"Well, ano ang masasabi mo sa bagay na iyan, Mr Bartolome?" tanong ng isang abogado sa binatang inip na inip. Lintik kasi ang mga hayop! Laging siya ang pinag-iinitan sa bawat krimeng nangyayari sa kanilang lugar. Siya lang ba ang sanggano sa Tondo? Tama, wala siyang magulang at ibang pamilya kundi ang mga sworn brothers niya. Pabalik-balik sa iba't ibang kulungan lalong-lalo na sa Left Wing Jail ngunit ito ay dahil sa kanilang trabaho. Ngunit hindi naman yata makatatungan kung sa bawat krimen ay sa kaniya nakaturo ang sisi. Sa kaisipang iyon ay hindi niya namalayang napaismid na pala siya kasabay nang pagkuyom ng mga palad niya. "Is that an indication that you are admitting the new crime against you, Mr Bartolome?" Marahil ay hindi siya nito mahintay na sumagot kaya't muli na lamang nag

