Chapter 102 Bumuntong hininga si Gino bago balikan ang nakaraan at ang mga pinagdaanan kung bakit kailangan nitong umalis. "I-I was a leukemia survivor…" panimula ng binata. Namilog ang mga mata niya sa gulat. "Kaya nga minsan nakita mo akong nakamask dahil bawal na bawal sa’kin ang alikabok. I was eight years old nang madiagnosed na may Leukemia ako. Kinailangan naming pumuntang America para maipagamot ako kaagad, dahil may pag-asa pa na gumaling ako." pagpapatuloy ng binata. "Ayokong umalis noon Lia kasi gusto ko kasama kita, pero hindi pwede. Ang sabi ng parents ko kung gusto ko raw na magkasama tayo ulit kailangang magpagaling ako. I underwent grueling rounds of chemo and almost died from the treatment." dagdag pa nito. "G-Gino." tumulo na ang luhang tawag niya sa nobyo. Pinunasa

