Sa pangalawang palapag naman ng gusali ay tila hindi naman mapakali ang lalaking si Manager Chi sa nabalitaan niya mula sa mga kapwa niya manager. Apat silang manager na nagma-manage ng mga transactions ng mga martial arts expert na nagiging customern g Feathers Guild. Masasabing ang mga pangyayaring nangyayari ngayon ay tila ba nag-eexcalate na patungo sa mas komplikadong pangyayari. "Hay naku Manager Chi, kung di ka ba naman tatanga-tanga edi sana ay hindi mangyayari ang nasa unang palapag." Sambit ng isang lalaking si Manager Bolin. Mas nakakatanda ito ng ilang taon kay Manager Chi at tila pinapangaralan niya pa ang lalaking si Manager Chi. "Di kasi nag-iingat eh. Alam mo namang napakaimportante ng mga bagay na nangyayari sa loob ng Feathers Guild. Kung di ka naging pabaya ay hindi ma

