"Ilang taon na ba ang nakalipas mula noon? Hindi ko sukat akalaing makikita ko pa siyang muli. Madalas naman akong umuuwi rito sa bansa subalit wala akong nabalitaan sa kaniya. O talagang nakalimutan ko na ang bahaging iyon ng aking buhay?" wala sa sariling sambit ni Aaron Sud. Dahil hindi naman bulong ang pagkabanggit ay malayang narinig ng mga nasa paligid niya. Ngunit para sa kaniya ay sa sarili lamang niya sinabi. "Tama ka, Mr Bartolome." "Do you know them, Papa?" "Kilala mo siya, Tatay?" Sabay-sabay na tanong ng mga ito. Kaya't ang heneral ay hindi malaman kung kanino babaling. Kung sa panauhing binilinan ng long time friend kasama ang mga anak o sa kaibigang hurado. Ngunit sa huli ay sa una siya lumapit lalo at halatang hindi makapaniwala. "Are you alright, Mr Xavier?" tanong n

