Maya-maya pa ay lumitaw ang may edad na lalaking ito sa isang eskinita kung saan ay walang katao-taong dumaraan dito. Mabilis siyang naglakad-lakad. Bawat huni sa paligid sa lugar na ito ay mabilis niyang naririnig kahit ang huni ng mga insekto sa paligid kagaya ng lumilipad na bubuyog ay rinig na rinig niya. Sinuyod nito ang daang patungo sa kinaroroonan ng branch ng Feathers Guild kung saan ay maraming mga nagtutumpukang mga tao rito. Mabilis niyang narinig at pinakinggang maigi ang mga usapin ng mga nakikiusyuso sa labas ng nasabing establishimento ng Feathers Guild. "Alam niyo ba na isang musmos na bata ang lumitaw ang pumasok sa loob ng Feathers Guild?!" "Nahuli ka na ata sa balita, ito nga ang dahilan kung bakit kami naririto ngayon." "Hahaha nakakaalarma naman talaga ito. Kaila

