" Bakit mo ako hinatak dito?" Tanong ni Aidan, at ginala ang tingin sa loob ng kanyang kwarto. " Nataranta ako, baka anong isipin ni Kuya. Nasa tapat ka ng kwarto ko at ganito ang suot ko." Sabi niya na hindi niya talaga malaman na dahilan sa biglang sasal ng t***k ng kayang puso hindi siya nakapag isip ng matino. Marahil na konsensiya pa din siya sa ginawa nila sa vacation house ng mga ito sa Laguna. Nahila niya si Aidan sa kanyang kwarto na nagkataon na sa tapat niyang kwarto ito nakabangga. " At lalong ano ang iisipin nila na nandito ako?" Tanong nito umupo ito sa sofa sinandal ang ulo at pumikit. " Just wait for a few minutes, tapos pwede ka na umuwi." Hindi ito nagsalita at nakapikit lang ang mga mata. Pumasok siya sa banyo at nag shower. Paglabas niya nakahiga na ito sa sofa

