"Wait! Ihinto mo, anak. Now!" Animo'y nasa battlefield si Ginoong Clarence sa oras na iyon. Kaya naman ay dali-dali ring nagpreno si Tommy na kasalukuyang nasa manibela. Kamuntikan pa nga silang mapasubsob dahil sa pagkagulat. "What's on that voice, honey? Aba'y nasa kalsada tayo hindi sa race track. Ano ba ang problema mo?!" taas-kilay na tanong ni Ginang MaCon. Dahil na rin sa pagkagulat dulot nang biglang pagpreno ng manugang. Idagdag pa ang boses ng asawa niyang wari'y nawala sa sarili dahil sa lakas. "Sina Aaron Sud at Luther iyon ah," anito ngunit ang palad ay nakaturo sa labas ng sasakyan. Kaya't wala silang nagawa kundi sundan ang direksyon ng palad nito. "Ano na naman kaya ang problema nila sa ngayon? Aba'y sa pagkakaalam ko ay hindi pa tapos ang kaso ni Hepe. At ngayon ay sil

