Chapter 101 "T-Teka saglit lang, masakit!" awat ni Lia kay Gino. "Sshhh baby ‘wag malikot, dinadahan-dahan ko nga, eh." malambing na sagot nito. "Dahan-dahan pero mahapdi pa rin?" reklamo niya. "Saglit na lang 'to, o ayan ayos na." ngiti nito matapos lapatan ng betadine ang sugat niya sa tuhod na tumama sa katawan ng puno, kakahabulan nila kanina doon sa village nila. Nasa bahay siya ng binata. Sa kwarto nito. Dineretso siya nito doon gamit ang kotse nito matapos nilang isoli sa pinsan niya ang bike at skateboard. Kinidnap siya ng mokong para daw wala siyang takas at masolo siya nito. Kaya lang kidnap nga bang matatawag kung willing victim naman siya, dahil kusa siyang sumama sa binata. Namamangha pa rin talaga siya kapag nakikita niya ang mga pictures niya na nasa silid nito lalo na

