Walang ibang dapat na makakaalam sa susi. Ang aking panaginip ay isang babala na kailangan ko mag-iingat at hudyat na para simulan ang aking pakikipagpaligsahan muli kay kamatayan. Hindi na sana ako dapat na mabahala pa. Nang dahil sa aking kapusukan ay naipagkanulo ko ang aking sarili sa kapahamakan.
Kailangan kong umalis bago pa man niya nalaman ang nakatagong sekreto na matagal na nilang hinahanap.
“Nasaan ang pangit na katulong baka may kinalaman ang babaeng iyon,”narinig kong sabi ng lalaki.
“Pati ang kanyang silid ay halughugin natin,"sabi ng isa.
Naalarma ako sa kanilang sinabi, saan ako magtatago? Naisipan kong pumasok sa connecting room ng kitchen. Ito nalang ang paraan na meron ako. Ni-lock ko ang pintuan para hindi kaagad sila makakapasok sa aking silid. Suot ang aking lumang jacket ipinasok ko ang aking cellphone at ang mga ebedinsya na nakuha ko sa bulsa ng aking jacket. Wala na akong oras magpalit ng damit kaya kung ano man ang naisuot ko bahala na.
Sinimulan na nilang kalikutin para mabuksan ang lock kaya nagmamadali na akong lumabas. Umikot ako sa likod ng bahay at nagkoble sa mayabong na halamanan. Nakaronda sa gate ang ibang mga guwardiya kaya nahihirapan akong salisihan sila. “Bernadette lakasan mo ang iyong kalooban, kailangan mong makawala sa poder ni satanas,”kausap ko sa aking sarili.
Hindi ako makakatakas gamit ang pader dahil may nakapalibot na razor wire sa tuktok ng pader. Nakita ko ang puno ng rambutan na may nakausling na sanga patungo sa labas ng gate. Umakyat ako sa puno dahil ito nalang ang aking tanging pag-asa para mailigtas ang aking sarili sa kapahamakan. Nang makaakyat na ako kalsada na ang nasa ibaba pero mataas pala ang height sa kabilang bakod kumpara sa loob ng mansion. Nanginginig na ang aking mga tuhod dahil hindi naman ako sanay umakyat sa ganito kataas na puno. Nangahas lang akong umakyat para mailigtas ang aking sarili mula sa kapahamakan.
Nanlamig na ang aking katawan dahil kapag ako ay bumagsak sa sementadong kalsada tiyak mababalian ako ng buto. Panginoon sana hindi pa ito ang aking katapusan. Sálvame del daño ten piedad de mí señor porque mamá Amanda todavía me necesita.(iligtas mo po ako sa kapahamakan. kaawaan mo ako panginoon dahil kailangan pa ako ni nanay Amanda.) Nag-uunahan ng tumulo angaking mga luha dahil sa takot na mamatay.
Ahhhhhhhhhh boghhhhhh!
Kreeeeeetttttttttttttttt.......
Mahigpit kong ipinikit ang aking mga mata. Dahil katapusan na yata ng aking buhay. Nabali ang sanga na tinatayuan ko. Kaya bigla nalang akong napasigaw sabay pikit ng aking mga mata.
“Hoy sino ka? Paano ka nahulog diyan?"
Ahhhh h-huwag nyo po akong barilin hindi po ako masamang tao. Paandarin nyo na po ang sasakyan, iligtas nyo po muna ako sa kapahamakan. Natakot ako sa babaeng nagsasalita dahil nakaumang ang baril nito sa aking gawi. Nakaligtas ako dahil may foam ang sasakyan pero mukha sa bala ako mamamatay o sa nerbyos.
“Halika dito, bumaba ka diyan,"sabi niya.
Maam maawa ka tulungan nyo po akong makaligtas sa kapahamakan. May gusto pong pumatay sa akin.
“Eres una niña terca,"(ang tigas ng ulo mo babae.)
Nagulat ulit ako sa kanyang sinabi. Marunong din siyang mag-spanish. Isa kaya ang babaeng ito sa aking mga kalaban? Isa rin kaya siya sa mga naghahanap sa susi.
Mi señor, por qué me encuentro con ellos? A quién debo confiar?(panginoon ko, bakit ko ba sila nakakasalamuha? sino ba dapat ang paniniwalaan ko?).
“Sa harapan ka umupo hija kung gusto mo na iligtas kita sa kapahamakan,”sabi niya.
Agad akong bumaba mula sa ibabaw ng foam. Pumasok kaagad ako sa passenger seat sa harapan. Agad niyang pinaandar ang sasakyan kaya nakahinga ako ng maluwag.
Nakita ko sa harapan ang kanyang military id. Alagad ng batas pala ang babae. Napakaganda niya at mukhang hindi Filipino ang kanyang lahi.
“Done eye raping me woman? Are you a lesbian? To tell you honesty pure na babae ako may hiwa at may matres may anim na anak. A triplet, a twin and my bunso isang lalaki Jeremiah Shane Aragon,”kwento niya.
Wow ang cute siguro nila dahil maganda po kayo ma'am.
Ma'am totoo po ba kayong alagad ng batas? Ma'am pwedi nyo po ba akong iligtas sa kapahamakan? Ma'am wala po akong ibang malalapitan na pweding hingian ng tulong. Lahat po sila nais akong patayin, nakikipag paligsahan na ako kay kamatayan para lang mabuhay. Umiiyak kong sabi, nagbabakasakali na ang taong ito na ang napanaginipan kong tutulong sa akin. Umayon ang lahat sa aking panaginip kaya tiyak akong siya ang makakatulong sa akin.
“Ssshhhhhh you're safe with me don't worry, I assure you na matutulungan kita. I am Lt. Colonel Pilot Captain Afsheen Della Torres Aragon. And I am the owner of Aragon Pilot School. Narito kami sa lugar na ito for our team building camping activities. At ang mga foam na nasa likuran ng Rubitrux Wrangler ay para sa mga official visitors namin. You are lucky enough wo---,"
Josie Almonte po, iyan po ang pangalan ko.
“Okay Josie! Maswerti ka dahil nahulog ka sa foam. Mukhang hindi ka sanay sa mga heights dahil namumutla ka parin hanggang ngayon. Kapalaran nga naman kung hindi pa talaga oras para sunduin ka ni kamatayan. Hindi mo pa talaga oras para mamatay. Imagine tumakbo yong sasakyan ko at pwedi kang mahulog sa harapan ng sasakyan o di kaya'y sa likuran direkta sa sementadong kalsada. Sa taas ng bakod pwedi kang mabaldado o di kaya'y mamatay. Mukhang nasalisihan mo ang anghel ng kamatayan sa araw na ito,”biro ni ma'am afsheen.
Maswerti lang po talaga siguro ako ma'am.
“Kung hindi mo mamasamain gusto sana kitang tanunongin kung ano ang nangyayari sa mukha mo? Huwag kang mag-alala safety ka sa mga kamay ko. Mandirigma ako sa mga terorista at mga taong halang ang kaluluwa na tumiwalag sa batas ng gobyerno. Ramdam ko ang takot mo dahil wala kang mapagkakatiwalaang tao. Siguro nakaakda tayong pagtagpuin para maging kakampi mo. You are not Josie Almonte. At hindi aksidente ang nangyari sa mukha mo,"sabi niya na ikinabigla ko.
Es esta persona a la que me enfrento?( Tao ba iyong nakaharap ko?)
“Parezco un mono?(Mukha ba akong unggoy)
Ahhhhhhh stop the car please, eres un espíritu(Isa kang espiritu)..napasigaw ako sa takot.
“Hahaha kalma!” nobody knows that I have my hidden talent. I am a psychologist inside my inner soul. Now tell me, who are you princess?
Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nanlamig ako lalo dahil nababasa niya ang laman ng utak ko. Mas nanlamig pa kaysa takot sa pagkahulog ko sa kahoy. May tao pala na ganito kalalim mag-isip. Mukhang anghel pero normal na tao lang siya.
“You are a princess and a Mexican citizen,”nabigla ulit ako sa sinabi niya. Kuta na ako.....
“I am Princess Bernadette San Jose. I am the only daughter of Rey prinsepe Bernardino San Jose and with my Filipino mom Reyna Elizabeth Santiago. Pinatay sila at saksi ako sa mga pangyayari na yon. Itinakas lang ako ni nanay Amanda para hindi ako mapatay ng mga armado. Nagtatago kami ni nanay Amanda kung saan-saan dahil palagi kaming natutunton ng mga taong nais pumatay sa akin. Saka nalang naalala ni nanay na baka may tracker sa jewelry na suot ko. Kaya sa araw na iyon hinubad ko ang lahat at inilibing sa ilalim ng lupa.
Hindi kami makapamuhay ng tahimik dahil kilala na nila ang hitsura namin. Saan kami kukuha na aming makakain kung wala kaming trabaho na mapapasukan. Dahil sa depression kumuha ako ng blade at ito ang ginawa ko sa mukha ko ma'am. Napahagulhol na naman ako ng iyak dahil sa paggunita ko ng aking masalimuot na nakaraan.
“Hindi lang basta isang hari ang iyong ama. Siya ang inaatasan ng naunang supremo na protektahan ang nakatagong sekreto ng grupo. Ibig sabihin nasa sa'yo ang susi kaya ayaw ka nilang tigilan. Maaaring susi ito ng isang grupo na ama mo ang may hawak. Di nila nakuha mula sa ama mo ang susi kaya ikaw ang huling baraha na makakapaglabas nito,”she said.
“Hawak ng pinsan ko ang kaso ng iyong ama. Konektado siya sa akin dahil nakapasok ka kasama ang yaya mo dito sa Pilipinas. Don't cry Adette este Jose, tama ang iyong panaginip na ako ang inaatasan ng tadhana na hubogin ka at ilabas ang iyong lakas na nakatago lamang diyan sa sulok ng kalooban mo.
Nasa poder na kita kaya wala kanang dapat ikabahala pa. Isa kang hormones at kidney doctor di ba?"tanong niya.
Let's go! Rescue muna natin ang nanay Amanda mo dahil baka matunton nila at magiging hostage pa. May malaki kang ebedinsya na hawak kaya through life and death ang ginawa mong pagtakas. Ibigay mo sa akin ang address ng nanay Amanda mo. “Captain Aragon I need your chopper within 10 minutes, please come over,”command niya sa radio.
“Love, may emergency meeting ako sa Laguna with Mayor Mark Alcala,”sagot ng lalaki.
“Meeting with mayor Mark Alcala o walang magaganap na iyot sa loob ng dalawang buwan,”sagot ni ma'am Afsheen.
“Okay I'm coming ibaba ko na ang chopper sa primary school na malapit sa location mo,”sagot naman ng lalaki. Under pala ng asawa ang dami pang kuda...
“He is a lawyer kaya dedepensa muna bago pumayag hehehe,”natatawa niyang sabi.
Bumaba na kami sa jeep at sumakay sa chopper. Magtatanong pa sana ang asawa tungkol sa akin hinarangan na kaagad ni ma'am.
“I will tell you later love, rescue muna natin ang nanay niya dahil wala na tayong oras,”sabi ni ma'am.
Pagdating namin sa lugar na tinitirhan namin. Agad binayaran ni ma'am Afsheen ang buong renta ng bahay. Hindi na namin sinasalansan ang mga damit dahil sa pagmamadali. Nagtaka man si nanay hindi nalang ito umimik dahil may kutob na itong nasa panganib na naman kami......