Pinili na lamang umalis ng lalaking si Manager Chi sina Guild Master Branch na si Chen Hui at ang batang lalaking si Li Xiaolong. Alam naman niyang hindi maaaring saktan ng medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch na si Chen Hui ang batang ito dahil sila rin ang malilintikan. Na-stress out lamang siya rito at parang wala rin siyang ambag sa sitwasyong ito. Mistulang malaking aso at maliit na aso ang dalawang nilalang na ito, walang gustong magpatinag. Napansin niya ring wala ang presensya ng magandang babaeng si Lu Lan na kani-kanina lamang ay nandito ngunit ngayon ay hindi na niya mahagilap ito. "Mukhang sinalisihan ako ng babaeng si Lu Lan. Kailangan ko siyang mahanap dahil pakiramdam ko ay gagawa ito ng kalokohan rito." Sambit ng lalaking si Manager Chi habang nasa labas na

