Kabanata 1

1219 Words
Caballero Unang pagkikita pa lamang ay nasabihan na ako ng bastos, paano pa kaya sa mga susunod, pero hindi na iyon nakapagtataka. Huminto ako sa tapat ng isang karinderya. "Maganda," pabulong kong sabi. Ang babaeng kumakain sa isang sulok, nag-iisa. Pinili kong magpatuloy sa paglalakad. Inilapag ko ang isang supot na naglalaman ng mga gulay sa mesa. "Ma, sabi ni aleng bebe naubusan daw sila ng carrots" sabi ko. "Ah ganoon ba, sige anak maligo ka na muna at magluluto na ako"aniya. Dumeretso ako sa kwarto at kumuha ng damit. Hindi na ako nagulat nang walang lumabas ni isang patak ng tubig mula sa gripo. Isang dismayadong buntong hininga ang pinakawalan ko at nagtungo sa likod ng aming bahay. Hinila ko ang lubid sa balon at nilagyan ng tubig ang aking dalang balde hanggang sa napuno ito. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagsimulang maligo. Pangatlong buhos ng tubig mula sa tabo ay may dumating. Tiningnan kong mabuti ang kanyang mukha at naalala ko ang babaeng nagtanong sa aking pangalan. Habang nagsasabon ay napangisi ako ng patago. Pawisan ang mukha ngunit maganda pa rin. Naiinis na naupo siya sa may batuhan. Isang huling buhos at natapos ako sa aking pagligo. Pinunasan ko ang aking katawan gamit ang tuwalyang dala at napatingin sa kanya. Mabilis niyang iniwas ang tingin at umirap. Hindi ko mapigilang itaas ang kanang kilay. Ibang klaseng babae. Lumapit uli ako sa balon at hinila ang lubid. Pinuno ko ng tubig ang aking balde at nilagyan ko na rin pati ang kanyang dalang balde. Binuhat ko ito at inilapag sa harapan niya. "Ito na po kamahalan, pagsawaan niyo ang tubig nang maging presko ang inyong pakiramdam," sabi ko. Pansin kong namumula ang kanyang bilugang pisngi, napangiti ako nang wala sa oras. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad patungo sa aming palikuran upang ilagay ang baldeng puno ng tubig. Alas diyes ng umaga Habang nanonood ng palabas sa telebisyon, naamoy ko ang mabangong aroma ng vanilla. Mukhang malapit nang matapos si mama sa pagluluto ng keyk sa hurno. "Ano ba iyan Landellane! Mag-ingat naman kayo sa paglalaro! Lumayo nga kayo dito! Ang ingay-ingay niyo pa!" napakunot ang aking noo nang marinig ang boses ng aking nakatatandang kapatid na si Purita. "Pasensiya na po ate Purita, hindi na po mauulit," napalingon ako nang makarinig pa ng isang boses. Mahinahon at may kaunting takot. Tumayo ako at pinuntahan ang ingay. "Ate, anong nangyayari dito? Bakit ka sumisigaw?" tanong ko. Nilapitan ko ang nakatatandang kapatid at tiningnan ang kanyang kaharap. "Ang babaeng iyan kasi, tatanga tanga! Laro nang laro, natamaan tuloy iyong tanim kong rosas, ayun sira na!" napapikit ako sa lakas ng kanyang boses. "Hindi ko naman po sinasadya," dumilat ako at nakita kong napayuko ang babae. Tinagilid ko ang aking ulo at napangisi. Pangatlong tagpo na namin ito. "Anong hindi?! Kanina ko pa kayo pinagmamasdan! Patingin tingin ka pa dito sa bahay namin! Sinadya mo talaga iyon!" inis na sabi ni ate habang nagtataas baba ang kanyang nga balikat. Namilog ang medyo singkit na mga mata ng babae. "Ate, huminahon ka. Puntahan mo na lang muna si mama, natitiyak kong tapos na siya sa pagluluto. Ako nang bahala dito, sige na," kalmadong sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga ako nang umalis si ate, ngunit may paiwang irap pa siya para sa babae. Maldita talaga ang isang iyon. Humarap ako sa kanya. Pinigilan ko ang aking sarili sa pagngiti nang makitang nakalugay ang kanyang kulot na buhok. "Pasensiya ka na kay ate, ganoon lang talaga iyon pagdating sa kanyang nga halamang bulaklak," sabi ko habang tumitingin sa kanyang mga mata. Tumingin ako sa mga bulaklak. Maayos at maganda ngunit isang rosas ang nakakuha ng aking atensyon. Ito siguro ang sinasabi ni ate. Maingat kong binunot ang kulay pulang rosas. Laglag ang tatlong talulot ngunit maganda pa rin. Inabot ko ito sa kanya. Hindi ko mawari ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Tila ba naiinis na kinikilig o naiinis na nagugulat. Iba kasi ang nakalarawan sa kanyang mukha, parang natatae ngunit pula ang pisngi. Maganda pa rin naman kahit na ganoon, tulad lamang ng rosas. "Bakit mo ibinigay sa akin ito?" tanong niya. Nagkibit balikat ako, "Sa iyo na iyan, hindi rin naman gugustuhin ni ate na makitang may sira sa kanyang nga bulaklak," sabi ko na lamang. Akmang tatalikod na ako nang, "Paano na iyong pasong walang laman? Lalo lang magagalit ang ate mo kapag nakita niya iyan," aniya. "Kung ganoon ay papalitan ko na lang," iyon lang at pumasok na ako sa bahay. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot kahit na gustuhin ko man. Mabilis kong isinara ang pinto. Sumilip ako sa maliit na butas sa gilid ng pinto at nakaramdam ng panghihinayang nang hindi ko na siya nakita. Aalisin ko na sana ang mga mata sa butas nang, "anong ginagawa mo?" napatalon ako sa biglaang tanong niya at pinilit ang sariling huwag magmura dahil sa gulat. Nahuli niya ako. "May tinitingnan lang," sabi ko. "Sino? Ako?" tanong niyang may ngiti sa mapulang labi. Gusto kong umamin at sabihing oo, pero, "hindi, si Barbara." Lumingon siya, "ah, gusto mo ba siya?" tumingin ako sa kanyang mga mata at ngumiti na lamang. Ngumuso siya at naglakad palayo. "Hindi" bulong ko at pumunta sa kusina. Alas onse ng umaga Natawa ako sa ginawang dahilan. Kawawang Barbara, patawad insan. Nahiga ako sa kama, katabi ang aking alagang aso na si Bravo. Purong kayumanggi ang kanyang kulay, mabalahibo, matikas ang tindig at may kalakihan. Nakakatuwa talaga ang babaeng iyon. "Arf! Arf!" Napatingin ako sa aking aso, "sshhh," napatuon ang tingin ko sa may bintana. "A-ah hehe, hello!" sabi niya at sinabayan ng pagkaway. Kumunot ang aking noo sa nakita. Ano na naman kaya ang ginagawa ng babaeng ito? Pasilip silip ka pa ah. "Arf! Arf! Arf!" "Patahimikin mo naman iyang aso mo," sabi niya. Inuutusan ba ako nito? "Tatahimik lang iyan kapag umalis ka na," sabi ko at kinuha ang libro na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama. "Ganoon? Kahit kailan ka talaga!" pasigaw niyang sabi. "Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Naninilip?" "Hoy! Anong naninilip?Kinukuha ko lang iyong tsinelas ng kapatid ko. Feeling mo ah!" daming sinasabi nito. Pakuha kuha pa ng tsinelas para lang masilip ako. Pinigilan ko ang matawa sa aking iniisip. "Ngayong nakuha mo na, umalis ka na," tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga!" Pinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring tulog. Narinig ko ang nga yapak ng paa, siguro umalis na siya. Dumilat ako. Wala na akong nakitang tao sa gilid ng aking mga mata. Bwisit. "Huli ka!" nilingon ko siya, pinapagalaw niya ang kanyang makapal na kilay--pataas at pababa. Bakit niya nakita iyong pagtingin ko sa gilid ng aking mga mata? May mata ba siya tulad ng isang lawin? Ibang klase talaga! "Umalis ka na! Alis!" pagtataboy ko sa kaniya. Nahuli na naman niya ako. Hanggang kailan ba ako mapapahiya sa babaeng ito? Buwisit talaga, palpak! "Adios!" Nagpapaalam ba siya? Hindi ko mapigilang mapakunot noo. Muli akong tumingin sa kanyang direksyon ngunit wala akong nakitang tao. Tila ang mga halaman na lamang ni ate ang nandoon. Napabuntong hininga ako, nagpapaalam nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD