(THIRD PERSON’S POINT OF VIEW) MATAPOS noong mirakulong gabi na nabuhay si Ericka, nanatili muna siya sa Isabela kasama ang pamilya at ang baby niya. Ilang linggo na hindi nagparamdam si Azazel sa kaniya. Inaamin niya nag-aalala siya sa ama ng anak niya, hindi pa kasi niya ito nakakausap ng maayos mula ng manganak siya. Zenrick decided to stay with her, sa tulong nina Irhana, Caden at Agnus naging madali ang pag-a-adjust ni Zenrick bilang isang tao ulit. Zenrick was able to keep his third eye, isa yun sa mga abilities na hindi naalis sa kaniya kasama na ang fighting skills niya. Tulad ni Ericka, nakakita na rin siya ng mga ghost na minsan pa nga nakikipaglaro sa anak ni Ericka na si Ickus. Hindi naman mawari ng pamilya ni Ericka ang biglaang pagsulpot ni Zenrick sa eksena pero naipaliwan

