" Congrats, Dia." Agad na bati nina Ava nagpa reserve ito sa isang bar para sa kanyang bachelorette party. Tumirik ang mata niya sa dekorasyon ng bar. Malaswa iyon, sana naman hindi nag renta ng lalaki si Ava para sayawan siya. " Akala ko mag uusap lang tayo?" Tanong niya kay Ava. " Oo pag uusapan natin, ano ang gagawin mo sa honeymoon ninyo." Sabi nito na punong puno ng kapilyahan ang mga ngiti. " Ano ka ba Ava, hindi na nagpakita si Aidan after kami ma corner. It's my fault actually, alam ko ayaw pa niya mag asawa. Napasubo siya dahil sa katangahan ko." Nakasimanagot niyang sabi. Hindi niya alam ang nararamdaman ngayon na nakatakda na siyang ipakasal kay Aidan. " Believe me Dia, gusto kang asawahin non.” Sabi nito at sinuotan siya ng oddly shaped na balloon sa ulo. " Gosh, Ava

