Jaiden Acevedo pov
After I got the evidence, I asked my men to kill that agent. Kailangan na walang ibang makakaalam sa hitsura ng susi. Iniwan ko lang ito sa aking secret room dahil wala naman ibang makakaalam nun kundi ako lamang.
I saw her crying, nasasaktan ba siya dahil may dinala akong dalawang babae sa aking bahay? We made a deal na walang string attached between the two of us. I feel something different kahit F*ck buddy lang kami. Kahit sa likod ng kanyang pangit na hitsura nababanaag ko parin ang kagandahan ng kanyang hitsura. The sparkle of her eyes, the shape of her lips and the hotness of her body. I think, she is not an ordinary woman then I dig a little investigation about her. Wala akong nakuhang information dahil nangungupahan lang sila sa bahay ng aking driver na si Kanor.
Nangako akong may pupuntahan kami ngayong gabi. Nais ko siyang dalhin sa maynila para ipa-laser ang kanyang mga peklat. Gusto ko lang ibalik ang kanyang dating hitsura as a reward sa kanyang serbisyo bago ako bumalik sa Mexico. Dahil nakuha ko na ang ebidensya, mareresolba na ang kaso na aking hinawakan. Ako na ang susunod na uupo sa trono para pamahalaan ang pinaka malaking organization ng superior.
Sa page ng RR may camomile na account na nakakuha sa aking attention. She's sending a good quotes everyday. Kaya naisipan ko itong i-private message baka sakaling mag-reply.
Me: “Hi camomile!
May I know you?”
Seen....
By the way, I am Jace Acuesta from Adamson University.
Her: “I am Camomile Bulaklakin from Earthquake City that shake your world once in a while,”she said na ikinatawa ko.
Me: Hahaha you're so funny I like it... sabi niya.
Her: “Hahaha rin wala akong paki, goodnight,”palaban.
Umuwi na ako sa bahay pagkatapos kong masigurado na malinis ang aking pinagawa.
“What a f*ck? Nadatnan namin na nakatali ang mga gwardiya at walang malay. Sino ang may kagagawan nito? Si Josie! Nasaan si Josie? Agad akong napatakbo sa loob ng aking mansion.
F*ck! Damn it!
Nagkalat ang mga kagamitan sa buong kabahayan. “Josie, Josie, Josie where are you?” I shout but nobody answer.
Umakyat ako sa aking silid, at ganun din ang nangyayari nagkalat ang lahat ng aking mga kagamitan. Basag ang TV at laptop na nasa loob ng aking kwarto. Pumasok ako sa aking secret room. It's safe pero may nawawala. Mother f*cker dare devil from hell, nawala ang evidence na nakuha ko. Sh*t,sh*t,sh*t...hindi ko pa nakita ang laman nun damn it. Naisahan ako ng pagkakataon, matinding kaparusahan na naman ang aking matatamo nito mula sa superior dahil naibalita ko na sa kanya na nasa kamay ko na ang ebedinsya.
Cómo me volví tan estúpido? Por qué me volví complaciente?(paano ako naging tanga? bakit ako naging kampante?). Damn it Jaiden Acevedo you're son of a b*tch...mura ko sa aking sarili. Naipapatay ko na ang magaling na agent. Paano ko malalaman ang kopya ng kanyang nakuhang information.
Bumaba ako at pumunta sa silid ni Josie, ohhh sh*t pati silid nila ni Lita nagkalat at wala si Josie. Tinangay ba nila pati si Josie? Oh F*ck you Jaiden, isa kang stupido at walang kwenta. Pinagsusuntok ko pintuan hanggang saasira ito. Hindi ko alintana ang sakit ng aking kamao habang umaagos ang dugo. Dahil sa aking kapabayaan napakalaking kawalan ang aking ginawa.
“Halughugin ang mga kagamitan ng agent na ipinapatay ko sa inyo at hanapin ang kopya ng ebidensya,”utos ko sa aking tauhan.
***000***
“Agent Montes your mission is to spy on what they call the invisible creator,”utos ni Boss Axel Gallanza.
Boss maano ako maging ispiya sa invisible creator na hindi ko naman alam ang hitsura nito.
“Talasan ang utak huwag pairalin ang puso Montes. Kilalanin sa galaw at hindi ang sabaw. Ang ebidensya ay wala sa bulsa kundi nasa kasa. Mag-iingat at siguraduhin mong hindi ka malingat. Magpanggap para ikaw ay matanggap. Good luck to your first mission,”sabi ni boss Axel.
“Binigyan ako ni boss ng puzzle sentence,”anas ng isip ko.
“Kaya bang lutasin ang mission na ito Montes? Konektado ito sa buhay mo kaya sa'yo ko ibibigay,”he said.
Nakalusot na sa training boss kaya pwedi na lumutas ng mission. Kung konektado pala ito sa buhay ko mas desidido akong lutasin at ng matapos na. Salamat sa bagong maskara sana huwag akong magaya sayo na ginupit ni doc Sanjela ang maskara habang tulog ka hahaha.
“Damn it, wala talagang maililihim na kwento ang magkaibigan na yan. Palaging nabubunyag ng mga sekreto,”he frustratedly said.
“Magaling na ang mga peklat mo, mabuti naman at pumayag kang mag-undergo sa laser surgery,”dagdag pa niya.
Bawal daw po kasi sa Della Torres Medical Hospital ang pangit boss eh. Nakakahiya kay Queen baka ako pa ang dahilan na mawalan ng pasyente ang kanyang hospital.
RR pages
A princess is strong, graceful, and full of magic. Always wear your invisible crown. Every girl is a princess, no matter where she comes from. You are never too old to be a princess. A true princess is not afraid to sparkle.
Jace Acuesta: Hi Admin ako, pwedi ba kitang gawin na co-admin?
Me: Bakit kailangan kong maging admin sa page mo? Okay naman ako bilang member.
Jace Acuesta: Kasi ganito yon since marami kang kaibigan pwedi kang mag-invite ng mga members na sumali sa RR. Ang goal natin bilang private group ay magkakaisa, magkakasiyahan at magkakakilanlan. Ikaw ang mag-a-approved ng mga hugot, motivational at funny post nila. May mga moderator din tayo at ikaw ang nakakataas sa kanila. Ikaw ang tumutok sa mga lumalabag like mga nakakabastos na mga post. At yong mga nagrereklamo dahil may hindi pagkakaintindihan.
Me: Sa iba mo nalang ibigay ang task na yan dahil busy ako sa trabaho ko palagi.
Jace Acuesta: Busy rin naman ako dahil isa akong engineer. Ano ba ang trabaho mo?
Me: Isa akong magnanakaw, ninanakaw ko ang mga pusong sawi.
Jace Acuesta: Sawi rin ako, baka pweding nakawin mo ang aking puso.
“People think a soul mate is your perfect fit, and that’s what everyone wants. But a true soul mate is a mirror, the person who shows you everything that is holding you back, the person who brings you to your own attention so you can change your life.”
Me: “When our community is in a state of peace, it can share that peace with neighboring communities, and so on. When we feel love and kindness towards others, it not only makes others feel loved and cared for, but it helps us also to develop inner happiness and peace.”
Jace Acuesta: “Magaling ka pala mag-motivate. Pag-isipan mo ang offer, ang nakawin ang puso kong sawi o ang maging admin ka,”he said.
Me: Pwedi buy one take one.
Jace Acuesta: ”Yes of course take all you want,"sabi pa niya.
Sino kaya ang taong ito baka isa na namang manloloko. Sa bagong mission ko kailangan ko daw magpanggap bilang katulong. Ang aking mission ay kumuha ng mga evidence sa isang mafia leader na nakapasok sa Pilipinas. Matagal na daw itong narito sa Pilipinas pero hindi nila matumbok ang mga negosyong pinanghahawakan nito dahil may malaking politician na humawak sa grupong ito.
Mamayang hapon pa daw nila ibibigay ang files para aking mapag-aralan.
“Idol, magpapaalam lang muna ako saglit. Left muna ako sa pages at messenger dahil nagloloko ang aking cellphone hindi ako makakasabay sa mga kwentuhan niya,”deo said.
Baka po nahawa sa mga kalokohan ninyo kaya nagka ganyan.
“Hindi naman sa ganun idol, may na miss lang kasi akong kaibigan at doon muna ako sa grupo nila tatambay parang anak ko na rin kasi ang batang yon. Mabait at malambing kausap,”sagot niya.
Ah ganun po ba! Siya ay malambing tapos kami parang kambing kausap ano po?
“Hahaha ikaw talaga napaka pilya mo. Nagtatanong kasi palagi yon kong bakit siya tinanggal sa RR page eh wala naman daw siyang ginawang mali,”sabi niya.
Kapag nanatili may inspiration, kapag umalis may ka diskusiyon.
“Actually nagtatampo ako kay admin idol kasi marami akong na-invite na mga kaibigan tapos ng magpaalam ako na baba muna ako sa pwesto sabi lang niya “Okay” wala na siyang ibang reaksiyon.
Naku nagtatampo ka pa, baka stress lang sa buhay yong tao kaya hindi niya magawang ngumawa at maglupasay ng iyak sa pag-alis mo. Hayaan mo pag balik mo bibigyan kana niya ng garland na pera. Sige po mag-ingat ka doon sa group nila baka ipa-salvage ka.
Matampuhin pala ang isang ito gusto niya siya at nasa center of attraction. Hahayyy buhay nila, matinik eh, kung saan sasaya ang puso, doon ngunguso. Masyadong mainlabin sa mga bagets kaya ayon bubuntot talaga.
Kakatipa ko ng cellphone hindi ko namalayan na hapon na pala. Pumasok ulit ako sa office ni boss Axel para kuhanin ang files. Nang ibigay niya binuksan ko kaagad ito.
Nabitawan ko kaagad ang files kong hawak dahil sa pagkagulat.
Hepe, por qué es mi misión?
(Boss, bakit siya ang mission ko?)
“Tinanggap mo na Montes, ituloy ang pag-panggap para ikaw ay matanggap,”natatawa pa niyang sabi.