Habang nagkakagulo sa ground floor ay siya rin namang mabilis na naglalakad-takbo ang magandang babaeng nagngangalang Lu Lan. Tila ba kahit hinihingal siya ay mabilis siyang nag-isip ng malalim. Maya-maya pa ay narating ng magandang babaeng si Lu Lan ang isang malaking pintuan. Masasabing kakaibang materyales gawa ito. Napakatibay at napakaelegante. Mabilis nitong nakita at pinuntahan ang isang pamilyar na maliit na pintuan na siyang kinaroroonan ng taong pupuntahan niya. "Manager Chi..." Tila hapo-hapong sambit ng babaeng si Lu Lan habang nasa harap siya ng isang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Halos magkaedaran lamang sila ng lalaking si Manager Chi yun nga lang ay magkaiba ang kanilang posisyon na ang agwat ng langit at lupa. "O naparito ka Lu Lan?! Oras ng trabaho niyo ngayon

