Unang Pagkikita... Ito Na Kaya ang Huli?
Kabanata 1
Paano Nauwi sa Ganito?
Linggo, Hunyo 28, 2038 — 2:38 A.M.
Isang tahimik at walang lamang eskinita.
Ang tanging liwanag ay nanggagaling sa maputlang buwan sa itaas, na nag-iiwan ng mahahabang anino sa malamig na semento.
Tahimik ang buong paligid. Walang dumadaang sasakyan. Walang ingay ng mga tao. Tanging malamig na hangin lang ang dumadampi sa gabi, para bang tumigil ang buong mundo para sa kanilang dalawa.
Doon, sa gitna ng katahimikan, mahigpit na magkayakap sina Scalia at Rhone, na para bang wala nang ibang tao sa mundong iyon.
"Finally... nayakap din kita, Rhone..." mahina niyang bulong habang nanginginig ang boses. "Simula bata pa lang ako... ganitong pagmamahal na talaga ang hinahanap ko."
Unti-unting pumatak ang mga luha niya.
"Aww... my dear baby."
Mas hinigpitan pa ni Rhone ang yakap sa kanya.
"Shhh... nandito lang si hubby. Ilabas mo lang lahat."
"I'm sorry..."
Humagulgol si Scalia.
"I'm sorry kung nadamay pa kita sa gulong 'to... at salamat... salamat kasi pinili mong manatili. Hindi ko na yata kayang mabuhay nang wala ka."
Ngumiti nang marahan si Rhone.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ni Scalia.
"Darling..."
"Ang ganda mo pa rin... kahit umiiyak ka."
"Masaya lang ako na umabot tayo hanggang dito."
"At mas masaya akong ligtas ka."
Idinikit niya ang noo niya sa noo ni Scalia.
Saglit na walang nagsalita.
Pinakinggan lang nila ang paghinga ng isa't isa, na para bang gusto nilang huminto ang oras.
"Isa na lang na ruta..."
"Tapos... pwede na tayong magsama habang-buhay, 'di ba?"
Mahigpit na tumango si Scalia habang lalo pang yumakap.
Takot siyang baka kapag bumitaw siya, mawala rin si Rhone.
"Oo..."
"Oo, baby."
Napangiti siya kahit patuloy ang pag-agos ng mga luha.
"Isa..."
"Isa na lang na ruta."
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Dahan-dahan silang naglapit—
Cut.
---
2:45 A.M. — Bus Stop
Marahang hinampas ng malamig na hangin ang buhok ni Scalia habang nakatayo siya sa hintayan ng bus. Tahimik namang inilapag ni Rhone ang kulay rosas niyang maleta sa tabi niya.
Kumikislap ang mga ilaw sa kalsada.
Halos walang tao.
Tahimik ang paligid.
Pero ang bigat ng pakiramdam.
"Baby..."
Umiiyak na naman si Scalia.
"Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka."
Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Rhone.
"Promise mo..."
"Hinding-hindi mo ako iiwan."
"Please..."
"Kapag nawala ka sa buhay ko..."
"Hindi ko alam kung ano'ng magagawa ko."
"Baka... baka tuluyan na akong mabaliw."
Namasa rin ang mga mata ni Rhone.
"Baby..."
"Ako rin."
Marahan niya itong hinalikan sa pisngi.
Sa isang iglap, gusto niyang sabihin na huwag na itong umalis.
Na takbuhan na lang nila ang lahat.
Pero alam nilang pareho...
Hindi ganoon kasimple ang realidad.
Dumating ang bus.
Unti-unting bumukas ang pinto nito.
Parang kasabay ng pagbukas nito ang unti-unti nilang paghihiwalay.
"Hindi..."
Umiling si Scalia habang lalo pang umiiyak.
"Baby... ayoko pang umalis."
"Kung pwede lang..."
"Ayoko rin."
Mahinang sagot ni Rhone.
"Pero alam nating pareho..."
"Kailangan natin."
"Katulad ng sinabi mo."
Mahinang tumango si Scalia.
"Please..."
"Huwag mo 'kong iiwan."
"I promise."
Ngumiti si Rhone.
Ngiting pilit na tinatago ang lahat ng takot na nararamdaman niya.
"Hinding-hindi kita iiwan, Scalia."
"Mahal kita."
"Mamahalin kita..."
"Hanggang kamatayan."
May kinuha siya sa bulsa.
Isang simpleng pilak na singsing.
Maingat niya itong isinuot sa daliri ni Scalia.
"Isuot mo lang 'to."
"Para kahit kailan maramdaman mong kasama mo pa rin ako."
Napatingin si Scalia sa singsing.
Muli siyang napaiyak.
"Salamat..."
"Mahal na mahal kita."
"Mamahalin din kita..."
"Hanggang kamatayan."
Sumakay siya sa bus.
Habang unti-unting nagsasara ang pinto, hindi sila nagtanggalan ng tingin sa isa't isa.
Hanggang sa tuluyang lamunin ng dilim ang bus.
Hindi pa rin umalis si Rhone.
Nanatili siyang nakatayo roon.
Umaasang babalik pa ito.
Pero hindi na.
"...At iyon ang huling beses na nakita ko siya."