Chapter 91 "Gino...Gino-" "Huy! Lia. Gising!" nagising siya ng alugin siya ni Jane. Umaga na pala. "Mukhang masama pa talaga siguro ang pakiramdam mo, nagdedeliryo ka na yata, panay ang tawag mo kay Gino?" naiiling na komento nito sabay salat sa noo niya. "S-Si Gino?" hirap na tanong niya dahil masama pa rin talaga ang pakiramdam niya. "Gino ka diyan! Di ba nasa America?" kunot noong sagot nito. "H-Hindi ba siya dumating? Kagabi nandito siya, katabi ko pa nga siyang natulog." protesta niya. Medyo natawa ito. "Nanaginip ka lang. Walang Gino! Francis meron, nandoon sa CR, kadarating lang niya. Magkasabay sila ni Terrence nasa labas lang boyfie ko may kinukuha lang sa labas." "Kaya ikaw tama na muna 'yang Gino mo. Nakakahiya kay Bananaboy baka isipin ng tao ayaw mo sa kanya." paalala

