Adios
Ginagamit kapag nagpapaalam pero naisip kong gamitin sa unang pagkikita pa lamang.
Siguro para umiwas. Siguro para maiba naman. Siguro ayaw ko lang ang magpaalam. Pakiramdam ko kasi katapusan na at baka hindi na mauulit pa.
Sabi nila ako daw iyong tipong walang pakialam sa paligid, iyong parang wala lang. Nakakatawa, paglalarawan na nga lang, mali pa.
Nga pala, hindi rin daw ako namamansin. Biruin mo iyon, ako pa talaga. Baliw din ang nagsabi nun eh, pero kung iisipin kong mabuti, nakakaaliw.
Landellane
Nandiyan na siya. Ang babaeng kulot na ubod ng kulit at sungit.
Nasabihan pa ako ng mga masasakit na salita.
Ibang klaseng babae.
Margarita
Isa pa ito.
Sunod nang sunod. Nakakairita ang boses.
Fortunato
Ang lalaking pilit sumisiksik.
Pilit humahadlang.
Wala naman siyang kasalanan ngunit init ng ulo ang kanyang dala sa akin.