Sabi nga nila mas mahirap umamin at magpakatotoo sa mga taong sobrang lapit na sa iyo. Ngayon problema ni Ethan kung papaano niya sasabihin sa bestfriend niya na inlove siya dito. He doesn't want to be the "bestfriend" forever lalo na nakikita niya na marami na ang umaaligid kay Sam.
Hindi alam ni Sam kung hanggang saan ang paghihintay niya. Matagal na silang magkaibigan ni Ethan at mukhang hanggang doon lang talaga ang tingin sa kanya ng binata. Pwede na siyang mag artista sa galing niyang umarte na hindi nagseselos sa mga babaeng naging nobya nito.
Sa larong taguan ng feelings, sino sa dalawa ang unang titklop at aamin?