PROLOGUE
" Christopher Ethan! Kanina pa kita tinatawagan,bat di ka sumasagot?" bungad niya sa kabilang linya.
" Ah,eh Ma'am, bartender po ako dito sa bar kung nasaan si Sir. Sobrang lasing na po kasi kaya sinagot ko na lang po ang tawag niyo. Kanina pa po kasi ring ng ring ang cellphone niya." sagot ng lalaki sa kabilang linya
Nagulat at naguluhan siya sa sinabi nito. Una, hindi agad nalalasing si Ethan, pangalawa gaano kalaki ang problema nito at biglang naisipan na uminom. Pangatlo, sino ang dahilan?
Tinanong niya ang kausap kung saan at ano ang pangalan ng bar. Agad naman niyang tinawagan si Mang Gener, ang family driver nina Ethan upang magpatulong na sunduin ang binata.
Kasalukuyan siyang nag aabang ng jeep na masasakyan pauwe. Kakatapos lang ng shift niya sa hotel na pinag o-OJThan. Malapit na rin kasi niyang makuha ang required number of hours na kinakailangan sa OJT niya. Paminsan-minsan nag o-overtime din siya para madali niyang makuha ang number of hours ng sa ganun ay may sapat siyang panahon para i comply ang iba pa niyang requirements sa eskwela. Christmas break, pero di tulad ng ibang estudyante na nag eenjoy sa bakasyon, kailangan niyang kumita ng pera pandagdag sa naipon niya para sa tuition sa huling semester sa kolehiyo.
Hindi na bago sa kaniya ang pag pa part-time. Nasa high school pa lamang siya ay nagmasukan siyang working student sa kaniyang mga guro para makapag ipon ng pang tuition sa kolehiyo. Ang kinikita niya sa pag woworking student at ang baon niya araw araw sa school ay binabawasan niya para maidagdag sa ipon niya.
Lumaki siya sa piling ng lolo' lola. Maagang naulia sa mga magulang si Sam. Namatay sa panganganak sa kaniya ang kaniyang Nanay at ang Tatay ay namatay sa sakit sa atay nung mag limang taong gulang na siya. Nung bata pa siya nag memekaniko nag lolo niya at tumatanggap naman ng labada ang lola niya.Ang kita ng dalawang matanda ay sapat lamang sa pang araw araw nila na gastusin at baon niya sa eskwela. Kaya sa murang edad, natuto siyang magbanat ng buto at wag umasa sa mga matanda.
Pagkagraduate niya ng highschool sapat ang naipon niya pera pambayad sa tatlong semester niya sa kolehiyo.
Mag kolehiyo na siya nung maisipan niyang pumasok bilang assistant librarian sa isang malaking unibersidad sa kabilang bayan. At doon nga nakilala niya si Ethan. The great Christopher Ethan Montelebano.
Inamin niya sa sarili na unang kita pa lamang niya kay Ethan ay nag ka crush na siya dito. Sino ba naman ang hindi, Matangkad, gwapo, matalino, magaling manamit, makinis at jusko day killer smile. Pero ang labis na nakapagpahanga sa kaniya ay ang mga mata nito. Ang mga mata nitong kulay brown, mahahabang pilik mata at kung tititigan ka ay parang binabasa ang iyong kaluluwa. Kaya kahit gustong gusto niyang titigan ang mga mata nito, iniiwasan nalang niya dahil baka mabuking pa siya na may gusto dito.
Busina ng jeep ang nakapagbalik sa kaniya sa kasalukuyan. Ilang minuto lang at nakarating na siya sa bar. Agad niyang natanaw si Manong Gener. Sabay silang pumasok sa loob. Medyo marami rami na rin ang tao dahil mag aalas otso na ng gabi at week end pa. Nakita nila si Ethan sa bar counter. Nakayukong natutulog sa itaas ng bar. Nilapitan nila ito.
" Ethan, gising, uwi na tayo." sabi niya sabay tapik sa balikat nito.
Ungol lang ang sinagot ng binata.
" Dalhin na lang natin sa sasakyan Sam." saad ni Mang Gener.
Tumango siya, nagpasalamat sa waiter at nagbayad sa ininom na alak ni Ethan.
Habang akay- akay nila palabas ng bar si Ethan bigla itong ngasalita
" Sam?" tanong nito
" Oh? Gising ka na?" tanong niya
" Did you know my dad called me? Tsk!" kwento nito, " Bakit pa? Ok na ako, ok na si Mommy! Bat bigla siyang tatawag tawag at makikipag kita? That' bullsh*t right?" litanya nito.
Nagkatinginan sila ni Manong Gener. Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Ethan. Nasa high school ang huli ng mag divorce ang dalawa. Akala ni Ethan simpleng away sa pera at bisyo sa sugal ang dahilan ng hiwalayan ng magulang. Kalaunan, nalaman ni Ethan na nambababae pala ang daddy niya at nilulustay nito ang perang kinikita ng kumpanya ng mommy niya sa mga babae nito. Naglayas si Ethan sa kanila at tumigil ng isang taon sa pag-aaral. At doon nga nagkita sila sa pag pa part time sa library. Kina Mang Gener nakituluyan si Ethan habang nag papart time at kalaunan ay napakiusapan ng matanda ang huli na bumalik sa pag-aaral at umuwi sa bahay ng mommy niya.
Walang imik si Mang Gener habang nagmamaneho ng sasakyan. Panay ang sulyap nito sa kanila ni Ethan sa back seat. Si Ethan ay nakatulog sa balikat niya.
" Buti ikaw ang kaibigan ni Ethan, Sam. Hindi ko lubos maisip kung napariwara yang si Ethan noon dahil sa hiwalayan ng magulang niya. Masyado siyang nasaktan sa nangyari." sambit nito.
" Hindi ko po pwedeng balewalain si Ethan, Manong. Malaki din po ang naitulong niya sa akin saka sa lolo't lola ko po." sagot niya. " Saka kahit gaano na po katagal na nangyari yung sa mga magulang niya, masakit pa din po sa kaniya yun." dagdag pa niya.
Naka abot na sila sa condo unit ni Ethan. Pinagtulungan nila ni Mang Gener ang pagpasok sa loob ng kwarto ni Ethan. Dahil tulog pa rin ito, nahirapan sila sa pag buhat dito.
Nang maiayos nila si Ethan sa kama, nagpa alam si Mang Gener na aalis at bibilhin ang iniutos ng Mommy ni Ethan. Babalikan lang siya nito pagkatapos bumili at ihahatid siya pauwe.
" Tatawagan kita Sam pag nasa baba na ako. Dun na lang kita antayin sa parking lot." dagdag pa nito
" Sige po, aayusin ko po muna si Ethan." sagot naman niya.
Pagka alis Mang Gener, kumuha siya ng palanggana at nilagyan ng tubig. Kumuha din siya ng bimpo at sinimulang punasan si Ethan.
Mahimbing ang tulog nito, pinunasan niya ang mukha nito. Sa mga panahong ganito niya malayang napagmamasdan ang mukha ng binata. Mula sa makakapal na kilay nito,papunta sa mga matang nakapikit. Ang matangos na ilong nito na pinipingot niya pag namimilosopo at ang rosy cheeks nito.
' Jusko, talo ata ako sa skin care nito, sobrang kinis eh' natatawa niyang sabi sa isip.
Dumako ang tingin niya sa bahagyang nakangangang labi nito. Napalunok siya ng matitigan ng maigi ang labi nitong mamulamula.
' Sandali, bat biglang nanuyo lalamunan ko? Luhhhh jusko day baka magkasala ako nito mahalikan ko to!' sa isip niya sabay iwas ng tingin.
'Pero teka wait,' muli niyang binalikan ng tingin ang mga labi nito ' ano kayang feeling ng mahalikan?' curious niyang tanong.
Dakila siyang NBSB. Maganda naman siya, may katangkaran din at may mga nagtangkang manligaw pero lahat sila hindi niya inentertain dahil kay Ethan. Masakit man, umasa siya noon na liligawan siya ni Ethan pero hindi yun nangyari. Masyado din siyang busy sa pag pa part time kaya naubos ang oras niya sa pag tatrabaho.
' Halikan ko kaya? Smack lang..' napakagat labi niyang isip. ' Tulog naman siguro tong mokong na to.' pilya niyang isip.
Akmang ilalapit na niya ang mukha sa mukha nito ng gumalw ito at bumalikwas ng bangon.
" Ay camote!" nagulat na sabi niya.
Tumatakbong papunta ng banyo si Ethan para sumuka.
Sobra ang kabog sa dibdib ni Sam. Hindi niya alam kung sa biglaan bang pag bangon ni Ethan o sa naisipan niyang kapilyahan kanina. Huminga muna siya ng malalim at kinalma ang sarili bago sinundan ito sa banyo.
" Yan, inom pa more!" kutya niya. Patuloy pa rin sa pagsuka si Ethan. Nakasalapak ito ng upo sa gilid ng inidoro.
Kumuha siya ng baso na may tubig at nilagayan ito ng konting mouthwash saka inabot sa binata.
" Oh mag mumog ka. Iluwa mo ha wag mo inumin may mouthwash yan." sabi pa niya.
Inabot lang nito ang baso saka nagmumog. Nag flush na rin ito ng suka.
Hinawakan niya ito sa kamay saka hinila patayo nung makita niyang matutulog ito katabi ng inidoro.
" Tumayo ka na jan, para makapag palit ka na ng damit". sabi pa niya.
Hindi ito kumibo. Mukhang tulog na. ibinuhos niya ang buo niyang lakas at hinila ito patayo,tiyempo naman pag hila niya dito bigla itong tumayo. Ang resulta muntik na siyang matumba buti na lang at hawak niya ang kamay ni Ethan. Matutumba sana siya buti na lang at nasalo siya ng pader sa likod niya. Naipit siya sa pagitan ng pader at ng katawan ni Ethan.
" Ethan, umayos ka nga ang bigat mo,hoi!" reklamo niya
Bigla siyang kinabahan sa posisyon nila. Masyadong magkalapit ang mga katawan nila. Nakasubsob si Ethan sa balikat niya pag tumingala ito end game na! Tiyak matutuloy ang kiss na binalak niya kanina.
Mas tumindi ang kaba niya ng tumingala si Ethan. Their eyes met. Parang mabibingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Those brown eyes, staring directly at her eyes as well. Biglang bumaba ang tingin ni Ethan sa labi niya, lumunok ito at tumingin ulit sa mata niya.
' Sheeeyyt, patay na, ito na ba yun?' saad ng bruha niyang isip.
Walang anu-anoy siniil siya ng maalab na halik ni Ethan. Natigagal pa siya at hindi nakagalaw. This is her first kiss! Ilang segundo pa, she found herself slowly responding to his kisses. Biglang nag init ang katawan niya. Ramdam niya din na umiinit din ang katawan ni Ethan. He pressed her harder on the wall while kissing her.
Habang naghahalikan, naging malikot na din ang kamay ng binata, dahandahan siya nitong tinutulak pabalik sa kwarto mula sa banyo. Mas lumalim ang halik ng ibinuka niya ang bibig niya at binigyang laya ang dila nito na mag explore sa loob ng bibig niya.
' Jusko lord, katapusan na ba ng bataan?' naglalaro sa isip niya.
Hindi niya namalayan nakakubabaw na pala si Ethan sa kaniya, ang kamay nito sa leeg niya nakahawak ay kung saan saan na napupunta. Napaigtad siya ng mapadako ang kamay nito sa umbok sa dibdib niya.
" Sh*t, I've dreamed about this, love." paos na sabi nito in between kissess.
Napaungol siya sa sensasyong hatid ng mga kamay ni Ethan, nararamdaman din niya na parang may tumutusok sa may puson niya.
' Jusko day, gising na yung sawa!' tili ng isip niya. ' Katapusan na talaga ng bataan!'
Ethan started kissing her neck. Nakikiliti siya sa maliliit na halik na dinadampi nito sa leeg niya. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-iinit ng biglang tumigil ito at naramdaman niyang bumigat ito sa ibabaw niya. Sunod niyang narinig ang paghilik nito.
Hindi alam ni Sam kung tatawa, tatakbo, iiyak o mahihiya sa nangyari. Dahan dahan niyang tinulak si Ethan para makawala siya sa pagkakadagan nito. Agad siyang bumangon at tumakbong palabas ng kwarto nito. Sakto naman pag ring ng cellphone niya. Si Mang Gener iyon at sinabihan siyang bumaba na.
Nakalutang ang isip na naglalakad siya papunta sa sasakyan kung saan naghihintay si Mang Gener.
" Ayus ka lng Sam? Bat parang namumutla ka?" tanong nito
Tulala pa rin siya sa nangyari. Marami ang tumatakbo sa isip niya.
" Sam!" tawag pa nito
" Ha? Ho?M-may sinabi po ba kayo?" kandautal niyang tanong.
" Ang sabi ko ok ka lang ba? Namumulta ka jan"
" Ok lang po ako. Nakulangan lang po sa hangin Manong. Ang bigat kasi ni Ethan. Oo mabigat si Ethan. Tama." pagsisinungaling niya.
Tumango lng ito kahit diskumpyado sa sagot niya. Hinatid na siya nito sa bahay nila.
Hindi siya nakatulog ng gabing iyon.
' Jusko lord muntik nang may mangyari..Gaga ka talaga Sam..Buti na lang talaga lasing yun...' kastigo niya sa sarili.
' Pero sandali lang tehhhh. Bat ang sarraaap'. kinikilig naman sabi ng isang panig ng isip niya.
' Teka lang sandali, pano na bukas? Sasabihin ko ba na hinalikan niya ako?' tanong ng praning na utak niya
' Ae bahala na si batman.' Bahala na talaga si batman. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Ethan bukas dahil sa nagyari sa kanila.....