Chapter 1

3153 Words
" Nana alis na po ako" sabi ni Sam sa abuela. " Dala mo ba lahat ng kailangan mo apo?" tanong ng matanda " Opo Nana, saka uuwe naman po ako every other week para bisitahin kayo ni Papu dito sa bahay." dagdag pa niya habang nilalagay ang charger ng cellphone niya sa bag. Magsisimula na kasi ang duty niya sa bilang assistant librarian sa isang malaking unibersidad sa kabilang bayan. Pagkatapos ng dalawang buwan ay papasok na siya sa kolehiyo. May naipon na siya pang bayad sa tatlong semester niya sa kolehiyo ngunit kulang pa iyon. Naisip niyang mag part time bilang assisstant librarian ngayong summer para dagdagan ang naipon niya. Malayo ang bago niyang trabaho kaya kailangan niyang makipanuluyan sa bahay nina Aria, ang matalik din niyang kaibigan nung highschool. Mapapagastos kasi siya sa pamasahe kung uwian siya sa kanilang bahay. Mabuti na lang at mabait ang Nanay ni Aria at pumayag ito na makitira siya doon sa loob ng dalawang buwan. " Magpakabait ka dun ha, saka tumukong ka din sa gawaing bahay." paalala ng Lola Caring niya. " Oo naman po, wag po kayong mag-alala. Kayo ni Papu dito baka mag away kayo lagi ha pag wala ako." sabi naman niya " Ay kasi yang Nana mo, makulit din." sabad ng abuelo niya mula sa kusina " Anong ako? Ikaw ang matigas ang ulo, Constancio." simula ng litanya ng lola niya Lumaki siya sa piling ng dalawang matanda. Maagang namatay ang kaniyang mga magulang, ang Nanay niya sa panganganak sa kaniya at ang Tatay niya sa sakit sa atay. Mahirap lumaki ng walang magulang pero laking pasasalamat niya at ginabayan siya at inalagaan ng kanyang lolo at lola. Nagmemekaniko ang abuelo niya at tumatanggap naman ng labada ang lola niya. Maliit na kita lamang iyon subalit hindi nagkulang ang dalawa sa pagbibigay ng pangangailangan niya. Alam niyang hindi siya kayang pag-aralin ng mga ito sa kolehiyo kaya nag kusa siyang mag working student nung highschool siya at nag ipon. " Ayan na naman,hindi pa ako nakaka alis away na naman." singit niya sa dalawang matanda. "Eh kasi tong Nana mo eh."sagot ng lolo niya " Oh siya,siya, ikaw lumakad na at baka maiwan ka ng bus." pagksabi nito ay inabutan siya ng pamasahe. " Ano yan Na?" tanong niya ng makitang inaabutan siya ng pera. " Pamasahe mo yan saka pang gastos mo na rin dun." sabad ng lolo niya " Dinagdagan ko na yan. Mabuti na yan sayo habang wala ka pang sahod. Tanggapin mo na para hindi mabawasan ang baon mong pera." Napailing na tinanggap niya ang salapi.l sabay sabing " Salamat po Papu, Nana" Niyakap niya ang mga ito "Buti na lang andito kayo lagi,hindi ko alam kung ano gagawin ko kung wala kayo" dagdag pa niya " Ay sus nagdrama pa, alis na!" sabi ng abuela " Cge po ingat kayo. Lab you po" at umalis na siya. Pagkatapos ng isa at kalahating oras ay narating niya ang kabilang bayan. Sinalubong siya ng kaibigan niyang si Aria sa estasyon ng bus. " Bakla! Andito ako!" tawag sa kaniya ni Aria. " Oi, salamat sa pagsundo ha." sabi pa niya sabay yakap dito. " Sus ikaw pa, malakas ka sakin eh. Tara na sa bahay, nag aantay na si Mama dun." Ang Mama nalang ni Aria ang kasama nito sa bahay. Namatay na kasi ang Papa niya sa aksidente. Mabait si Aria at kalog din ito kaya lagi silang nagkakasundo. Kaya laking pasasalamat niya ng pumayag ang Mama nito na sa kanila muna siya tumira habang nag tatrabaho. Pagdating nila sa bahay ni Aria, agad silang sinalubong ng Mama nito. " Ayus lang ba ang biyahe Sam?" salubong nito " Ayus naman po Tita, salamat po ulit ha at pumayag po kayo na dito muna ako." sagot naman niya " Sus, wala yun. para naman ma inspire tong si Aria na magtrabaho rin hindi puro cellphone inaatupag." pabirong sabi nito " Luhhh si Mama, parinig." naka irap na sagot ni Aria. " Kelan simula mo sa trabaho Samuel Luna?" tanong sa kaniya ni Aria Napairap siya ng banggitin nito ang buong pangalan niya. Samuel Luna ang buo niyang pangalan, galing sa pangalan ng Tatay niya na Samuel at dinugtungan ng Luna dahil sobrang bilog daw ng tiyan ng Nanay niya nung pinagbubuntis siya nito na para daw buwan sa bilog. Luna ang tawag sa kaniya ng mga abuelo at abuela niya , Sam naman sa mga kaibigan niya. " Bukas po Maria Aria" ganti niya dito. " O sha,sha, ayusin mo na gamit mo sa kwarto ni Aria tapos labas kayo para makapag snacks ha." sabat ng Mama ni Aria. Pumasok na sila sa kwarto ni Aria at tinulungan siya nito mag ayos ng gamit habang nag kukwentuhan. Kinahabihan maaga silang nagpahinga at natulog para hindi siya ma late sa unang araw niya sa trabaho. Hinatid siya ni Aria sa sakayan ng tricycle. Nagpasalamat siya dito at umalis na papuntang trabaho. Walang kinse minutos ay narating niya ang Unibersidad. Tinanong siya ng guard kung siya papunta. Sinabihan niya ito na siya ang bagong assistant librarian. Itinuro ng guard kung saan ang library Pagpasok niya sa loob ng campus, namangha siya sa laki at lawak nito. Binabagtas niya ang daan papuntang library. Madali lang mahanap ito dahil ito ang malaking building sa harap ng school. ' Panigurado mahal ang tuition dito. Maganda siguro mag-aral dito' sabi niya sa sarili. Pagpasok niya sa library ang unang bumungad sa kaniya ay isang maaliwalas na silid. Sa left side ng silid ay nakahilera ang mga mesa kung saan pwedeng magbasa ang mga estudyante, sa kabilang panig naman ang mga matataas na bookshelf na kinalalagyan ng samut saring mga libro. Lumapit siya sa reception table kung saan nakaupo ang isang middle age na babae. " Excuse me po Ma'am,good morning po. Ako po si Samuel Luna Montejo. Hinahanap ko po si Miss Belmonte. " magalang na saad niya. " Good morning din, ikaw pala yung bago kong assistant ngayong summer?Ako si Miss Belmonte." Nakangiting sagot nito. " Ay opo, pwede nyo po akong tawaging Sam." sagot niya Tumayo ito sa pagkakaupo at sinimulan na siyang i orient sa kaniyang mga gagawin sa library. Simple lang naman ang gagawin niya. Maglilista at mag iinventory lang siya ng mga librong hinihiram sa library. Mag aayos din siya ng mga libro sa shelf at mag aasisst sa mga estudyante sa pag hahanap ng libro. Ang sabi ni Miss Belmonte dalawa silang assisstant niya kaya hindi masyadong mabigat ang trabaho sa library. Punuan ang library pag Lunes at Myerkules kaya dapat hindi sila magliban sa trabaho pag ganung araw. Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Miss Belmonte ng may matanaw siyang lalaki na sa kung saan ay bigla nlng sumulpot. Naglalakad ito papunta sa kinaroroonan nila. Ang pinagtataka niya bakit parang nag slow motion ang kilos nito. Nakasuot ito ng puting T-shirt na tinernohan ng maong na pantalon. Matangkad ito at maputi ang balat. Dumako ang tingin niya sa mukha nito. Napasinghap siya sa kagwapuhan nito. Medyo bilugin ang mukha pero hindi naman siya mataba, makinis din ang balat sa pisngi nito at may matangos na ilong. Nakatinginan siya pero parang gusto niyang magsisi kung bakit tiningnan niya ito sa mata. Maganda ang mata nito pero parang kinikilabutan siya sa titig nito. Hindi niya alam kung nakanganga ba siya or ano malapit na sa kinarooonan nila ang lalaki. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit biglang lumakas ang t***k ng puso niya.. ' Wait lang nemen, bat may pa slow mo effect yung lakad? Sandali bat ba ako kinakabahan?' sa isip niya " Miss Belmonte yung mga libro po sa Accounting medyo naayos ko na po,babalikan ko yun mamaya i uupdate ko lang po ang borrowers card nung ibang libro." ana ng lalaki pagkalapit sa kanila. " Oh sige Ethan ikaw na ang bahala jan. Siyanga pala si Sam. Sam siya si Ethan siya yung sinasabi ko sayo na kasama mo dito sa pag aassisstant." pakilala ni Miss Belmonte. " Ethan." sabi ng lalaki sabay abot sa kamay nito. " S-sam." she cleared her throat dahil medyo nautal siya. inabot din niya ang kamay nito. ' Naks ang lambot ng kamay..Nahiya mga kalyo ko tehhh!' sabi niya sa isip. " Oh siya sige, Sam dun ka sa Literature sa may ikalawang isle. I arrange mo maigi tas i review mo na rin yung mga borrowers card. Kung may tanong ka, hanapin mo lang ako or si Ethan,ok?" sabi ni Miss Belmonte " Sige po." sagot naman niya sabay tango. Sabay na silang naglakad ni Ethan sa loob ng library. Wala silang imikan. " First day mo?" biglang tanong nito "Oo, hindi nmn strikta si Miss no?" pag uusisa niya " Hindi naman, di tulad ng ibang librarian. Wag ka lang pala absent para hindi ka mapagalitan." sabi pa nito " Hindi talaga ako aabsent sayang din ang sahod." sagot pa niya ' saka andito ka pa sayang din vitamins sa mata' dugtong ng hitad niyang pag iisip " Basta pag may tanong ka hanapin mo lng ako. Akong bahala sayo." sabi pa nito sabay kindat ' Naku babaero din to eh. Wag ganern baka patulan kita.' sa isip niya pero tawa lang ang isinagot niya dito. Nagsimula na siyang magtrabaho. Inenspection muna niya ang kada linya sa self pagkatapos ay sinimulang i arrange ang mga libro. Tiningnan niya din kung updated ba ang borrowers card sa kada libro. Isang linggo na siya sa trabaho at nagamay na niya ang routine sa library. Hindi na rin siya awkward kay Ethan at nagkapalagayan sila ng loob. Kengkoy din ito at palabiro. Nung una tuwing lunch break lumalabas ito at bumibili ng pagkain sa labas habang siya ay nagbabaon at kumakain lang sa mga lunch counters sa loob ng school. Kalaunan bumibili nalang ai Ethan ng ulam or pagkain sa labas at sumasabay sa kaniya sa tanghalian. Hindi niya namalayan ang oras at nalibang na pala siya sa pag aayos sa mga libro. Tumigil lamang siya ng maramdaman niyang parang may tao sa likod niya. Paglingon niya ay si Ethan pala. " Hindi ka pa gutom?" tanong nito " Ha? Bakit anong oras na ba?" tanong din niya " Lunch break na. Nakabalik na nga si Miss Belmonte galing sa lunch niya." sagot naman nito " Ganun ba, sige, kain muna ako. Ikaw nag lunch ka na?" tanong niya " Hindi pa, pwedeng sumabay?"sabi nito ' Naks nemen gusto na naman ng lunch date.. Aba marunong din tong si gwaping.' sa isip niya " Sige ba. Kumakain ka ba ng tuyo?" biro niya. " Oo naman." Habang nag-uusap ay sabay na silang naglakad papunta sa pintuan. Nagpa alam muna sila kay Miss Belmonte na mag tatanghalian. Hindi na sila lumabas ng campus, maraming mga small cottages at lunch counters ang school kaya dun nila napiling kumain. Kinuha niya ang dala niyang baon. Nagluto ng adobo ang Mama ni Aria kaninang umaga at ipinagbalot siya para sa kaniyang baon sa tanghalian. " Oh akala ko tuyo ulam mo?" Tanong pa nito " Wag kang choosy, adobo yan luto ng Tita ko." sagot niya " Saka binibiro lang kita. Ikaw may baon ka?" " Share na lang tayonsa adobo mo kapagod na lumabas." rason nito " Talaga lang ha, oh baka gusto mo dalhan kita ng kanin bukas?" pang uuyam niya Tumawa lang ito at nagsimula ng kumain. Halos mapigil niya ang hininga ng tumawa ito. ' Shyeeeet talaga naman Montelebano wag ganyan baka ikaw maulam ko.' anang pilyang isip niya Kwentuhan sila habang kumakain. Nakapag share na ito na tumigil ito sa pag-aaral dahil naglayas ito sa kanila. Hindi na rin siya nag usisa sa dahilan kung bakit. Dapat nasa second year college na dapat ito. Nasabi na rin niya ang talambuhay niya dito. Bilib ito sa sipag at tiyaga niya sa pag papart time. " Anong kukunin mo sa pasukan?" tanong nito kapagdaka " Bachelor in Science and Hospitality Management." sagot niya " Yun lang kasi kaya ng budget ko." dugtong pa niya " Ayus na rin yun, ang importante may natapos at makahanap ng trabaho." sabi naman nito " Ikaw, wala kang balak mag-aral ulit?" tanong niya " Baka ngayong taon. Nakakita ako ng inspirasyon eh." sabay titig sa kaniya Kinabahan siya bigla sa titig ni Ethan. Ngayon lang niya nakita ng malapitan ang mga mata nito. Mahahaba ang pilik mata nito at kulay brown ang mga mata nito. Ilang segundo din silang nagkatitigan bago siya nag iwas ng tingin. " Naks naman, hanep sa inspiration ah." biro niya " Sino?" " Ikaw." diretsahang sagot nito Umurong ata dila niya at hindi agad siya nakapag react sa sagot nito. tiningnan lang niya ito sa mukha at pabirong itinuro ang sarili. " Ako?" " Oo,ikaw. Masipag ka kasi saka..." bitin pa nito Lalo siyang kinabahan..' Saka ano?Ano MONTELEBANO!' " Saka?" sabi niya? " Saka, nahihiya na ako kay Mang Gener," dugtong nito Bat parang na disappoint siya sa dugtong? Nagtangotango na lng siya bilang pagsang ayon. Si Mang Gener ang family driver nila Ethan. Nung maglayas ang binata kina Mang Gener ito tumuloy. Natatawa na lang siya pag naisip niya na naglayas nga si Ethan pero dun naman nakipanuluyan sa kakilala ng mga magulang nito. Anong klaseng paglalayas yun? Natapos na sila mag lunch at bumalik na sa library. Araw ng Biyernes at nagpa alam siya kay Miss Belmonte na mag ooff duty ng maaga dahil uuwi siya sa kanila. Pumayag naman ito dahil hindi naman masyadong busy ang library pag Biyernes ng hapon. " Uwi ka?" tanong ni Ethan. habang binabalik nila ang ibang libro sa shelf. " Oo, miss kona si Nana saka si Papu eh." sagot niya " Ahhh." mahinang sagot nito Tiningnan niya ito, parang malungkot ito. " Bakit ganyan hitsura mo?" tanong niya " Wala, yayain sana kita gala bukas sa may seawall. Eh sabi mo uwe ka man." sagot nito tapos pilit na ngumiti. Natigilan siya sa sinabi nito ' Ano yun date?' sa isip niya ' Bat may pa andar na pa seawall?' " Next time na lang" sabi nalang niya pero bakit parang kinilig siya sa pa seawall ni Ethan? " Hatid na lang kita mamaya sa sakayan ng bus." bawi nito Akmang tatanggi siya ng magsalita ulit ito " Traffic mamaya, baka wala ka abutan na bus sa terminal. Wag ka nang tumanggi. I insist". " Okay" sabi niya saka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa laban ' Luhhh, may pahatid2 pang nalalaman ang gwapito...Hmmmmm anong ibig sabihin nito?' sa isip isip niya habang palihim na tumatawa at kinikilig. Sabay na silang nag out ni Ethan. Pagkalabas ng library naglakad sila papunta sa parking lot. Nagtaka siya ng hindi makita ang motor nito. Nagmomotor kasi ito papuntang library. Instead may nakaparadang itim na sasakyan. " San motor mo?" tanong niya " Pina ayus ko muna, saka baka kako takot ka sa motor magsakay kaya pindala ko muna ang kotse dito." sagot naman nito. " Sayo to?Taraaayy BMW!" biro niya dito Natatawa namang napakamot sa ulo ang binata. " Bigay yan ni Mommy.Sakay na." Pinagbuksan pa siya nito ng pinto. Lihim naman siyang kinilig. ' Luhhh, oh may pahatid hatid na si gwaping..pero chill lang hindi ikaw unang sinakay dito sa chekot niya panigurado.' anang kontrabida niyang utak. Sumakay na rin ito sa drivers side. Pina andar na nito ang sasakyan at nag biyahe na sila. Sinabihan niya ito na dumaan muna sa bahay nina Aria dahil kukunin niya ang pasalubong para sa mga abuelo at abuela niya. Habang nasa daan nag kwento ito tungkol sa buhay nito. May- ari ng isang travel agency at fast food chain franchise ang mommy nito. Ito ang mga negosyong napundar ng mommy ni Ethan habang mag asawa sa daddy nito. Mayaman na dati ang family ng mommy nito pero itinaklwil ng lolo niya ang mommy niya dahil sa pagpapakasal sa daddy ni Ethan na kalaunan ay hiniwalayan din. Nakwento na rin ni Ethan sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang nito, nambababae pala ang daddy nito at nilulustay ang perang kinikita ng kumpanya ng mommy niya. Naka abang si Aria sa may gate nila ng dumating sila. Kilala na ni Aria si Ethan dahil kinuwento na niya dito lahat ng nangyayari sa library. " Bakla, gwapo naman pala talaga kaya I understand you na kung bakit inlove ka jan." bulong ni Aria sa kaniya ng makalapit siya. " Tumigil ka nga marinig ka jan." saway niya " Hi, ako nga pala si Aria,bestfriend niya." sabi pa nito ng nakangiti sabay abot ng kamay Tinanggap naman ni Ethan ang pakikipagkamay ng dalaga " Ethan," " Oo,kilala kita.Kilalang kilala kita, sa sobrang kilala kita feeling ko close na close na tayo." sambit pa nito Kinurot niya ito sa tagiliran para tumigil. Kung ano-ano kasi ang sinasabi nito. Nagtataka man hindi na nagtanong pa si Ethan at ngumiti na lang. Kinuha na niya ang mga dadalhin niya at nagpa alam sa kaibigan. " Bess, siguruhin mo lng na sa inyo ka uuwe ha. Baka sa ibang bahay ka mapunta." biro pa nitong sabi sa kaniya " Lokaloka, alis na kami." Nagpa alam na sila ni Ethan at hinatid na siya nito sa estasyon ng bus. Hinatid siya nito sa itaas ng bus at tinulungan siyang ayusin ang mga dala niya. " Ok ka na ba jan?" tanong pa nito " Oo ayus na ako, salamat ha.Baka matraffic ka pauwe." pagtataboy pa niya " Hindi yan saka malapit lang naman kina Mang Gener dito." alibi nito Natahimik silang dalawa. Dumaan ang awkward moment. ' May dumaan bang santo bat biglang natahimik?' sabi niya sa isip. Mayamaya nagsalita ito "Sam baka umuwe na ako sa amin. Namimiss ko na si Mommy." Medyo nalungkot siya sa sinabi nito pero masaya siya sa desisyon nito " Buti naman naisipan mo yan. Sana maisipan mo rin mag aral ulit." sagot niya " Oo papasok ako ngayong taon. Mag pa part time ka pa ba next summer?" tanong nito " Oo naman,kailangan ko nga mag ipon di ba?" sagot naman niya " Sa library ka pa rin mag part time ha para may kasama ako. Balik ako dito next summer eh." sabi nito sabay ngiti " Oo ba, basta ba ikaw na man libre sunod ng tanghalian, lagi ako ang nagdadala ng baon eh." biro niya Napakamot lang ito sa batok sabay ngiti " Kahit araw araw pa libre kita." " Naku mamumulubi ka." Tatawatawang sabi niya Tumawa naman ito " Sige mukhang aalis na ang bus. Bababa na ako. Ingat ka text text na lang." sabi nito Nagtaka siya dahil hindi naman niya binigay ang cellphone number niya. " San mo nakuha number ko?" tanong niya " Kay Miss Belmonte nanghinge ako. Sige Sam Ingat. Bye." at dalidali itong bumaba ng bus. ' Aba, marunong si gwaping..textext daw.' sabi niya sa isip na tawang tawa sa kilig...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD