chapter 10

1485 Words
Mahigit dalawang buwan na ang seat up namin. Halos gabi-gabi, minsan sa tanghali o madaling araw kaming nananaig. Kung kailan aabutan ng kalibugan si senyorito. Nag-iba na rin ang nararamdaman ko dahil nagustohan ko na ang kanyang mga ginagawa sa katawan ko. Nahawa na ako sa kanyang kamanyakan. Lover1; “Love, I really love you. Nabibighani ako sa boses mo lalo na kapag sa GC ikaw ay palaging kumakanta. Para akong nasa alapaap habang pinapakinggan ang iyong pagkanta. Alam kong may asawa ka at may girlfriend rin ako na ubod ng katapangan. But let's enjoy and savour our sweet moments inside the RR,"he said. “Mahal rin kita pero hindi ko alam kung tama ba itong ating gagawin. Masasabon na naman ako ng aking mga kaibigan. Alam mo naman sila overprotective na mga katropa,”she answered. “Hindi yan dito lang naman tayo magkarelasyon sa gc eh. Mananatili parin ang girlfriend ko at higit sa lahat ang asawa mo sa'yo. Gusto ko lang matawag na girlfriend kita dito sa loob ng RR. At wala naman sigurong masama dahil may nararamdaman naman ako sayo,”sabi ulit lalaki. Mission; Successful dahil naging sila na. Lover2; Hi!!! Kumusta??? Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa kung bakit narito ako sa inbox mo. Maaari ba kitang ligawan? “What???” Tinatanong kita kung pwedi ba kamo kitang ligawan. Ang ganda mo kasi tapos maayos kausap, naaatrak ako sayo. “Hindi pwedi, hindi ako nagpapaligaw,”sagot ng dilag. Mission; failed Lover3; “Cute pwedi ba kitang maging girlfriend? (Shortcut no ligaw dahil naligaw na ang pag-ibig ni tanders) “Nyahahaha para kang baliw, bakit ako ang gusto mong ligawan? Marami namang walang sabit sa gc at meron din na kaedad mo lang po,”she said. “Ganito kasi yon ikaw ang gusto ko kaya ikaw ang gusto kong maging girlfriend,”he said. “Naku hindi pwedi yan ayaw kitang maging boyfriend,”sagot nya. Mission; failed Then, in the following day nang malaman ni lover2 na may boyfriend na pala si girl. Saka niya na realized na kaya pala siya inayawan dahil may iba na pala itong gustong pagbigyan ng matamis na oo. Nagtamporurot at namahinga ng ilang araw, naging stranger saglit na parang tanga. Juskopo pag-ibig, daig pa ang kulay ng tubig baha. Kung ang tao nga naman ay umibig, palagi kang bukambibig. Pep, pep, pep!.... Hala 3am na pala, hindi ko namalayan dahil aliw na aliw ako sa mga kwento ng mga user sa RR. Sinuot ko ang aking night dress at agad na lumabas sa aking silid para salubungin si senyorito. Napahinto ako ng makitang may kasama itong dalawang babae. Ang iksi ng mga kasuotan na akala mo ay kinapos sa tela. Masaya silang nagtatawanan habang paakyat ng hagdanan. Nakakoble lang ako sa isang flower base habang pinapanuod sila. Hindi ko namalayan na kusa ng nagsisibagsakan ang aking mga luha. Paninikip ng aking dibdib na tila may nakatarak na kutsilyo sa aking puso. Hindi na ako sapat para sa kanya. Nagsasawa na siya sa aking katawan kaya nagdadala na naman siya ng ibang babae dito sa mansion niya. Bumalik na naman ang dating Jaiden Acevedo na bumibili ng bayarang mga kababaihan. Sinundan ko sila sa itaas, kahit masakit sa aking dibdib gusto kong tingnan. At ayon nga mula sa likuran ng puting kurtina. Tatlong tao ang mga walang saplot at ninanamnam ang kahayupan. Wala akong karapatan kay senyorito Jaiden Acevedo dahil isa lang naman akong hamak at pangit na katulong. Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa aking silid. Doon ko ibinuhos ang labis na kirot ng aking puso hanggang sa makatulogan ko na ang labis na pag-iyak. ***** Kinabukasan tanghali na akong nagising at namamaga ang aking mga mata. Hinala at hindi ako ginising ni senyorito. Medyo kumirot ang ulo ko ng subukan kong bumangon. Sa aking maliit na lamisita nakita ko ang isang sticky notes. Josie, Tulog ka pa kaya hindi na kita ginising pa. Maghanda ka ngayong gabi dahil isasama kita sa maynila. May importante lang akong aasikasuhin kaya maaga akong umalis ng bahay. J.A Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos kung basahin ang nakasaad sa sulat. Nagsipilyo at naghilamos ako ng aking mukha saka ko naisipan na linisin ko nalang muna ang kanyang silid bago mag-aalmusal. Bumalik ang kirot ng aking dibdib ng makita ko ang saplot ni senyorito sa lapag. Pilit ko nalang ipinaalala sa aking sarili na wala akong katiting na karapatan kay senyorito dahil s*x slave lang ako. Pagkatapos kong linisin ang lugar na iyon lumipat na ako sa kwarto ni senyorito para iyon naman ang lilinisan ko. Nagtataka ako na may maliit na pintuan na kunting nakabukas. Sa ilang buwan kong paglilinis sa kwartong iyon hindi ko napapansin ang pintuan na iyon dahil may wall paper itong desinyo. Nangahas akong lapitan ito para alamin kung ano ang nasa loob ng mahiwagang silid na iyon. Napa sign of a cross pa ako dahil baka may multo sa loob ng silid. Isang secret room ito na may mga larawan. Ang ibang larawan ay naka marka ng X. Mas ikinagulantang ko ang sumunod na larawan na aking nakikita. My parents photo with mark X. Pero ang larawan ko ang wala pang X na nakalagay. Pero may latina na nakasulat sa ibabaw. “Pronto serás mía princesa Bernadette San José.(you will be mine soon princess Bernadette San Jose.) la llave y tu, (the key and you). Nanlumo ako sa aking natuklasan. Siya ang anak ng superior. Isa siya sa mga pinuno na tumutugis sa akin. Tugma sa aking panaginip na nakaharap ko na ang anak ng superior. Mabuti nalang at nasa bulsa ko palagi ang aking cellphone. Kinuhanan ko kaagad ng larawan ang mga larawan na nasa wall ng demonyo. Kinamumuhian kita demonyo ka, sagad sa buto ang puot at galit na nararamdaman ko ngayon. Kung kahapon napansin kong umusbong ang munting pagmamahal ko sayo. At ang pighati na nararamdaman ko kagabi ay isang katangahan ko lamang. Ngayong narito na mismo sa aking harapan ang pumaslang sa aking mga magulang. Pinandidirihan kita demonyo, pinagsisihan ko ang pagkakilala ko sa'yo. Tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para malaman ko ang tunay mong pagkatao. Pagkatapos kong kumuha ng mga larawan, binuksan ko ang isang maliit na drawer. Nagbabaka sakali na may makikita pa akong ibang ebedinsya na nag-uugnay sa pagkatao niya. There you are, pictures ng papa ko at ng dalawang lalaki sa isang yati. Ito ang tunay na pagmumukha ni senyorito Jaiden? Tindig pa lamang nito ay nababanaag kong siya na. Kinuhanan ko rin ang larawan na iyong para mai-save ko sa aking cellphone. Nahagip ko ang isang envelope na may nakasulat na key evidence. Hindi pa ito nabuksan kaya kinuha ko at tiningnan. Habang hawak ko ang envelope may naririnig akong mga yapak at taong nagtatawanan. Kaya isinara ko ang secret room. At dali-daling nagtago sa likuran ng kurtina. “Nasaan kaya nilagay ni boss ang mga ebedinsya na iyon? Magaling iyong agent na kinuha niya dahil nakuha kaagad nito ang hitsura ng susi. Halughugin mo ang lahat ng closet dahil nariyan lang iyan. Marami tayong makuhang pabuya mula kay supremo kapag nakuha natin ang ebedinsya mula kay boss,”sabi ng lalaki. “Tanga ang amo natin pre dahil hindi niya alam na pinagkaisahan na siya ng grupo. Siya ang pinapahirapan na humalughog sa mundo para makita ang susi. Pero hindi niya alam na kapag nakuha na ang susi mula sa kanya ipapatudas na siya ng supremo,”sagot ng isang lalaki. “Huwag kang maingay pre dahil baka may makarinig sa usapan natin malalagot tayo kay supremo, tiyan buhay ang kapalit,"kontra ng Isa. Sino kaya sila, mga tauhan sila ni senyorito pero tinatraydor siya ng mga ito. Mabuti nga sa kanyang at ng mamatay na siya dahil malakinang kasilanan niya Sa pamilya ko. Nawalan ako ng mga magulang dahil sa kanya. Paano nila nagawang kitilin ang buhay ng mga magulang ko? Umalis na ang dalawang lalaki sa silid ni senyorito. Kaya hawak ang envelope at larawan ay dahan-dahan akong lumabas mula sa secret room. Lintik na parang sinalanta ng bagyo ang silid ni senyorito dahil ang lahat ng kanyang mga damit at kagamitan ay nagkakalat sa buong silid. Sinilip ko ang dalawang lalaki at kinuhanan ko Ito ng mga larawan mula sa itaas. Nasa hamba kasi sila ng hagdan nakatayo kaya timing ang oagkuha ko ng larawan. Nang umalis na sila ay agad akong bumaba at patakbong pumasok sa aking silid. Walang pag-alinlangan ay agad kong binuksan ang envelope na naglalaman ng sinasabing susi. Nagulantang ako sa aking nakikita. Hindi ako makakapaniwala na ito ang susi na hinahanap nila. Napakahiwaga naman ng grupong kinabibilangan nila. Paano nangyari ito at bakit na---- “Halughugin ang buong kabahayan dapat makuha natin ang ebedinsya sa araw na ito dahil napag-alaman kong paluwas ng maynila si Boss mamayang gabi,"narinig kong sigaw ng isang tauhan. Walang dapat makakita sa hitsura ng susi.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD