(THIRD PERSON’S POINT OF VIEW) MALALIM na paghinga ang narinig ni Zenrick mula kay Ericka.Nabuhayan siya ng loob alam niyang magandang balita ang dala ng paghinga na iyon. Paunti-unting tumibok ang puso ni Ericka, ang worn out niyang pangangatawan ay nagkabuhay ulit. Tumigil din sa pag-iyak ang anak ni Ericka sa kalong kalong ni Ria at bigla itong humagikgik at tinuro ang kaniyang Mama. “Akin na muna ang bata, Ria…” giit ng Nanay nila habang ‘di makapaniwala sa kaniyang nakikita. Inabot naman niya ito habang nakatingin sa kaniyang kapatid na paunti – unting gumagalaw. “Ericka,” sambit ni Ria at lumapit siya sa kapatid niya, nakita niya ang pagbalik ng paghinga nito. “Mama, si Ericka!” sigaw ni Ria. “Mama, buhay pa si Ericka!” sigaw ni Ria. Dahan dahan minulat ni Ericka ang mga mata

