"Hahaha... Wag kasi puro yabang at salita lang, dapat gawin mo. Nakalimutan kong ipaalala sa'yo, mukhang unti-unti ka ng nakakalimutan ng mga tao rito. Isang nilalang na katulad mo na unti-unting nagde-decline ay mukhang mapapaalis na sa Jade Auction House hahahaha!" Paninindak ng matandang lalaking si Master Jing habang makikitaan ng kasiyahan ang pagmumukha nito. Siya din kasi ang dahilan kung bakit unti-unting bumababa ang nalilikom na salapi ni Master Liwei nang hindi nito nalalaman ngunit alam niyang may alam na ito nitong nakaraang araw. Konting panahon na lamang at mawawala rin ito sa lugar na ito. "Ano'ng ibig mong sabihin Jing? Mukhang may binabalak kang masama laban sa akin!" Seryosong sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. Makikitang hindi pa rin nababawasan ang inis ni

