"Ginoong Guō Chao, Hindi ko aakalaing makikita ko kayo ng personal rito. Akala ko ay isa kayong guest elder ng Shangyang Academy." Magalang na sambit ng batnag lalaking si Li Xiaolong. Makikita ang labis na pagrespeto niya rito lalo na't isa itong tunay na malakas na eksperto. Tila labis namang nagulat ang matandang lalaking nakasuot ng puting roba na si Guō Chao habang nakalihis ang kaniyang tingin ngayon sa batang lalaking nasa kabilang direksyon ng lalaking si Guild Master Branch Chen Hui. "Huh? Kilala mo ako?! Paano mo nalaman ang Shangyang Academy? Taga-Wind Fury Kingdom ka ba?!" Tila gulat na gulat na sambit ng matandang lalaking si Guō Chao habang nakatingin ito sa batang lalaking hindi pa niya tukoy ang pagkakakilanlan nito. Base sa pagkakasabi ng batang lalaking nasa harapan n

