KENDRIC “Ken, ano bang ginagawa mo? Hindi ka ba masaya na nakalaya na tayo? Bakit hindi mo na lamang kasi tangapin na wala na si Nara?” Ibinagsak ko ang baso ng whisky sa ibabaw ng mesa. Isang linggo na ang nakaraan nang mangyari ang lahat. Kinuha nila si Nara sa akin at ipinakulong ako ng kanyang ama. Akala ko mabubulok na ako sa bilanguan pero ilang oras lang ang lumipas pinalaya din nila ako. At ibinalik nila ako sa kambal. Simula sa araw na yun ay hindi ko na nakita si Nara. Ang mas masakit, palagi na lamang siyang hinahanap ng kambal. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang lahat. “Arthur, masama ba akong tao? Bakit ganun? Bakit lahat na lamang ng minamahal ko nawawala sa akin? Una ang mga magulang ko tapos si Gael, ngayon naman si Nara. Alam kong darating ang araw na

