"Talagang naniniwala na yata akong habang may hininga tayo ay hindi maubos-ubos ang problema sa buhay. Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi kayo nilubuyan mga lintik na problema," taas-kilay na saad ni Cassandra sa kakambal na nadatnan sa tahanan ng mga magulang. "At mula noon hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin nagbabago ang taklesa mong bibig. Aba'y pasalamat ka at spoiled wife ka kay bayaw Tommy. Tsk! Tsk! Ikaw na rin ang nagsabi noon pa man na huwag mawalan ng pag-asa dahil habang may buhay ay may pag-asa. Ganoon iyon, kamba." Pabiro ring ismid ni Mariz Kaye. Well, normal na iyon sa kanilang lahat. Kahit pa pare-parehas na silang may edad ay talagang hindi na nawala ang pagkasutil nila sa isa't-isa lalo na at bihira na ring nagkikita-kita. Kaya't talagang sinusulit ang bawa

