera para maging mayaman tayo," inosente kong sabi rito dahil umaasa pa rin ako na may dahilan si papa na maayos at hindi dahil sa hindi niya kami mahal. "Sabi ngang iniwan na niya tayo!" sagot ng aking ina na tinaasan na ako ng boses. Halata sa tono nito ang hinanakit at pait na idinulot sa amin ni Papa. Nanahimik ako. "Kaya naman kitang buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan. Kaya kong maging ama at ina sayo," naiyak na ito habang may inaalala. Napaiyak na rin ako dahil sa murang edad ay alam ko ng lalaki akong walang masisilayang ama. Ngunit, dahil sa tatag ni nanay ay nagpakatatag rin ako. Pinatigas ang puso at walang sinasanto kung nasa tama ako. Ipinagkait sa ina ko ang magandang kinabukasan pagkatapos mabuntis ng aking ama at iwan ito sa ere. Siya pa naman ang mag aahon sa kaniyang mga magulang ngunit nabigo ni mama ang kaniyang mga magulang. Namatay nalang silang naghihirap pa rin. Naging labandera ang akinh ina at kung anu ano pa ang mga pinasok nito. END OF FLASHBACK *** Naputol ang isipin na iyon nang magsalita si Frank. "Here's the water," abot nito sa kaniya. Sa isip ng dalaga ay masyado ng praning ang boss niya simula ng mawala siya. Siguro, takot itong magkaroon ng bad image ulit pag napahamak siya. Pero kita naman sa personalidad nito ang natatagong totoong kabutihan niya. TO BE CONTINUE ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD