"What's the f*ckin' meaning of this?!" Dahil sa gulat dulot nang biglang pagsulpot ng ilang pribadong tauhan umano ng hepe, idagdag pa ang mga police na hindi matukoy kung ano ang sadya sa kanila ay napataas ang boses ni Aaron Sud. "Dahan-dahan lang po, Mr Xavier. Dahil kami sana ang dapat na magtanong sa iyo. Ano po ang ibig sabihin nito? May tumawag po sa presinto at sinabing may dapat sagipin sa address na ito. Ngunit hindi ko akalaing dito pala sa inyo ang lugar na binanggit. Maari bang pakipaliwanag kung ano ang ibig ipakahulugan ng pangyayaring ito?" saad ng isang unipormadong police. Tuloy! Sa pahayag ng kapwa pulis ay napataas ang kilay ni Luther. Maaring nais siyang pigilan ng panganay na kapatid at ama dahil napatingin sila sa gawi niya. Subalit imbes na pansinin niya ang mga

