Sa Ibang Dako

782 Words
Kabanata 2 Magkaibang Lungsod Tag-init, 2027 — 11 Taon ang Nakalipas Dalawa silang nakatira sa magkaibang lungsod. Magkaibang buhay. At wala silang kahit kaunting ideya na nag-eexist ang isa't isa. --- 5:00 A.M. Mahimbing pa ring natutulog ang walong taong gulang na si Rhone. Mahigpit niyang yakap ang mama niya habang mahina ang paghilik. Samantala... Gising na ang pitong taong gulang na si Scalia katabi ang best friend niyang si Amber. "Hoy, gising na," sabay sundot niya rito. "Mag-toothbrush ka muna. Ang baho ng hininga mo." "Ugh... ten more minutes..." ungol ni Amber habang tinatakpan ang ulo ng kumot. Napailing na lang si Scalia bago dumiretso sa banyo para maligo. --- 5:40 A.M. Si Rhone? Oo... Tulog pa rin. Napangiti si Scalia habang inilalapag ng mama ni Amber ang almusal sa mesa. "Aww... thank you, Auntie." "Amber!" sigaw ng mama niya. "Gumising ka na! Tapos na si Scalia. Male-late na kayo." "Okaaay..." Tahimik na nagsalo-salo ang tatlo sa almusal. --- 5:55 A.M. Si Rhone? Humihilik pa rin. "Bye, Auntie!" masayang kumaway si Scalia. "Huwag po kayong mag-alala, ako na maghuhugas ng plato pag-uwi." "Bye, Mom..." hikab ni Amber habang kinukusot ang mga mata. Napatingin si Scalia. "Sandali... hindi ka pa naliligo?" "So what?" kibit-balikat ni Amber. Sabay silang nagtawanan habang naglalakad papunta sa eskwelahan. --- 8:40 A.M. Wala na si Rhone sa kama. Oo. Nasa sofa na siya... At doon naman natutulog. Sa paaralan... "Scalia! Crush ka raw ni Sam!" sigaw ng isa niyang kaklase. "Hahahaha!" "Nandidiri ako." Umirap si Scalia. "Sabihin mo muna sa kanya maligo." --- 12:30 P.M. Sa wakas... Nagising na rin si Rhone. "Maaa! Basa pa rin medyas ko!" "So what?" sagot ng pinsan niyang si Irish. "Wala si Auntie." Napangisi si Rhone. "Edi hindi na lang ako papasok." "Hehehe." "Hoy, gago! Bumalik ka rito!" Kaagad siyang hinabol ni Irish. "HEHEHE! BYE!" Tawa nang tawa si Rhone habang tumatakbo papunta sa pinakamalapit na computer shop. --- Samantala... Nakauwi na sina Scalia at Amber. Habang si Amber ay agad lumabas para maglaro... Si Scalia naman ay nagsimulang maglinis ng bahay. "Okay na, Auntie." "Tapos na po." "Lalabas muna ako. Bye!" Tumakbo siya palabas. Napabuntong-hininga ang mama ni Amber. "Aww..." "Kawawa naman ang batang 'to." Habang nililinis niya ang school bag ni Scalia, may napansin siya. Isang medalya. Marahan niya itong hinawakan. "...My goodness." --- 12:55 P.M. Abalang-abala si Rhone sa paglalaro. "RUN!" "HAHAHA!" "Ang bano mo, Rhone!" Punong-puno ng sigawan at tawanan ang computer shop. Samantala... Sa ibang lungsod. Pumasok si Scalia sa computer shop na madalas niyang puntahan. "Hi, Auntie!" Ngumiti si Maria. "Oh, look who's here." "Our little bully." "Hehe." Napatawa si Scalia bago tumingin sa paligid. Napako ang tingin niya sa isang monitor. "Whoa..." "GTA: San Andreas ba 'yan?" Lumapit siya. "Hoy." "Gusto mo lagyan kita ng cheats?" Ngumiti siya nang pilya. --- 3:00 P.M. "HAHAHA!" "YOU SUCK, RHONE!" "You lose again!" Napatingin si Rhone sa keyboard habang nanginginig ang mga kamay. "...Dang." "Tapos na oras ko." Samantala... Yung batang kalaro ni Scalia... Umiiyak na. "HAHAHAHA!" "Ang sakit ng tiyan ko!" Tinuro nito ang screen. "Bakit mo binigyan ng six stars?!" Wasted. "Isusumbong kita kay Mama!" Halos hindi na makahinga sa kakatawa si Scalia. "Sige." "Wala akong pake." --- Lungsod ni Rhone May napansin si Rhone sa pinakadulong computer. Isang lalaking naka-itim na hoodie. Hindi ito naglalaro. Hindi rin nanonood ng video. May iba itong ginagawa. Dahan-dahang lumapit si Rhone. "Whoa..." "Ang cool naman." "Ano 'yan?" "Totoo ba 'yan?" Hindi man lang siya nilingon ng lalaki. "Lumayo ka, kid." "Hindi para sa'yo 'to." Nanlaki ang mga mata ni Rhone. "What?!" "Ang astig naman..." Sa wakas ay nagsalita ang lalaki. "Shut your mouth..." "...and just watch." Hindi maalis ni Rhone ang tingin niya sa monitor. "Pwede mo bang ituro kung saan mo 'yan pinapanood?" Napangiti ang lalaking naka-hoodie. "Masyado ka pang bata para maintindihan ang coding." "...Pero kaya kitang turuang pumasok sa dark web." Tumango si Rhone. "Okay..." --- Samantala... Sa Lungsod ni Scalia May napansin din si Scalia sa pinakadulong computer. Isa ring lalaking naka-itim na hoodie. Hindi ito naglalaro. Hindi rin nanonood. May iba itong ginagawa. Lumapit si Scalia habang nakasimangot. "Hoy." "Ikaw na matandang mabaho." "Ano'ng ginagawa mo?" "Ano'ng pinapanood mo?" "Umuwi ka na, kid," malamig na sagot ng lalaki. Napakiling si Scalia. "Bakit may binabalatan na tao?" Tumingin ang lalaking naka-hoodie sa kanya. "Shut your mouth..." "...and just watch." Nagkrus ng mga braso si Scalia. "Yeah, okay, fatass." "Pero tuturuan mo rin ako niyang number-number na ginagawa mo." Napatawa ang lalaki. "Masyado ka pang bata para maintindihan ang coding." "...Pero kaya kitang turuang pumasok sa dark web." Isang hakbang pa ang inilapit ni Scalia. "Hindi." "Turuan mo 'ko pareho." Wakas ng Kabanata 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD