Kabanata 18

920 Words
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang sagutan sa pagitan nina Armaddios at ng dalawang ginang. Mula noon ay pansin ni Armaddios ang paminsan minsang pag-iwas ni Landellane sa kanya kaya naisipan niyang kausapin ito ngunit palagi lamang itong nagdadahilan. Kinuha niya ang lumang gitara at naglakad papunta sa tapat ng kwarto nilang magkasintahan. Kagagaling niya lamang sa trabaho at agad niyang isingawa ang planong pagharana kay Landellane. Sinimulan niyang patugtugin ang instrumentong hawak at sinabayan ito ng pag-awit ng mga lirikong nais niyang ipahiwatig at ipabatid sa kasintahan. Napangiti siya nang marinig ang mahinang pagkalabog sa loob ng kwarto. Nag-aakalang natataranta ang kanyang hinaharana. ~ Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo~ "Landellane," pagtawag niyasa kasintahan. Kumunot ang kanyang noo nang walang sumagot. Pinihit niya ang sedura at binuksan ang pinto. Nailaglag niya ang gitara sa nakita. Walang Landellane ang nandoon, wala ring Mustaryos. Malalaking hakbang na tinungo niya ang aparador at binuksan ito. Nanghina siya nang walang ni isang damit ang nakalagay sa loob. Hinalungkat niya ang lahat ng lalagyan ng mga damit ngunit wala siyang nakita. Napapikit siya at nanlumo. "Nasaan ang mag-ina ko?" naitanong niya sa sarili. Lumabas siya ng kwarto at tiningnan ang buong sulok ng bahay ngunit wala talaga ang mag-ina niya. Napakuyom siya at nagpasyang puntahan ang kanyang inang si Virginia. Nang makababa sa sinasakyang dyip ay mabilis niyang sinugod ang ina. "Ma! Nasaan ang mag-ina ko? Ilabas mo sila!" Nagulat ang kanyang ina sa kanyang Big lang pagdating. "Wala akong alam sa sinasabi mo," sagot nito nang makabawi sa pagkabigla. "Anong wala? Eh kayo lang naman ang tutol sa relasyon na in!" "Maniwala ka anak, wala akong alam. Sa susunod na araw pa naming binabalak na bumalik sa inyo" Kumunot ang noo ni Armaddios sa narinig. May balak pala talagang bumalik ang Dalawang ginang. "Kung ganoon eh nasaan ang mag-ina ko? Hindi iyon basta-basta umaalis nang hindi nagpapaalam. Isa pa, wala ang lahat ng damit nila!" "Hindi ko alam anak pero subukan mong tanungin si Lucia, baka may alam siya" Tila wala lamang sa ginang ang galit at pagsigaw ng kanyang anak sa kanya. Umalis kaagad si Armaddios nang marinig ang suhestyon ng ina. Nang makarating sa lugar nina Lucia ay mabilis niya ring sinugod ito. "Nasaan po si Landellane at ang anak ko? Ilabas niyo naman po sila, alam kong tutol kayo sa relasyon namin pero sana naman po huwag niyo silang kunin nang basta-basta." Kumunot ang noo ng ginang sa narinig. "Bakit mo sila hinahanap sa akin? Hindi ba't ikaw ang kasama nila sa bahay? Anong nangyari kung ganoon?" Kalmado lamang ang ginang. Malayong malayo kay Armaddios na halos matae na sa pag-aalala. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Nasaan na ba sila? "Pabayaan mo na muna si Landellane iho," sabi nito na dumagdag sa kanyang galit. "Pabayaan? Sa tingin niyo ho ba ganoon lang kadali iyon? Sabihin niyo na lang sa akin kung nasaan sila nang makatulong naman kayo kahit minsan! Puro na lang problema ang dala niyo sa amin!" Nagulat ang ginang sa kanyang tinuran. Maging siya ay nagulat din mga salitang lumabas sa kanyang bibig. "Nasa bahay sila ni Fortunato," sabi nito at binigay sa kanya ang isang maliit na papel. Tinanggap niya ang papel. Dinaan niya na lamang sa bunting hininga ang selos at galit na nararamdaman. Sa lahat ng lugar, bakit doon pa sa lalaking iyon? "Iyan ang eksaktong adres. Kung sa tingin mo'y problema lamang ang dulot namin ni Virginia, nagkakamali ka, bilang ina ay gusto lang naming mapabuti kayo at maging masaya." Nakonsensiya siya sa kanyang mga sinabi ngunit wala na siyang oras para humingi pa ng tawad. Agad siyang umalis at pinuntahan ang bahay ni Fortunato. Nang tumapat sa may pintuan ng bahay ni Fortunato ay malakas niya itong kinatok. Ilang sandali lang ay bumukas ito at tumambad sa kanya ang mukha ng lalaki. Nang makita niya ito ay pinigilan niya ang sariling suntukin ito. Nagulat ang lalaki nang makita siya. "Ato, sino iyan?" dinig niyang tanong ni Landellane. Hindi naman nakagalaw ang lalaki at hindi rin sumagot. Narinig niya ang yabag ni Landellane patungo sa may pintuan. Nang makita siya'y ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito. "Armaddios," bulong nitong narinig niya. Hindi siya umimik at tinitigan lamang ang kasintahan. "Maiwan ko na muna kayo," sabi ng lalaki ngunit hindi nila ito pinansin. Nanatili lamang silang nakatitig sa isa't isa. "Papa!" Naputol ang kanilang titigan nang marinig ang boses ng kanilang anak. Niyakap ito ni Armaddios at nginitian na para bang walang nangyari. Hindi niya muna pinansin ang ina ng kanyang anak dahil sa tampong nararamdaman. "Pa, bakit ang tagal niyo naman pong sumunod?" "Pasensiya ka na anak, may ginawa lang kasi ako kaya natagalan," hakbang sinasabi niya iyon ay nakatingin siya sa kasintahan. Nakita niya itong napalunok. Binalingan niya ang anak. "Gusto mo na bang umuwi?" "Opo, ayaw ko rito. Wala ka eh, hindi ko gusto si Tiyo Fortunato" Tumawa siya sa sinabi ng anak. Nanlaki naman ang mata ni Landellane sa narinig. Tumingin sa kanya si Armaddios. "Uuwi na kami, gusto mong sumama?" May kung anong dumukot sa kanyang puso at dinurog ito. Bakit ganoon ang tanong ni Armaddios? Galit ba ito? Sa nanunuyong lalamunan ay sumagot siya, "o-oo naman" "Mabuti kung ganoon dahil marami tayong pag-uusapan" "Anak, pumasok ka na muna sa kwarto at ihanda ang mga gamit niyo," utos niya sa anak. Ilang beses namang napalunok si Landellane dahil sa kabang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD