"Ah, huwag mo sanang masamain, Kuya, kung may itatanong ako sa iyo. Actually, iyan ang rason kung bakit naisip kong mag-inuman tayo habang nakabantay kay Grandpa." Panimula ng huli sa nakakatandang kapatid. "Sure, bro. Aba'y isang taon na rin yata noong huli kang nakakuha ng bakasyon. Ano ba ang itatanong mo at kinailangan mo pang humingi ng pahintulot?" agad na saad ng una nang nailapag na ang wine glass matapos nainom ang laman. "Since na pumayag ka ay hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Kuya. I heard it on my way home. Dahil nagreport pa ako sa presinto. Bakit gusto mong magresign sa trabaho mo bilang Chief Inspector, Kuya? Alam kong kagaya mo lang akong mahal na mahal ang pagiging police kahit pa sabihing magkaiba tayo ng center of concentration. "Since we graduated as we passed our e

