Nandito na kami nakatira ni nanay Amanda sa mansion ng mga Aragon. Hindi ako makapaniwala na magbabago ang aking kapalaran. Mula sa pagiging matatakutin dahil walang kakampi sa buhay habang nakikipag habulan kay diablo de empyerno. Ngayon ay naging matapang na ako dahil may isang kaibigan na bigla kong naging kakampi. Sa bawat pagtulog ko nagpapasalamat ako sa diyos at sa mga magulang ko tungkol sa nakita ko sa aking panaginip. Isang babala at isang daan para aking maging kasangga.
Naikwento ko na kay Afsheen ang lahat-lahat. Pati ang ebedinsya na nakuha ko naipakita ko na rin sa mag-asawang aragon. At ang mga larawan na nakuha ko sa loob ng secret room ni Senyorito J.A. Na disappoint din siya ng sabihin kong may nakakita sa hitsura ng susi na nasa katawan ko. At ng sabihin ko na ang taong mismong naghahanap sa susi ay siyang nakakakita nito.
Mula ng sabihin ko iyon agad naman umaksyon si Afsheen. Badass brat pala ang itinadhana na maging kasangga ko. Ipinahanap niya kaagad sa kanyang mga tauhan ang taong nakakalap ng ebedinsya tungkol sa susi. Pero bago pa man ito nahanap ng mga tauhan ni Afsheen wala na itong buhay. Sa araw ng pagbigay nito ng ebedinsya agad itong pinatay. Ang konklusyon ni Afsheen para siguro wala ng ibang pang makakaalam tungkol sa misteryosong kwento ng susi.
Nagbunyi ang aking puso dahil hindi nakita ni senyorito Jaiden Acevedo ang hitsura ng susi. Umayon parin ang tadhana sa akin kaya dapat na akong mag-ingat. Mabuti nalang at may pagka tanga ang senyorito. Palaisipan parin sa akin ang hitsura ni senyorito. Dahil sa ilang buwan naming magkasama wala naman akong maling nakikita sa balat niya.
Baka mali lang ang nakikita ko na kasama ng aking ama. Baka hindi siya ang pumaslang sa mga magulang ko dahil nakabase lang naman ako sa tindig ng nasa larawan. Bakit ko naman siya ipagtatanggol, nasasaktan na nga ako sa ginawa niya. Ang pagdala niya ng ibang babae sa kanyang mansion habang naroon ako.
Binigyan ako ni Afsheen ng pagkakataon na kumuha ng board exam sa licence ng Medina. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon. Pagsusumikapan kong makakuha ng lisyensya bilang doctor para makapag trabaho. Online ang aking pag-aaral habang realidad naman ang aking training sa martial arts at paghawak ng baril.
Hindi ko daw muna kailangan na ipa- laser surgery ang mukha ko hangga't hindi ko pa matutunan ang mga ituturo niya sa akin. Kailangan kong pagsikapan na mailabas ang aking lakas at tapang. Unang rules niya, once na sumalang ako sa training. Wala ng atrasan, wala ng sukuan, walang reklamo at walang iyakan.
Para sa mga magulang ko hindi ako iiyak, magrereklamo, aatras at susuko. Kahit buhay ko man ang maging kapalit gagawin ko basta mapagtagumpayan ko lang ang aking layunin. Dito na sa underground ang aking tahanan. Dahil araw at gabi ang ginagawa kong pag-iinsayo.
“Pangit hindi ka ba nandidiri sa pagmumukha mo? Nakakasuka tingnan eh kapag nakikita namin iyan,”sabi ni Marv isa sa assassin na Trainor namin.
Kasama sa rules ang bawal mapikon kaya hindi ko dapat patulan.
“Supot!”
“What???”
Ay wala po akong sinabi, sabi ng lahat ikaw si Wowie de Guzman sa lugar ninyo di ba? Hayaan mo po na ikaw ang gwapo at ako ang beast princess para compatible na tayo.
“Nangarap ka naman Josie, panaginip lang yang compatibility na sinasabi mo kaya gumising ka na,”sabi pa niya.
Libre ang lahat na mangarap kaya bawal po kayong umangal. Alalahanin mong kagaya ng rules dito bawal ang kumontra sir.
“Almonte!!! On the ring 101 with agent Marv,”sigaw ng leader.
Kaya mo pala ako dinaldal dahil gusto mo akong makatunggali sa labanan na ito. Bwesit ka sup---, galingan mo dahil sisiguraduhin kong mababasag iyang kapiranggot mong kayamanan.
“Hahaha kapag nakita mo ito baka hindi kana makakatulog mare. Akyat kana at ekondisyon ang iyong sarili para sa malupit nating bakbakan. Nakakahiya kay boss kung hindi mo lalamangan ang iyong trainor,”pagmamayabangpa ni Marv.
Ang yabang mo po, mabugok ka sana. Sa pangalan niya bakit naalala ko si Win Marv ng RR. Tawag nila doon supot at Wowie ng Cavite. Pagkatapos ng aming bakbakan bubuksan ko ang RR para makimarites sa mga kagrupo doon.
“Kakayanin mo na kaya ang mga ataking igagawad ko sayo Josie?”nakangiti niyang sabi.
Ginagawa ang ataki pare hindi kinukuda. Huwag mong bigyan ang kalaban ng dahilan na mapaghandaan ang iyong mga galaw.
“May natutunan ka na nga mare, may kunting lamang utak rin pala iyang maliit mong ulo,”pwngungutsya pa niya.
Lamok nga may utak eh, para i-guide ang nguso kung saan itatarak ang kanyang karayom para makasipsip ng dugo. Ako pa kaya na tao.
“Ay atao ka pala mare,”
Arrrgggghhhh, boghhhhhh, ahhhh, eyahhhh. “Wait ahhhh!”
Yes pare, ako ay atao at abugbog ata sayo ng husto. Huwag ka kasi puro adaldal para di ka ataki kalaban. Nagsitawanan ang ibang mga myembro sa loob dahil sa aking sinabi.
“Nakakahiya agent Marv, alalahanin mong babae iyang katunggali mo,”sigaw ni agent Nelson.
“Ang babae minamahal hindi sinasaktan pre kaya okay lang na bugbugin niya ako,”sagot ni Agent Marv.
Kung sa labanan aminado akong hindi ko kakayanin ang makipag tunggali kay agent marv dahil bihasa na siya sa pakikipaglaban. Siguro susubukan lang niya ako kung hanggang saan na ang aking kakayahan na makipagtunggali.
Pareho kaming bugbog sarado dahil nachallenge na rin si agent Marv sa mga sinabi ko.
“You're doing great mare! Mabilis kang matuto dahil sinasapuso mo ang bawat task na ibinigay sa'yo,”hingal na sabi ni Marv.
Utang na loob ko kay Supreme Aragon ang lahat ng ito pare kaya kailangan kong pagbutihan para hindi nakakahiya sa kanya. Maraming salamat sa tulong ninyo hindi ko akalain na makakakilala ako ng mga kaibigan na katulad ninyo.
“Wala yon, kumusta na nga pala ang doctors license exam mo?”
Sa wakas natapos ko rin pero naghihintay parin ng resulta kung papas ba o hindi.
“Kaya mo yan ikaw pa ba? Nakayanan mo ngang makipagbugbog eh,”natatawang sabi ni Agent Marv.
*****
Pagkatapos kong maligo nagpapahinga na ako sa loob ng aking silid dito sa training underground.
Katulad ng plano ko kanina binuksan ko ang RR page at GC.
Bagong kwento na naman ang bumungad....
Sweetlover1
“Hi Bibi!
Kumusta?
Pwedi ba tayong maging magkaibigan?
You're too quite and look fierce,"sabi niya.
Lumang gimik na yan para makakuha ng attention ang daming sinasabi.
Lucky: Kailan mo ako nakikita para sabihin mong I'm quite and look fierce?
Sweetlover1: Sa profile picture mo. Binuksan ko rin ang gallery mo.
Lucky: Trespassing kana ah, pumasok ka ng walang permiso mula sa aking.
Sweetlover1: Sa puso mo ako bigyan ng permiso para maihayag ko ang aking sensiridad bilang nobyo mo.
Lucky: Ang bilis mo naman
Sweetlover1: Bakit pa natin patatagalin kong ang pintig ng ating puso ay isasa lamang sa tuwing nakikipagkulitan tayo sa GC.
Lucky: Ay hala ramdam mo pala?
Sweetlover1: Oo naman, lalaki ako kaya ramdam na ramdam sa talas ng pintig nitong aking puso na tanging ikaw Lang ang isinisigaw.
Lucky: sige na nga magjowa na tayo.
Mission: successful na naging magjowa pero dalawang buwan lang ang itinagal, expired na.
Sweetlover2: Hi lucky medyo matagal na naging tayo baka pweding seryosohin na natin ang ating relasyon. Total pauwi kana galing abroad sa amin kana umuwi.
Lucky: Alam mo naman na may asawa at mga anak ako paano ko sasang-ayunan ang iyong kagustuhan.
Sweetlover2: Sana hindi mo nalang ako pinaasa na mahal mo ako. Hindi na sana ako masasaktan ng ganito.
Lucky: Umpisa pa lang alam mo naman na may pamilya ako diba. Pumayag akong maging tayo para may kakwentuhan ako kapag free time ko.
Sweetlover2: Ngayon alam ko na kakwentuhan mo lang pala ako at hindi mo totoong minahal.
Lucky: Bibi, hindi naman sa ganun. Totoong mahal naman talaga kita. Nakokonsyensya na nga ako eh. Dahil kahit anong pilit nating ipaglaban ang relasyon na meron tayo. Hindi talaga pwedi dahil may mga anak at asawa ako.
Sweetlover2: Sige kung saan ka masaya doon ka. Maraming salamat sa mga oras na inilaan mo at magkakwentuhan tayo. Magpapaalam na ako sa RR, lilisanin ko na ang GC at page.
Lucky: Hoy! huwag ka namang ganyan.
Sweetlover2: RR gc admin and RR pages permission to leave po.
Mission: Failed, nag break dahil walang forever.
Lesson learn:
Huwag makipag relasyon sa sosyal media na kakwentuhan mo lang naman pala habang ang isa ay umaasa na maging kayo at magkaroon ng future. Huwag makipagjowa sa may sabit para hindi kayo maging kabit. Kabitin kung sa asawa parin siya mananatili. Kabitbit niya mga anak niya paano ka niya ipaglaban. Kalma lang, Kung gusto mo ng kakwentuhan maging magkaibigan nalang kayo huwag magka-ib-bigan para walang hopings, walang promising, walang painings hehehe.
Sa inbox ko....
“Hi camomile!
May I know you?”
Sino naman ito bakit naligaw ng dis-oras ng gabi. Seen lang ako dahil wala akong maisasagot.
“By the way, I am Jace Acuesta from Adamson University,”sabi niya.
I am Camomile Bulaklakin from Earthquake City that shake your world once in a while.
“Hahaha you're so funny I like it,” sabi niya.
Hahaha rin wala akong paki, goodnight.
Tal vez tu también seas un fraude.(baka isa ka rin na manloloko).