Pagkaraan ng sampung taon...
"Musta, anak! Halika nga dito," tawag ni Landellane sa walong taong gulang na anak.
Lumipas na ang mga taon at wala namang naging problema sa pagsasama nila ni Armaddios.
Sa mga taong nagdaan, namuhay sila ng simple at tahimik.
Sa pangalawang taon nila ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Biniyayaan sila ng isang anak na lalaki at pinangalanan nila itong Mustaryos.
"Ano po iyon, ma?"
Niyakap niya ang anak at ngumiti. Niyakap naman siya nito pabalik.
"Bakit po? May problema po ba?" tanong nito sa kanya.
"Wala naman, gusto lang kitang yakapin," ngumiti siya.
"Pa!"
Bumitiw ang kanyang anak sa kanilang pagyayakapan nang dumating si Armaddios.
Nagmano ito sa ama.
"Armaddios," tawag niya sa kasintahan habang naglalakad palapit dito.
Bawat hakbang ay kay bilis ng t***k ng kanyang puso. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para dito. Ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya.
Nang ilang hakbang na lang ang distansya nilang dalawa ay napatigil si Landellane dahil sa kanyang nakita.
Napansin naman ito ni Armaddios kaya humakbang ito palapit sa kanya at niyakap siya.
Si Virginia at Lucia ang naroon. Ang ina nilang dalawa.
"Armaddios, b-bakit? Bakit sila narito?"
Tiningnan siya ni Armaddios nang may lungkot at pag-aalala sa mga mata.
"Nakita nila ako"
Napapikit si Landellane sa sinabi nito.
"Ma," tawag ni Landellane sa inang si Lucia.
Humakbang ang dalawang ginang palapit.
"Anak, halika na, umuwi na tayo, ilang taon namin kayong hinanap at ngayon nga'y nagtagumpay kami kaya hindi na namin pa palalampasin ang pagkakataong ito"
Biglang naluha si Landellane sa narinig.
Kumapit siya kay Armaddios nang mahigpit. Ganoon rin ang lalaki sa kanya.
Humakbang si Lucia at hinawakan si Landellane sa kamay, pilit hinihila palayo sa kanyang kasintahan.
"Ano pong ginagawa niyo? Bakit niyo po hinihila si mama?"
Napatigil si Lucia at tiningnan si Musta.
"Armaddios! Diyos Ko! Sabihin mo sa aking mali ang iniisip ko" nandidiring sabi ni Virginia.
Sa labis na pag-uumapaw ng damdamin ni Lucia ay nasampal niya si Landellane.
Napahawak ang huli sa kanyang sariling pisngi.
Nanginginig na mga kamay ay naluha si Lucia.
"Anak niyo ba ito?!"
Hindi na napigilan pa ni Landellane ang paghikbi. Niyakap siya ng mahigpit ni Armaddios.
"Opo," sagot niya sa ginang.
"Diyos ko! Ano ba itong ginawa niyo?"
"Nagmamahalan po kami ni Landellane at siya ang naging bunga nito"
Napapikit nang mariin si Virginia. Napatakip naman sa mukha si Lucia.
Bumuntong hininga si Armaddios.
"Sigurado ho ba talaga kayong magkamag-anak kayo?"
Nanlilisik ang mga matang dumilat si Virginia at tiningnan ang anak.
"Anong tingin mo sa amin? Sinungaling? Uto-uto?"
"Hindi naman po sa ganoon ma, ang sa akin lang ay—"
"Hindi eh, ang tingin mo ay nagsisinungaling kami, at iyon ang gagamitin mo para wala nang maging hadlang sa bawal na relasyon ninyo!"
"Tama na po," nakakunot ang noong sabi ni Musta ngunit hindi ito pinansin ng mga ginang.
"Armaddios, sana naman ngayon ay maaari ko nang kunin ang aking anak mula sa iyo, pupwede ring maging ang aking apo"
Tumingin si Armaddios kay Lucia.
"Mawalang galang na ho pero hindi ako makakapayag sa gusto ninyo"
"Bakit hindi?!"
"Wala naman po kaming ginagawang masama, nagmamahalan lang po kami"
"Nagmamahalan? Hah! Magkadugo kayo, mahirap bang intindihin iyon?"
"Hindi po"
Hindi alam ni Lucia kung ano ang gagawin, ganoon rin si Virginia.
Si Landellane naman ay patuloy lamang sa pagpapakawala ng hikbing puno ng lungkot at takot habang yakap-yakap ang anak na humihikbi na rin.
Lungkot dahil sa na kitang reaksyon ng ina sa relasyon nila ng kasintahan at takot sa posibilidad na magkahiwalay sila nito.
"Maaari na go kayong umalis. Kung maaari ay huwag na po kayong bumalik. Ayaw po na in ng gulo, gusto lang namin ng simple at tahimik na buhay, tulad noong nagdaang labinlimang taon," sabi ni Armaddios habang hinahaplos haplos ang likod ng kanyang kasintahang si Landellane.
"Ang kapal din talaga ng mukha mong sabih—"
"Sige, aalis kami ngunit hindi namin ipapangakong hindi kami babalik," sabi ni Lucia at hinila na si Virginiang pilit sinusugod ang anak.
Nang mawala ang dalawang ginang sa kanilang paningin ay niyakap niya ang kanyang mag-ina nang buong higpit.
"Pa, kukunin niya ba si mama? Ayoko! Hindi po ako papayag. Huwag kang pumayag sa gusto niya papa," nagagalit at naiiyak na sabi ng kanilang anak.
Umiling si Armaddios, "hindi ko hahayaang mangyari iyon. Huwag kang mag-alala anak," pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay tumingin siya kay Landellane na ngayo'y nakatingin na rin sa kanya.
Binigyan niya ito ng ngiting puno ng pagmamahal at pinatakan ng isang halik sa noo.
"Magiging maayos din ang lahat, Mahal Ko"