NARA “Anak? Gising ka na ba? May bisita ka.” Bumangon ako sa kama at pinagbuksan si Mommy ng pinto. “Bisita? Sino po?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong oras na dahil ngayon lang ako nagising. Pero sa tingin ko maaga pa para tumangap ng bisita. “Sumingit si daddy kay Mommy. Yung manliligaw mong may lahi atang intsik kay aga-aga!” Litanya ni daddy na lalong ikinakunot nang noo ko. “Si Val anak.” Wika ni Mommy. “Ha? Andito na naman siya? Sige po pasabi na lang po magbibihis lang ako.” Sinara ko ang pinto at nagtungo ako sa banyo. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Nanlalalim na naman ang mga mata ko dahil hindi na naman ako pinatulog ng pagngungulila ko sa kambal. Pakiramdam ko inilayo nila sa akin ang mga anak ko. Ilang araw na ang n

