Chapter 90 "Wow naman! Another subsob day of this generation!" nagitla si Gino sa kapatid na si Carlo nang bigla na lang itong lumitaw sa harapan ng mesa niya sa private office ng bahay. Hindi pa rin siya nito nakumbinsing umuwi ng Pilipinas. Mas nangibabaw kasi ang hiya niya kay Lia kaya desidido siyang ibigay kung ano ang gusto nito kaysa sa pansariling kagustuhan niyang makita ito. "Isa pang beses na gulatin mo ako, ikaw ang isusubsob ko rito sa mga ginagawa ko." inis na sabi niya saka binalingan ang e-mail na binabasa niya. "So ganyan na lang talaga ang peg mo araw-araw? Masungit, aburido, haggard, magpakatandang binata ka na lang kaya?" daldal pa rin nito at umupo pa sa sofa habang bitbit ang tablet nito. Halos araw-araw siyang kinukulit nito. "Kung wala kang sasabihing matino, l

