"Sa bagay. Siya nga pala, ano naman ang kailangan ng batang lalaking sinasabi mo?! Mukhang urgent ang pinunta mo rito ha?!" Sambit ng lalaking si Manager Chi upang ibahin ang usapan nila. "Oo nga, muntik ko ng makalimutan. Gusto kasi nitong makausap ang Guild Master ng mismong Feathers Guild." Kasuwal na sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang nakatingin na ito sa lalaking si Manager Chi. Tila muntik ng mapatalon sa pagkagimbal ang lalaking si Manager Chi nang marinig niya ang sinabi ng magandang babaeng nasa harapan niya na si Lu Lan. "Nagbibiro ka ba Lu Lan?! Tingin ba ng batang lalaking sinasabi mo ay simpleng tao lamang ang Guild Master?! Minsan lang makipag-usap ang Guild Master ng Branch na ito, may saltik ba sa utak ang batang lalaking sinasabi mo?!" Tila hindi makapaniwala

