Agad naman sanang gagalaw ang kamay ng dalawang nilalang na nasa likuran ni Guild Master Chen Hui ngunit mabilis niya itong sinenyasan. Mabilis namang tumango ang mga ito at mabilis na lumakad paabante na siyang dinaanan pa nila ang magandang babaeng si Lu Lan. Naintindihan nila ang nais iparating ng nasabing Guild Master na si Chen Hui. Imbes na matakot ang magandang babaeng si Lu Lan ay napangiti pa ito ng nakakaloko. "Galit ka pa ba Lan'er?! Hindi mo ba ko mapapatawad?!" Sambit ng lalaking nasa harapan nito na si Chen Hui. "Tinatanong mo pa ba yan?! Alam mong walang kapatawaran ang ginawa mo, alam mo ba yun?!" Galit na sambit ng magandang babaeng si Lu Lan. Makikitang ibang-iba talaga ang ugali nito pagdating sa ama nito Oo, mag-ama sila pero meron sa parte ng puso ni Lu Lan ang na

