Pagkatapos nito ay mabilis siyang lumakad papaalis ng lugar na ito na tila nakaramdam siya na tila na-hotseat siya at hindi stable ang lagay ng pag-iisip nito. Nagpupuyos man sa inis at galit na nararamdaman ang matandang lalaking si Master Jing ay hindi na niya nagawa pang makabato pa ng masasamng salita laban kay Master Liwei. Kahit na inis na inis siya sa matandang hukluban na kasama ni Master Liwei ay wala siyang paanhon upang pag-aksayahan ito ng oras. Mas magandang atakehin na lamang ang mortal na Kaaway niya rito. Isa pa ay hindi siya maaaring mangialam pa sa oras na ito lalo pa't may punto rin ito dahil ilang minuto lamang ay mag-uumpisa na ang nasabing gagawing pagsususbasta na pangungunahan ng mortal niyang kaaway na si Master Liwei. Isa pa sa ikinakatakot at ikinaalarma niya a

